chapter twenty one

22 0 0
                                    

Sa muling pagbitaw ng aming mga labi ay kapwa na kami hinihingal ni Aaron. Ilang minuto rin ang tinagal ng halikan namin at hindi ako makapaniwalang kinaya ko 'yon. Noong una ay hindi ako marunong, para lang akong tuod habang hinahalikan ni Aaron pero nang maglaon ay natuto rin ako. Tinuturuan niya ako habang hinahalikan. Magaling siyang humalik, parating magaan ang kaniyang galaw.

"I... " Wala akong mahanap na salita.

"Hmm?" Tanong ni Aaron. Nanatiling magkalapit ang aming mga mukha. Nakasandal ang noo ni Aaron sa noo ko. Umatras ako ng kaunti kung bakit nagkaroon ng espasyo ang aming mga mukha. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Sa mukha niya? Sa gilid niya?

"Baby, look at me..."

Please lang Aaron, gusto ko munang magpahinga, 'wag mo akong tawagin ng ganiyan dahil natutukso akong halikan kita ulit!

Sa halip na sagutin ay tumayo ako. Naiwan siyang nakatingala sa akin. Nakita kong may dumaang sakit sa kaniyang mga mata.

Hindi ako galit, Aaron! Gusto ko ang halik mo pero please lang, hindi ko kayang sabihin na nagustuhan ko ang halik mo! Hindi muna ngayong may kung anong init pa akong nararamdaman!

"Ahmm, s-saglit lang..." Tumalikod ako sa kaniya at naglakad ng mabilis.

"Cathy, baby!" Sigaw ni Aaron pero hindi ko siya nilingon.

Mamaya na lang Aaron, pasensiya na kung iiwan muna kita. Kailangan kong magpahangin, kailangan kong magpalamig.

Nakarating ako sa pwesto namin kanina. Sakto at nagliligpit na sila, pauwi na kami na ipinagpasalamat ko.

Tumulong ako na ilagay ang mga bote ng beer sa case na dala namin. Maging ang mga plastic ng sitsirya ay pinulot ko rin at inilagay sa malaking bag na lagayan ng basura.

"Cathy..." May humawak sa braso ko. Kahit na hindi na tingnan ang mukha ay kilala ko na agad kung sino iyon. Hindi lang dahil sa amoy ng pabango at boses niya kundi dahil sa mabilis ring pagtibok ng puso ko na nangyayari lang sa tuwing malapit siya sa akin.

Gano'n ang epekto ng isang Aaron sa akin.

"Uyy, PCD! Andiyan na pala kayo! Kanina pa kami naghihintay dito!" Lumapit sa amin si Val.

Gumegewang na siya at lalong pumungay ang kaniyang mga mata. Ibinaling niya ang tingin kay Aaron na sa akin lang nakatingin, hindi pinapansin ang kaibigang lango na sa alak. "Ikaw pala, Adrianne my friend! Ikaw ang bestfriend ko 'di ba?" Inilapit pang lalo ni Val ang mukha kay Aaron. Hindi pa siya nakontento dahil kinurot niya ang dalawang pisngi nito.

"Hala! Oo nga, totoo ka! Akala ko iniwan na ako ng lahat!" Tuwang-tuwa siya habang sinasabi iyon.

Inalis ni Aaron ang kamay ni Val sa pisngi niya. "Hindi pa kita iniiwan pero dahil sa ginagawa mo baka maisipan ko na!" Bulyaw nito.

"Ito naman, parang hindi friends ah?! Iniwan na nga ako ng palangga ko tapos iiwan mo pa rin ako?" Pinalungkot ni Val ang kaniyang mukha maging ang tono ng kaniyang boses. Mariin ang pagpikit ni Aaron sa kaniyang mata na para bang nagtitimpi na lang sa kaibigang lasing.
"Tsk, pumunta ka na roon sa sasakyan at matulog ka na." Utos ni Aaron.

"Hindi mo ako tutulungan papunta sa sasakyan? Paano kung matumba ako diyan sa daan? " Pinalobo ni Val ang kaniyang pisngi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa ng malakas.

Hindi ko maimagine ang hirap at stress na inaabot ni Aaron sa tuwing malalasing si Val.

Dahil sa pagtawa ko ay lumipat sa akin ang tingin ng dalawa. Nakakunot ang noo ni Aaron habang nakangisi ng malawak si Val na para bang nakakita ng kakampi.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now