chapter ten

25 2 7
                                    

"Kumain ka muna para makainom ka ng gamot." Napapitlag ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang kaniyang boses. Nandito ako ngayon sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang malakas na hampas ng hangin at mga patak ng ulan.

"Pasensiya na kung pinakialaman ko ang kusina niyo," sa pagkakataong ito ay lumingon ako sa kaniya. Nakapagpalit na pala siya ng damit, isang itim na t-shirt na hapit na hapit sa kaniya ang kaniyang suot. Tila hindi nilalamig si Adrianne sa kaniyang suot na damit.

Naglakad ako papunta sa kusina at nilampasan kung saan nakahalukipkip si Adrianne. Sinigang ang ulam na nakahain sa lamesa, ito 'yong binili kong karne kanina.

"Kumain ka na rin, hindi ko ito kayang ubusin na ako lamang mag-isa ang kakain." Tawag pansin ko sa kaniya.

Nang mag-angat ako ng tingin kay Adrianne ay dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa lamesa. Ang kaniyang mga mata ay nakatuon sa akin, hindi ko makayanan ang intensidad kung paano siya tumingin kaya ibinalik ko ang atensiyon sa pagkain. Umupo siya sa harapan ko kaya mas lalo lamang akong nailang, kahit pa magaan ang loob ko at panatag ako sa kaniya, hindi ko pa rin maiwasang mailang sa kaniyang mga titig.

Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin pero bago pa siya makapagsandok ng kanin ay ginawa ko na iyon. Kumuha rin ako ng isang mangkok at isinalin doon ang ulam at inilagay malapit sa kaniyang pinggan. Hindi pa ako nakuntento at sinalinan ko na rin ng tubig ang kaniyang baso. Nang tumingin ako sa kaniya ay nakita ko siyang nakatunganga sa akin, mababakas ang pagkagulat at pagkamangha sa kaniyang mga mata. Masiyado iyong expressive kahit na malalim siya kung tumingin. Napapahiyang umupo akong muli at sumubo.
"Aren't you going to eat?" Nagulat ako sa paraan ng pagkakatanong ko. Hindi naman ako rude sa mga taong bago ko pa lamang nakikilala pero parang ang dali lang lumalabas ng side ko na iyon dahil sa kaharap ko.

Nakita kong nangingiti siya habang ang mga mata ay nangingislap. Umirap ako at nagpatuloy sa pagsubo ng kanin. Ang ilang minuto ay tila isang oras sa akin, masiyadong tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng mga kutsara at tinidor na nagkakabanggaan ang naririnig ko pati ang malalaking patak ng ulan sa bubong ng bahay. Malapit na kaming matapos kumain ng maalala ko ang nangyari kanina.

"Bakit mo kilala ang pangalan ko? Parte ka ba talaga ng nakaraan ko? Sa Manila ba tayo nagkakilala?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

Nakita kong natigilan siya, Inilapag niya ang hawak na kutsara't tinidor bago ako tiningnan. Napasinghap ako ng magtama ang mga mata namin. Ayan na naman ang nakakaawang ekspresiyon ng mukha niya. Kahit hindi pa siya nagsasalita ay ramdam ko ang lungkot at pagkalito niya.

"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" May pagsusumamo sa boses niya.

Naipikit ko ang mga mata sa narinig. So, totoo nga na parte siya ng nakaraan ko. Bakit walang binanggit sila Mama?

"Umuwi na tayo," dugsong niya pa.

Minulat ko ang mga mata ko at nakipagtitigan sa kaniya… "S-Sino ka ba talaga?" Nagsimulang tumambol ng malakas ang dibdib ko. Ang nararamdaman ko kanina ay bumalik, kinakapos ako ng hininga kaya naging marahas ang pagbuga ko ng hangin. Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil doon. Nakita kong tumayo si Adrianne at lalapit sana sa pwesto ko pero pinigilan ko siya.

"'Wag kang lalapit sa akin!" Sigaw ko sa kaniya.
Nakita ko ang takot at pag-aalala sa mga mata niya… "S-Sino ka ba talaga sa buhay ko? Bakit ayaw mong sagutin?!"

Ang takot at pag-aalala sa mga mata niya ay nadagdagan ng sakit. Halo-halo ang emosyon na pinapakita niya sa loob lamang ng segundo kaya lalo akong naguguluhan.

