Prologue

159 16 7
                                    

Nakapikit ako habang binibigkas ang bawat letra at dinaramdam ang melodiya ng kanta, hindi ito ang unang beses na narinig ko ito kaya hindi nakakapagtaka kung maisaulo ko ang mga liriko nito.

It was February 14 Valentine's Day

The roses came but they took you away

Somehow, I feel like this song was really meant for me, seems like the writer of this song knew me well.

February 14 no'ng una ko siyang makita yet February 14 no'ng mawala siya sakin. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na naramdaman sa mga panahong iyon. Bakit ba hindi patas ang mundo? Hindi ba ako pwedeng sumaya kahit isang beses lang? Palagi na lang ba may kapalit na buhay sa tuwing gagawin ko ang gusto ko?

Hindi ko mapigilang kwestiyonin ang nasa Itaas.

Didn't I deserve to be happy?
Ginawa ko na ang lahat! Nagbagong buhay ako para sa kaniya. Kinausap ulit kita dahil sabi niya walang imposible Sa'yo! Magtiwala lang Sa'yo at gagawin mo ang hiniling ng mga anak mo.

But why did it happened? You took her from me! My only happiness, my only light to this fvcking dark life.

Isa lang! Isa lang ang hiniling ko Sa'yo yet you DID NOT do it.

I'm tired.

Everytime I attempted to be happy 'lagi mo akong hinahadlangan . Hindi ka patas sa mga tao.

Tattoed on my arm is a charm to disarm all the harm

Gotta keep myself calm but the truth is your gone

Hindi ko na kaya ang sakit at pangugulila na nararamdaman ko para sa'yo.

Ilang beses kong tinangka ang magpakamatay pero tila ba ayaw mo na kitilin ko ang sariling buhay, dahil sa ilang beses ko na iyong gustong gawin. Palagi kong nakikita ang pangalan mo.

Palagi akong naglalasing, nagbabakasakaling malimutan ang masasakit na nangyari sa buhay ko. Nagbabakasakaling isa lamang itong bangungot, isang masamang panaginip at gigisingin mo ako sa gitna nito pero hindi, gumigising akong masakit ang ulo dala ng hangover, mga luhang hindi maubos-ubos at isang reyalidad na wala ka na.

Nagmulat ako ng mga mata, sinuyod ang tingin sa mga masasayang nanonood. Mga magkakaibigan, magkasintahan, mga kabataan, at maging ng ilang matatanda.

At hindi ko inakala ang nakita ng dalawa kong mata no'ng binalik ang tingin sa unahan kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata at ang pag-awit sa Chorus ng kanta.

I still look for your face in the crowd

Oh if you could see me now

Would you stand in disgrace or take a bow

Oh if you could see me now

You could see, You could see me now

You could see, You could see me now...

Wala akong pakialam kung makita ako ng mga tao na umiiyak, ang tanging nasa isip ko ay ang babaeng matagal ko ng gustong makita, yakapin ng mahigpit at ikulong sa bahay para hindi na mawala sa paningin ko.

Tumayo ako hudyat na tapos na akong kumanta, hindi na pinansin ang mga taong nagre-request ng isa pang kanta. Dali-dali akong lumabas sa backstage pagkatapos ilagay ang gitara sa lamesa, hindi na pinansin ang tanong ng kaibigan ko.

Nilibot ang paningin paglabas na paglabas ko, hinahanap ang maamong mukha ng babaeng matagal ko ng minamahal ngunit sa di mabilang na kabiguan hindi ko siya nakita. Wala na siya sa kinatatayuan kung saan ko siya nakita.

Laglag ang balikat ng bumalik ako sa backstage at sinalubong ng matalik kong kaibigan.

"Guess what? Nakita mo na naman siya kanina, ano? Tama ba?" Sinamaan ko siya ng tingin kaya napaatras siya.

"Hindi ka pa ba nagsasawang umasa? Imposible ang nakita mo, alam mong payapa na siyang nagpapahinga kaya 'wag mo na guluhin."

"Oo. Alam ko kung gaano mo siya kamahal pero tao lang tayo pare, napapagod at nasasaktan. Hindi na kita nakikitang umiiyak pero alam ko na hindi ka pa nakakaahon sa pagkakalugmok. Kung ang ibang tao ay naloloko mo na ayos ka na, ibahin mo ako pre. Matagal na tayong magkasama, kulang na nga lang ay magkasama tayo sa tiyan ng mama mo at masasabi ng ibang tao na kambal tayo pero sabagay tanggap ko kung hindi ka sang ayon sa sinasabi nila. Higit naman na gwapo ako sa'yo ng limang paligo." Mahaba niyang sabi. Ang bwisit alam na alam kung saan isisingit ang kahanginan niya. Palibhasa ay libag.

"Fvcker! Lumayas ka dito or I'll beat you!"

Pero alam kong tama siya sa sinabi niya. Kahit naman siraulo ang lalaking 'yon may point pa din naman ang sinasabi niya.

I lost Her.

I should let her go, this is the last thing I can do for her and for me.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now