chapter twelve

19 1 0
                                    

"Bukas na pala uuwi si mama, ano kaya ang magandang lutuin?" I asked Aaron. Busy siya sa pagsaboy ng mga pagkain sa manok habang ako naman ay nagwawalis sa bakuran namin.

Ito na rin ang naging routine naming dalawa, bukas ay saktong dalawang linggo nang pananatili niya dito. Pwede naman siya umalis dito pagkatapos ng bagyo at dumiretso na sa Manila pero hindi niya ginawa. Sa halip ay nagvolunteer pa siyang samahan ako habang hindi pa umuuwi sila mama. Noong gabing tinawag niya ako ng chubbycheeks ay hindi ako masiyadong nakatulog kaya puyat na puyat ako. Hindi ko rin naabutan si Papa sa pagpunta niya dito dahil tanghali na ako nagising. Sinabi na lang sa akin ni Aaron na isang linggo pa  sila Papa sa center.

"Gulay?" Hindi niya siguradong sambit. Nilingon niya ako bago nagsalita muli. "Marunong ka na magluto?"

Base sa pagkakagulat ng mukha niya, hindi siguro talaga ako marunong at mahilig sa pagluluto kahit noon pa man. Nong araw na sinabi ko kay Aaron na ako na lang ang bahala sa iba kong nalimutang alaala, hindi na siya nagpumilit. Sa loob ng dalawang linggo na nakasama ko siya, hindi na namin pa nabuksan ang usaping iyon. Naging mas close din kami sa isa't- isa at komportable na nang nagkukwentuhan. May mga oras din na bigla na lang din siyang nagugulat sa mga ginagawa ko katulad ng ngayon na para bang isang malaking himala at kagulat-gulat ang gagawin o sinabi ko.

Ngumuso ako at umiling sa kaniya. "Hindi ako masiyadong marunong, pero willing ako matuto ah!" Pagdepensa ko sa sarili. Narinig ko ang pagtawa niya kaya naningkit ang mga mata ko.

"Marunong na ako magsaing tsaka magprito, nakagawa din ako ng adobong ampalaya!"

"Edi 'yon na lang ang lutuin natin," pagsang-ayon ni Aaron. Napabuntong-hininga ako at nakita ko ang paglingon niya sa akin, nakakunot ang noo at nagtataka ang itsura.

"Bakit? May problema ba?" Napanguso ako dahil sa tanong niya. May problema nga, napakalaki.

"Wala kasi si mama,"

"Ano namang meron sa..." Nakita ko ang paglunok ng laway ni Aaron. "Mama mo?"

"Siya kasi ang naglagay ng timpla  no'ng magluto ako ng ganon. May nakalista naman sa notes ko kung paano kaya lang, hindi ko alam kung  paano 'yon timplahan. Hindi ko alam kung gaano karami ang ilalagay ko na asin." Napabuntong-hininga ako. Gusto kong lutuan si Mama ng ulam para sa pagdating niya bukas. I'm hopeless...

Nang tingnan ko si Aaron ay nakatunganga siya sa akin.Nakaawang ang kaniyang labi, pinapalibutan na siya ng mga manaok dahil doon lang din sa kaniyang talampakan napupunta ang mga patuka.

"Hoy! Ayos ka lang?" I snap my finger infront of his face.

"Y-Yes, ako na ang bahala sa pagtimpla ng lulutuin mong gulay. I'll help you," nagpipigil ang tawa niya habang sinasabi 'yon. Sumimangot ako at inirapan siya.

"Tinatawanan mo naman ako, bahala ka nga diyan!" Ibinagsak ko ang walis at nagmartsa papunta sa pinto ng kusina. Papasok pa lang sana ako ng may humawak sa kamay ko at hinigit ako paharap. Dibdib ni Aaron ang sumalubong sa akin. Tinulak ko siya para sana makawala pero masiyado siyang malakas kaysa sa akin.

"No, h-hindi kita tinatawanan. You're so adorable." Lalong sumama ang timpla ng mukha ko dahil narinig ko ulit ang mahina niyang tawa, gumagalaw ang balikat na akala mo ay kinikiliti.

"Bitawan mo nga ako, tinatawan mo naman ako, ei!" Nagpupumiglas ako sa kaniya hanggang sa lumuwag ang yakap niya.
Kahit pa sabihin na mabango si Aaron at komportable ang yakap niya. Tinatawanan niya naman ako!

"Okay sorry, I just can't help it. You're so cute, chubbycheeks." Automatic na natigil ako sa pagpupumiglas ng marinig kong tinawag niya akong chubbycheeks. Simula noong gabi, ito ang pangalawang beses niya akong tinawag na chubbycheeks.

