chapter twenty eight

20 0 0
                                    

Nakarating kami sa kaniyang condo. Malapit lang ito sa Makati Medical Center, umakyat kami sa ikatlong palapag ng building. Ang ganda ng loob ng kaniyang condo. Malinis tingnan at hindi masakit sa mata. Kakaunti lang din ang kaniyang gamit.

Pagpasok pa lang ay sasalubong na agad sa iyo ang isang malaking flats screen tv, mahabang sofa at pang-isahang sofa sa magkabilang gilid nito. May mga collection ng transformers na laruan sa bawat gilid ng divider kung saan nakalagay ang tv. Mayroong dalawang pintuan na hula ko'y iyong kwarto. Dumiretso kami sa kusina dahil magluluto na si Aaron. Simple. 'Yon ang pansin ko sa kaniyang kusina. Kahit sino ay gaganahan magluto dahil napakaganda ng ambiance.

"Maligo ka kaya muna habang nagluluto ako. What do you think?" Alok ni Aaron.

"Grabe, mabaho na ba talaga ako at lahat kayo pinagbibihis ako?" I joked.

"No. You smell nice, gusto ko lang na maging komportable ka."

"Hmm, sige, magpapatuyo pa rin kasi ako ng buhok." Pagsang-ayon ko.

Inalalayan ako ni Aaron papunta sa kanyang kwarto. Pinahiram niya ako ng damit na isusuot ko pagkatapos maligo. Iniwan niya rin ako sa loob dahil magluluto pa raw siya ng kakainin namin.

Pumasok ako sa cr, cozy—'yon ang napansin ko. Dumiretso ako sa tapat ng shower at ngsimula ng maligo.

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina. 'Yung lalaking lumapit sa akin at tinawag akong princess. Bakit may puwang siya sa puso ko gayong unang beses pa lang naman naming magkita? Bakit parang kilala siya ng puso ko gayong hindi ko nga siya kilala. Bakit ganon na lang siya kasaya ng sabihing buhay ako? Siguro, napagkamalan lang niyang ako ang anak niya.
Hanggang matapos sa pagligo ay wala ako sa sarili. Para lang akong isang robot na kinokontrol kaya gumagalaw. Lumabas ako sa kwarto ni Aaron habang pinapatuyo ang buhok.

"Oh, I was about to call you," aniya ng magkasalubong kami.

"Pasensiya na kung napatagal ang pagligo ko."

"No worries, katatapos ko lang din magluto." Tiningnan niya ang ginagawa kong pagtutuyo ng buhok. "May blower ako sa kwarto, baka gumagana pa 'yon." Aniya at dumiretso sa kwarto.

Sumunod ako sa kaniya. Nakita kong sinaksak niya iyon sa outlet. At nang gumana ay lumingon siya, ngumiti siya sa akin at pinapalapit sa pwesto niya.

Pinaupo niya ako sa upuan sa tapat ng salamin. "Bakit may ganito ka?" Tukoy ko sa ibang gamit pangbabaeng meron siya. May blower, ponytail, headband, necktie pangschool? hairclip? Lahat ng iyon ay laman ng drawer na kaharap ng salamin niya.

"Gamit 'yan noong makulit na babae," kibit balikat na sagot niya habang may maliit na ngiti sa labi.

Hindi na ako nagsalita sa sinagot niya. Nagulat din ako na marunong siyang magblower ng buhok. Nang matapos ay lumabas na kami para kumain. Kwentuhan at kulitan ng matapos kaming kumain, nasa sofa kami habang nanonood pero wala akong maintindihan. Nakayakap sa akin si Aaron na parang isang bata, nakasubsob ang mukha sa gilid ng aking balikat. Minsan ay napapatawa na lang ako dahil bigla-bigla na lang niyang kinakagat ang balikat ko. Sasawayin ko siya pero kikilitiian lang niya ako hanggang sa mapagod kami. Natapos ang palabas pero ni isa ay wala kaming naintindihan.

"Tulog na tayo," aya ko ng makaramdam ng antok.

"Antok ka na? Hmm, hatid na kita sa kwarto." Tumayo si Aaron, inakbayan ako at naglakad kami papunta sa kaniyang kwarto.

"Bakit sa sofa ka pa matutulog?" Tanong ko ng nasa pinto na kami ng kwarto. Nagulat ako na doon niya pala balak matulog.

"Isa lang ang kwarto, "

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now