chapter thirteen

20 0 0
                                    

"Mama, ayos na po ba talaga kayo?" Hindi ko mabilang kung pang-ilang ulit na tanong ko na 'yon simula noong dumating sila kaninang umaga. Masiyado akong nag-alala dahil bigla na lang siyang nawalan ng malay.

"Ayos lang ako anak, kumain ka ng marami. Ikaw ba ang nagluto nitong ulam? Aba, napakasarap mo naman pala magtimpla ng gulay, anak." Nakangiti sa akin si mama gayon din si papa na sumusubo na ng pagkain.

Ako lang ang naggayat ng mga gulay at naglagay ng mga iyon sa kawali para lumambot pero si Aaron talaga ang nagtimpla. Kaninang umaga, bago umuwi sila mama ay nagluto kaming dalawa gaya nang napag-usapan namin kahapon. Tahimik lang kami habang nagluluto at kung tinatanong niya ako ay tanging tango lang ang aking sinasagot, minsan din ay "oo," at "hmm," para hindi na humaba pa ang aming pag-uusap.

Hindi ko pa rin makalimutan ang katangahan ko sa harap ni Aaron, idagdag pa ang paglalakad niya na tanging tuwalya lamang ang saplot sa katawan.

"Opo, pero si Aaron po ang naglagay ng lasa sa gulay. Hindi ko pa kasi masiyadong kabisado kung gaano karami ba talaga ang ilalagay na asin, baka po kasi sobrang alat o kaya naman ay sobrang tabang."

Napansin kong parang natigilan sila sa mga sinabi ko, meron bang mali doon? Nagkatitigan si mama at papa bago ulit  itinuon ang buong atensiyon sa akin. Napaayos ako ng upo at naghintay sa sasabihin nila. Bumuntong ng hininga si papa bago nagsalita.

"May sinabi ba sa iyo si Adrianne, anak?" tanong niya. Umiling ako sa tanong ni papa, hindi ko na sasabihin ang mga napag-usapan namin ni Aaron. Kanina rin umalis si Aaron dahil babalik na siya sa Manila, may aasikasuhin daw siya doon pero babalik rin pagkatapos ng isang linggo.

Sa totoo lang ay parang ayoko siyang umalis, naatached siguro ako masiyado dahil sa pag-aalaga niya sa akin noong nagkasakit ako.

"Bakit po pala? May dapat bang sabihin si Aaron sa akin?"

"Ah– eh, kasi baka kako nasabi niya kung bakit ko siya kilala. Baka rin kasi nagulat ka na iniwan lang kita sa isang estranghero pa lamang sa'yo, nagmamadali din kasi ako para maisugod ang mama mo. Pasensiya na anak."

"Hindi po siya estranghero sa akin, hindi ko man siya maalala sa aking isipan ramdam ko pa rin po sa puso ko  na mayroon kaming pinagsamahan noon!" I wanted to say but I remained silent, instead I gave them a small smile.

"Paano niyo nga po pala nakilala si Aaron?" kahit ako ay nagtataka. Hindi taga-rito si Aaron at wala ring nakukuwento sa amin si papa. Nakatingin ako sa kaniya at naghihintay sa kaniyang sagot.

"Noong nakaraang buwan pa kami nagkakilala ni Adrianne, naalala mo noong umuwi ako na may sugat ang kaliwang binti ko? Siya ang tumulong sa akin na magamot iyon. May isang beses din na tinulungan niya ako sa mga dala kong gulay papunta sa bayan. Simula noon, kadalasan ay nagkikita kami tuwing umaga dahil nakakasabay ko siya sa kalsada kapag pumupunta ako sa bukid, nag-eehersisyo siya. Minsan din ay sumasama siya sa akin sa bundok, iniimbitahan ko nga siya sa bahay pero palagi siyang tumatanggi dahil may mga ginagawa daw siya," nagulat ako sa lahat ng narinig ko. Kaya ganoon na lang si papa magbitiw ng salita na may tiwala daw siya kay Aaron. Nginitian ko sila at hindi ipinakita na nagulat ako, natapos ang aming tanghalian.

Nagpaalam si papa na bibisitahin niya ang palayan kaya kaming dalawa na lang ni mama ang naiwan sa bahay. Nagpupumilit pa siya na tumulong sa paghuhugas kahit na pinagsabihan ko siya na magpahinga na lamang.

"Madali lang naman ang paghuhugas anak, ako na ang gagawa upang makapagpahinga ka rin."

"Ako na po, Ma, kayo ang dapat  magpahinga dahil kagagaling niyo lang. Bakit nga po pala kayo hinimatay, Mama?  Hindi niyo pa po sinasabi sa akin,"  nag-iwas siya ng tingin sa akin at dinala ang mga pinggan sa lababo.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now