Pakiramdam ko ay pulang-pula ng pisngi ko. Hinawakan niya ng dalawa niyang kamay ang magkabila kong pisngi. Para akong nakapout dahil sa ginagawa niya, nakita kong naglandas ang mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko. Nagtama ang mga mata namin ng titigan niya ako. Naging malikot din ang mga mata ko, nakita kong gumalaw ang matulis niyang adams apple dahil sa kaniyang paglunok. Pagtingin ko kay Aaron ay nakatingin siya sa labi ko. Kinagat niya ang gilid na kaniyang labi. Hindi ko alam pero kusang pumikit ang mg mata ko. Naghihintay sa kung anong gagawin niya, ilang segundo rin akong nakapikit bago ko imulat ang mga mata. May multong ngiti sa kaniyang mga labi at nangingislap ang mata. Natanga ako ng mga ilang segundo bago ko na realize na para akong tanga sa ginawa ko. Dali-dali akong nagpanggap na napuwing ang mga mata ko. Umatras ako at nabitiwan ni Aaron ang mukha ko.

Walang lingong likod na nagmartsa ako papasok sa kusina, kulang na lang ay sabunutan ko ang sarili ko.

Estupida, Cathy! Ano at pumikit-pikit ka pa?! May gusto ka bang mangyari ha? Nakakahiya, mukha kang tanga kanina sa harap niya! Anong akala mo nasa isang libro o palabas kayo tapos kapag nagkatitigan kayo at hawak niya ang mukha mo ay hahalikan ka niya?! Nakakahiya ng sobraa!! Hindi na kita kilala!

Pumasok ako sa kwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Ano na lang ang iisipin ni Aaron? Na gusto ko mahalikan? Ha?! Nahihibang na talaga ako. Nakatulala lang ako sa kisame, pilit pinapakalma ang sarili kahit na gustong-gusto ko magsisigaw para kahit papaano man lang ay matanggal ang hiya na nararamdaman ko ngayon.

Kung bubuka lang ang lupa ay masaya akong magpapalamon! Sobrang nakakahiya!

Ilang saglit pa ay may kumatok sa pinto. Wala namang ibang tao dito kaya sigurado akong si Aaron 'yon.

P'wede ko bang huwag na lang buksan?

Hindi ako tumayo. Wala akong balak na makita muna siya, nahihiya pa rin ako. Tumigil ang pagkatok kaya nakahinga ako ng maluwag. Alas sais pa lang ng umaga ngayon kaya hindi pwedeng hindi ako lumabas ng kwarto para makakain. Nakapagkape na kami pero hindi pa 'yon sapat.

Nakatulugan ko ang pagtitig sa kisame at alas onse na ng magising. Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa kusina, may nadatnan ako doong pagkain sa lamesa. Wala si Aaron at hindi ko alam kung nasaan siya, maayos na rin 'yon para makakain ako ng maayos.

Patapos na ako at umiinom na lang ng tubig noong pumasok si Aaron, naibuga ko ang iniinom at may lumabas na tubig sa ilong ko. Sino ba naman ang hindi?! Kakaligo lang ni Aaron at basa pa ang buhok niya, wala siyang suot pang-itaas at tanging tuwalya lang ang nakapalibot sa pang-ibaba niya!

Nagulat din siya ng mapatingin sa pwesto ko bago niya tingnan ang sarili at dali-daling tumalikod.  Napabuga ako ng hangin at hinilot ang bridge ng ilong dahil ang sakit no'n dahil sa pumasok na tubig.

Naghuhugas na ako ng pinggan nang bumalik si Aaron. Nakapagbihis na rin siya. Isang jersey short at plain white v-neck shirt.
"Bibili ako ng gulay sa bayan mamaya, wala na kasing ampalaya at kalabasa. Gusto mo bang sumama?" Napatingin ako kung saan namin nilalagay ang gulay at tanging sibuyas na lang ang mga nandoon. Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa paghuhugas ng pinggan, kunwari ay hindi ko siya narinig.

Hindi pa nga ako nakaka move-on sa kabaliwang ginawa ko sa harap niya kanina tapos dumagdag pa 'yong paglalakad niya dito ng tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan.

Anong tingin niya dito sa bahay namin? Isang stage?! E ilang hakbang nga lang galing sa palikuran ay makakarating na sa lamesa nitong kusina. Ilang hakbang lang ulit  at makakapunta ka na rin sa kwarto, masiyadong maliit itong bahay kaya palagi rin magkikita ang mga tao dito!

"Sige ako na lang ang bibili, magpahinga ka na rin pagkatapos mo diyan. Pasensiya na nga pala, akala ko kasi ay tulog ka pa kaya hindi na ako nag-abala magbihis kanina nong paglabas ko sa cr." Rinig ko ang papalayo niyang hakbang.

Nakahinga na rin ako ng maluwag na kanina ko pa pinipigilan. Effective naman pala ang hindi ko pagsagot sa kaniya.

At hindi ko akalain na ang pagkukunwaring inis ko ay magiging totoo.

Gusto ko siyang sipain sa mukha sa sobrang inis!

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now