chapter twenty four

16 0 0
                                    

"Here. Let's drink, bunso!" Inabot sa akin ni ate Rowena ang juice na hawak niya.

"Malalasing ba tayo nito, ate?" Tanong ko habang nasa juice pa rin ang tingin.  Akala ko pa naman nakalalasing ang iinumin namin.

Narinig kong tumawa si ate Rowena. "Bawal akong uminom kaya idadamay kita." Sagot nito.

Napailing na lang ako. "Nasaan si Roz?" Paghahanap ko sa anak nila.

"Nandoon sa magulang ko, sila na muna ang nagbantay kay baby pero iuuwi naman mamaya. . ."

"Happy anniversary pala ulit. I'm so happy for you and kuya Ruiz. Thank you for being my sister." Sabi ko pagkaraan ng ilang minuto naming pananahimik. Hindi naman ako lasing, naisipan ko lang na sabihin iyon.

"Eto naman, maliit na bagay lang iyon bunso, ang bait mo kaya maging kapatid." Pinunasan ni ate Rowena ang gilid ng kaniyang mata.

"Kamusta nga pala? Kailan mo balak sagutin si Aaron? He seems so inlove with you. Humahanga ako sa kaniya."

"Ayos lang naman ate, gusto ko na siyang sagutin pero natatakot ako..." Pag-amin ko.

"Bakit ka natatakot?" Nagtataka niyang tanong.

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko alam." Nalilito ko ring sagot. "Gusto ko na siya. Gustong-gusto pero natatakot ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa totoo lang gusto ko na siyang sagutin ngayon kahit pa natatakot ako."

"Hindi talaga nawawala ang takot kapag ikaw ay papasok sa isang relasyon. Kasi mag-iisip ka na ng mga bagay na hindi mo talaga maiiwasan. Magwowork ba ang relasyon namin? Mga ganong klase ng tanong pero masasapawan din 'yun kung mahal mo talaga ang isang tao dahil sigurado ka na sa kaniya."

Pero sigurado na ako sa kaniya!

I sighed at uminom na lang ng juice. "Kahit isang beer lang, Ate, pwede?" Gusto kong uminom ngayon baka sakaling makita ko na ang sign para sagutin si Aaron.

"Oh sige na, ikukuha lang kita." Naiiling na sabi ni ate Rowena. I smiled at her.

Habang hinihintay si ate Rowena na dumating ay tumayo ako para tingnan sa labas si Aaron. My forehead creased when I saw a girl walking to Aaron direction.

Ano namang masama roon kung may babaeng lumapit sa kaniya? As if they're already making out! Ang lakas mong magselos e hindi mo pa nga sinasagot! Wala pa kayong relasyon, Cathy! Pagkastigo ko sa sarili.

Tahimik lang ang mga lalaki habang nagkukwentuhan. May kaniya-kaniyang hawak ng beer. Mag-kausap si kuya Ruiz at Aaron. Nakita kong may ibinulong ang babae kay Aaron kaya nalipat ang atensiyon niya dito. Tumaas ang sulok ng labi ko. Ano naman kaya ang binulong ng babaeng 'yon? Umiling si Aaron at nginitian ng maliit ang babae. Ngumiti rin pabalik ang babae sa kaniya at tumayo, umalis na sa pwesto nila.

Nakaismid ako ng bumalik sa upuan saktong pagbalik rin ni ate Rowena bitbit ang dalawang bote ng beer. Inabot niya sa akin ang dala na agaran kong tinggap. Bukas na ang bote kaya dinala ko 'yon ng diretso sa aking bibig. Napapikit ako ng malasahan ang alak. Ang sakit sa lalamunan na animo isang asido ang aking ininom. Hindi pa rin ako nasasanay sa lasa nito. Sa totoo lang ay nakatikim ako ng alak ngayon lang na nagpakita sa akin si Aaron. Noong una ay noong naligo kami sa dagat at ito ang pangalawa.
"Dahan-dahan lang sa pag-inom, hindi kita aagawan!" Natatawang sambit ni ate Rowena.

Umiling ako at nagpatuloy lang sa paglagok ng alak. Naubos ko na ang una kong ininom kaya kinuha ko ulit ang isa. Medyo nahihilo na ako at feeling ko ay umiikot na ang bahay.

"Saglit lang, Katkat," paalam ni ate Rowena.

