chapter thirty five

30 0 0
                                    

Last Chapter! Malapit na pala ako mag-goodbye sa first babies ko!😭😭

——

"Shh, maghahanap tayo ng..." pumikit ng mariin si daddy na parang may iniindang sakit. "...mabangong durian."

"Papatayin ko ang lalaking 'yon." Bulong ni daddy na hindi ko naintindihan. Sumakay kami sa kotse para pumunta sa mall, hindi na ako nagpalit ng damit dahil maayos naman ang suot ko.

"Pero Sir, wala naman po yatang mabangong durian," namomroblemang sabi ng nagtitinda ng mga prutas. Pang-ilang mall na ba namin 'tong pinuntahan? Namamaga na rin ang mga mata ko dahil umiiyak ako sa tuwing sinasabi nila na wala daw silang mahanap na mabangong durian.

"Huwag na lang po daddy, uwi na po tayo, inaantok na ako." Humihikbi kong sabi, nilingon ako ni daddy at kita ko na nag-aalala siya.

"Buntis po ang anak niyo, Sir?" Nakangiti na ang ale na tinanungan namin ng durian. Nagulat ako sa sinabi niya.

Buntis? Ako? Naalala ko ang nangyari sa amin ni Aaron. Pati ang delayed kong monthly period. Napapikit ako ng mariin at natakot na baka magalit si daddy. Posible na parang imposible! Isang beses lang nangyari 'yon!

Nilingon ko si daddy na nakatingin sa akin gamit ang namumungay na mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero alam kong kinakabahan ako. Paano kung totoo? Naalala ko ang mga kinuwento sa akin ni ate Rowena noong kinwento niya sa akin ang naging karanasan niya habang ipinaglilihi niya si baby Roz.

"Let's go," marahan ang boses ni daddy ang narinig ko bago niya ako inakay palabas ng mall. Tahimik lang ako habang sumasabay sa kaniyang mga hakbang. Nakarating kami sa sasakyan, pinagbuksan niya ako ng pinto bago umupo sa tabi ko. Noong una tahimik lang kami hanggang sa narinig ko ang pagtikhim no daddy. Dali-dali akong yumakap sa kaniya habang umiiyak.

"Daddy, sorry po. Hindi ko po alam," umiiyak na sabi ko habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni daddy. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa pagbabara ng sipon ko, kanina pa rin ako iyak ng iyak.

"Shh, pupunta tayo sa ospital, aalamin natin, okay? Hindi galit si daddy," pag-aalo niya. Niyakap niya ako pabalik at hinaplos ng marahan ang bubok ko.

"Sa malapit na ospital, Karding," dali-daling tumango si mang Karding at pinaandar ang makina ng kotse. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan sa isang ospital, inalalayan ako ni daddy sa paglabas. Sabay kaming naglakad papasok.

"Senator Altayde?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Isang babaeng doctor  na nasa  mid fifties na ang edad.

"Doctor Manabat," ngumiti si daddy at nakipagkamay sa babae. "Ang tagal nating hindi nagkita, nalipat ka na pala sa Manila?"

"Oo." Sagot ng babae at lumipat ang tingin sa akin, "ito na ba ang anak niyo? Kamukhang-kamukha ni Aurora!" Nakangiti nitong sabi. Tumango ako at ngumiti ng maliit bago nag-iwas ng tingin.

"Oo. Kamukhang-kamukha ng mama niya..." May bahid na kalungkutan sa boses ni daddy.

Tumikhim ang babaeng doktor bago magsalita, "magpapa check up ba kayo?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Hmm," hinawakan ni daddy ang balikat ko. "Baka magiging lolo na ako," nakangiti nitong sabi. Hindi siya galit? Nangilid ang mga luha ko.

"Talaga?" Kita ko ang gulat sa mata ni doctor Manabat pero ngumiti rin kaagad. "Sumunod kayo para malaman natin," nauna itong maglakad sa amin kaya sumunod kami.

"Twelve weeks na ang baby mo, malakas naman ang kapit niya pero kailangan mo ring lumayo sa stress. Uminom ka rin ng gatas at  vitamins na irereseta ko sa'yo para mas lalong maging healthy si baby bago siya lumabas. Congratulations! " Nakangiti ito sa amin, si daddy lang ang nagsasalita dahil hindi pa maprocess ng utak ko ang mga naririnig ko ngayon. May baby na sa loob ng tummy ko?

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now