chapter twenty two

19 0 0
                                    

Nang maisara ko ang pinto ay hinawakan ko ang aking dibdib. Ang lakas ng kalabog nito ay hindi pa rin nawawala. Parang may nagkakarera pa ring hayop doon at sa aking tiyan naman, mga kulisap na nagliliparan dahil sa kaligayahan.

Dumiretso ako sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Inisahang inom ko lang 'yon dahil pakiramdam ko ay ang init. Lumabas ako at pupunta na sa aking kwarto nang marinig kong nag-uusap si mama at papa.

"Kailan ba natin sasabihin sa kaniya ang totoo?" Boses iyon ni Papa.

"Wala... Wala akong sasabihin, wala kang sasabihin! Sa akin siya, sa atin siya!" Pasigaw na sabi ni Mama.

Nagtatalo sila na madalang mangyari. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon at dumiretso na sa aking kwarto. Alam ko naman na magkakasundo rin agad sila, kaunting hindi pagkakaunawaan lang iyon at kailangan lang nilang mag-usap ng mahinahon.

Pumunta ako sa harap ng aparador at naghanap ng maisusuot. Gusto ko ng komportableng damit, 'yong maluwag at malamig ang tela. Nakita ko ang damit na matagal ko ng hindi naisusuot, niluma na iyon ng panahon kaya naman ginawa ko na lang pantulog dahil malamig sa balat ang tela.

May nahulog na isang bagay ng damputin ko iyon. Yumuko ako at hinanap ang bagay na nahulog sa ilalim ng katre ko.

Isang kwintas at may singsing na pendant ang nakita ko. Kulay ginto ang singsing pero simple lang iyon. Walang ano mang design pero may naka engrave na letters sa loob.

A. A. L.

Kanino 'to? Bakit nandito sa damitan ko? Sa kuryusidad ay kinuha ko ang singsing at isinuot sa palasingsingan at nakakapagtakang sakto lamang iyon sa aking daliri. Ang kwintas naman ang pinagtuunan ko ng pansin, ang pendant nito ay isang puso na parang may nakatusok na arrow pero maliit lamang. Katulad ng singsing ay kulay ginto iyon.

Sa akin naman siguro ito. Isinuot ko rin ang hawak na kwintas. Bukas ko na lang tatanungin si mama tungkol dito.

Ipinalit ko ang nakuhang damit at tanging cycling short lang ang isinuot ko. Lumabas ako sa kwarto dahil nauuhaw na naman ako.

"Huwag mong ipagkait sa kaniya ang buhay na dapat naman talaga ay tinatamasa niya!" Rinig kong pagalit na sambit ni papa nang lumabas ako ng kwarto.

Hindi pa rin sila tapos. Ano ba ang pinag-uusapan nila? Sana naman magka-ayos na sila.

"Maawa ka rin sa akin, hindi ko yata kaya kung aalis siya sa atin." Mahina na ang boses ni Mama.

"Alam ko 'yon, mahal. Napalapit na siya sa atin, siya na ang anak natin pero alam ko—alam mo ang totoo at hindi natin 'yon matatago habang-buhay..."

Nagptuloy ako sa paglalakad sa kusina. Kumuha ako ng tubig at isinalin sa baso. Hindi pa rin nawawala sa sistema ko ang nangyari kanina. Lumagok ako ng tubig at hinawakan ang labi pagkatapos. Ramdam ko pa rin ang lambot ng labi ni Aaron, ang marahang paggalaw niyon. Ang paghagod ng dila niya sa loob ng bibig ko. Ang mainit niyang palad na nakahawak sa pisngi ko. Ang mabango at mainit niyang paghinga na siyang nakakapagpainit at siya ring nagpapahina sa akin.

Ipinlig ko ang aking ulo. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Ibinaba ko ang hawak na baso at pumihit paharap sa pinto ng kusina. Napatalon ako sa gulat ng makita si Mama. Nakatulala siya at may luha sa gilid ng kaniyang mga mata.

Agad akong lumapit sa kaniya. Nakalimutan ko ang lahat ng sayang naramdaman at napalitan iyon ng takot at pag-aalala.

"Ayos lang po kayo, Mama?" Tanong ko. Hinawakan ko siya sa balikat.

Para siyang nagising at tiningnan ako gamit ang naiiyak na ekspresiyon. Ano bang nangyayari?

"Ayos lang po kayo? Ano pong masakit sa inyo?" Pag-uulit ko sa tanong.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now