"Sige lang," sagot ko at lumagok ulit ng alak.

Tumayo si ate Rowena at umalis sa pwesto namin. Naiwan akong mag-isa, nahihilo na ako kaya sumubsob ako sa lamesa.

"Hey, let's go," ani boses na pilit gumigising sa akin. Tamad akong nag-angat ng tingin at nakitang si Aaron iyon.

"Hey too! How are you? "  I splashed a sweet smile and then glare at him afterwards.

"What's the problem?" He asked.

"Nothing," I said flatly and went back to my position.

"Let's go. You're drunk."

"I'm not!" Protesta ko.

"Stop being hardheaded. Ihahatid na kita sa inyo."

"Fine!" Sigaw ko at biglang tumayo na pinagsisihan ko! Umiikot ang buong bahay! Mabuti na lang at agad akong nahawakan ni Aaron.

"Kaya kong maglakad mag-isa, huwag mo nga akong hawakan!" Inalis ko ang kamay niya sa baywang ko at nagsimula ng maglakad.

Dahan-dahan lang ang paglalakad na ginagawa ko dahil tila lumalim ang daraanan ko.

"Saan na kayo?" May narinig akong boses pero hindi ko makilala kung sino iyon.

"Uuwi na kami, lasing na ang girlfriend ko." Narinig kong sagot ni Aaron.

"Akala ko ba nanliligaw ka pa lang?" Naibaling ko ang tingin sa babaeng nagtanong niyon. Sinamaan ko siya ng tingin, nilipat niya rin ang tingin sa akin at ng makita ako ay nginitian ako ng matamis. Nang-aasar.

Ipinakita ko sa kaniya ang masamang tingin ko at hinawakan ang kamay ni Aaron.

"Sinong nagsabing nanliligaw pa sa akin si Aaron? Official na kami. Sinagot ko na siya."  Ngumiti ako sa babae at hinarap si Aaron.

"Pero sabi ni Aaron na nanliligaw pa lang siya," pagpipilit ng isang babae.

"Desisyon ka, teh? Ikaw ba ang nililigawan? Sinagot ko na nga s'ya teh, hanap ka na lang ng ibang lalaki!" Nginitian ko siya ng matamis bago inirapan. Nakita kong naiwang nakanganga ang kaniyang bibig.

Tumalikod ako sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa sasakyan ni Aaron. Padabog akong sumandal sa kaniyang kotse ng makarating ako.  Ang tagal niyang sumunod ah! Siguro nakikipag-usap pa doon sa babaeng linta! I sighed at tinuktok ang ulo. Masiyado yata akong naging rude. Hindi naman ako ganito noon, nagsimula lang ito noong nakita ko si Aaron. Parati na lang may masamang salita na lumalabas sa bibig ko.
Nakita kong naglalakad na papalapit si Aaron. Mataman niya akong tiningnan at nakakapanghina ang paraan ng kaniyang pagtingin. Inirapan ko siya at tumabi ng ipagbukas niya ako ng pintuan. Tahimik lang akong sumakay. Umikot siya para sumakay sa driver seat.

"Talk," Aniya. Hindi ko siya pinansin. I crossed my arms at ipinanatili ang tingin sa labas.

"Cathy, " may diin na ang kaniyang tawag kaya lumingon ako.

"Ano?" Tanong ko. Inirapan ko siya at muling tumingin sa labas.

"Bakit mo ginanon si Alejandra? She's a friend. " sabi niya na nagpairap ulit sa akin.

A friend my ass! She's obviously flirting with you! Sinabi ko na nga na boyfriend kita tapos ipagpipiitan niya pang nililigawan mo pa lang ako!

"Noong una si Sandra, ngayon naman si Alejandra. Suki ka talaga ng babaeng 'dra' ang hulihan ng panagalan, 'no?" I asked him, sarcastically.

He sighed. "Anong problema?" Tanong niya.

"Wala nga. Uwi na tayo, inaantok na ako." I yawned, faking it.

"Ganito na lang ba palagi? Bakit parang hirap na hirap kang sabihin sa akin kung ano ang nararamdaman mo? Wala na ba talaga akong pag-asa sa'yo? Masiyado na ba talagang huli ang limang taon na hindi kita nakita? Ipinipilit ko na lang ba talaga ang sarili ko sa'yo?" He said.

Nangingilid ang luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nag-iwas sa akin ng tingin.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now