chaptrer fifteen

18 0 0
                                    

"Good morning," rinig kong bati ni Sandra. She looks happy and I started to hate it. I want to pull her hair and tell that Aaron is mine but I don't want to make a damn scene. At isa pa, wala naman talagang kasiguraduhan kung anong meron sa amin noon ni Aaron at baka birahan lang ako nito ni Sandra-gon nang past is past.

"Oh, nandito ka na pala?! Good morning, Cathy." Bitch!

She's smiling to me sweetly pero halata naman na kaplastikan lang. Sometimes, naitatanong ko na lang kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin? Like come on, it's been what? Five years simula noong sinabi ng mga tao dito na may pumalit daw sa pagiging maganda niya? Move on, girl! I'm not at fault kung mas maganda ako sa'yo! And beside, matagal nang nabaon ang asaran na 'yon, may mas maraming tsismis na ang laganap sa bayan na ito.

"Nope, it's just my clone. The real Cathy is beutifully sleeping in the house. Good morning too!" I gave her my super duper plastic smile.

"Funny," she commented.

Natahimik ang mga kasamahan namin sa trabaho but I don't give a damn! Masama and timpla ng mood ko ngayon. Kung pwede lang tirisin si Sandra-gon ay ginawa ko na.

Bumalik ako sa trabaho ko, may mangilan-ngilan na ring customer ang pumapasok sa coffee shop.

"One caramel macchiato, here's your order." I flatly  said to the customer. I don't care if I look rude. I'm not in the mood.

"Ahm yes, Adrianne drop off me here. I texted him and he agreed. He's courting me and maybe this week sagutin ko na siya." Pabalang kong inilapag ang hawak na tray sa gilid ng counter. Hindi ko gusto ang mga naririnig ko, gusto kong magdabog at sumbatan si Aaron pag nagkita kami pero para saan pa? Wala siyang responsibilidad sa akin.

"Ang sweet naman pala ni Adrianne, ang swerte mo naman, Sandra! I'm rooting for your lovelife!" Kinikilig si Jella sa mga kwento ni Sandra.

"Ikaw, Cathy, What do you think about my relationship with Adrianne?" Nagulat ako nang tanungin niya ako. Hindi niya alam na pinagsasapak ko na siya sa isip ko.

"I don't care, hindi ko naman kilala 'yang si Adrianne kaya wala akong pake kahit magtanan na kayo. Malaki ka na and the last time I check were not okay." Umalis ako sa pwesto nila at pumasok sa kusina.

Hindi pa talaga nawawala ang init ng ulo ko at gusto ko lang mapag-isa. Ayoko naman na palagi akong may makakainitan ngayong maghapon dahil sa hindi magandang timpla ng mood ko. Kaya naman siguro ni Sandra magserve, kakaunti lang naman ang tao ngayon.

Dumaan ang tanghali at lumabas ako para kumain, ganoon din ang mga katrabaho ko. Salitan lang kami kung sino ang unang kakain at nauna ako dahil ayoko ng may kasabay. Alas dos naman bubuksan ang coffee shop kaya ayos lang kung ako lang mag-isa ang maiiwan.

Alas sais ng gabi bumuhos ang malakas na ulan, malas naman kung kailan wala akong dalang payong!

"Here's your black coffee, Sir," Inilapag ko sa mesa ang kanilang order.

"Uy ikaw pala, Katkat, Magandang gabi!" Masiglang bati ni Timothy. Sila na lang ang kustomer namin ngayon. Siniko niya ang katabi niyang si Kenneth.

"M-Magandang gabi, Cathy,"

"Good evening," bati ko pabalik, nginitian ko sila ng maliit. Tumalikod na ako sa kanila pero rinig ko ang kanilang bulungan.

"Tanungin mo na kasi kung may kasabay ba siya umuwi, umuulan na oh at mahirap maghanap ng masasakyan ngayon." Pamilyar ang boses ni Timothy kaya hindi mahirap hulaan.

"Oo nga brad, baka si Mary talaga ang gusto mo tapos  gusto mo lang mapalapit sa kaibigan niya para walang hadlang kapag niligawan mo na si Mary, naku baka umiyak si Timothy niyan."

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now