" Bakit mo ako inaayang umuwi kung hindi mo naman sinasagot ang tanong ko?!" At sa pagkakataong ito ay tuluyang tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Sunod-sunod ang pagpatak niyon na tila ulan. Para akong isang ulap na pinalilibutan ng dag-im at bigla na lang bumuhos kasi hindi na kaya ang bigat na dinadala. Patuloy ako sa pagpahid ng luha gamit ang likod ng palad ko. Para akong isang bata na hindi napagbigyan ng kaniyang mga magulang sa gustong bilihing laruan. Humakbang siya papalapit sa akin kaya humakbang ako paatras habang umiiling ang ulo. Itinaas ko ang dalawa kong kamay para patigilin siya sa kaniyang paglapit.

"Sabihin mo na lang, please. Ikaw ba 'yong lalaki sa panaginip ko? Ikaw ba 'yong lalaking tumulong sa akin no'ng nadapa ako?" Huminga ako ng malalim para umayos ang paghinga ko bago muling magsalita… "Sabihin mo na, limang taon nang maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko simula no'ng magising ako pagkatapos naming maaksidente nila mama." Nagmamakaawa na ang boses ko.

Kilala niya ako dati kaya pwede ko siyang tanungin. Gusto kong magsalita siya para hindi ko na tanungin sila mama.

Nakatayo lang siya sa harapan ko, ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't-isa. Bumuka ang bibig niya ngunit walang salita na lumabas doon. Lumunok siya ng laway at nag-iwas ng tingin saka ginulo ang buhok habang nakayuko ang ulo. Wala akong ibang ginawa kundi sundan ng tingin ang bawat kilos niya. Masiyadong manly ang dating niyon. Muli siyang nagtaas ng tingin at dumiretso ang mga mata sa akin. Muling bumuka ang kaniyang bibig.

"C-Cathy," pumiyok ang boses niya kahit na iisang salita lang ang sinambit niya.

Muli siyang umiling at inilagay ang siko sa kaniyang mga mata na parang tinatabunan iyon upang hindi ko makita ang sinasabi ng kaniyang mga mata. Nakita ko ang matigas niyang tiyan dahil sa pagtaas ng kaniyang siko. Mabilis kong iniwas ang tingin doon at ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. Tinanggal niya ang pagkakatabon ng siko sa kaniyang mga mata at nginitian ako.

Isang mapait na ngiti.

Kita ko ang paglamlam ng kaniyang mga mata. Gumalaw ang adams apple niya dahil sa kaniyang paglunok, hindi niya sinagot ang tanong ko pero nagulat ako sa sinabi niya.

"I thought, I won't be able to s-see you anymore." His voice we're trembling.

My lips parted as he continue walking. He stop when our distance is just one step away... "But now you're here, you're real, baby." Pagpatuloy niya sa pagsasalita.

"Tell me I'm not dreaming. This is reality, right? I'm not hallucinating." Bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Ramdam ko ang sakit ng nararamdaman niya dahil sa kaniyang boses.

Masiyado iyong mahina sapat lamang na naririnig naming dalawa, gumagaralgal din ang boses niya na kahit sino ay mapapaiyak kung sino man ang nasa posisyon ko ngayon.

"Those sleepless night while staring at your pictures in my cellphone was torture. Every smile in your lips were like daggers slowly stabbing on my heart." Two steps and he's now infront of me.

Mahihiya ang hangin sa sobrang dikit ng katawan namin. He lifted my two hands, caressing my palm while looking directly to my eyes. Kahit na nanginginig at nanghihina ay pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Umiikot na rin ang paningin ko, dala siguro dahil may lagnat ako.
"S-Sabihin mo kung sino ka sa buhay ko," I pleaded.

Lalong lumala ang sakit ng ulo ko. Umiikot ang paningin ko at nangangtal ang mga labi ko. Ang paghinga ko ay lalong bumigat, maging ang tuhod ko ay nanlalambot na para bang ano mang oras ay bibigay na iyon at kung hindi ako kakapit sa balikat ni Adrianne ay sasalampak ako sa sahig.

Ang daming senaryo ang pumapasok sa isip ko. Parang tunog ng sirena ang naririnig ko at unti-unting nandidilim ang paningin ko ngunit bago ko pa man maipikit ang mga mata ko at mahulog ang sarili sa sahig, may sumambot na sa akin kasabay ng kaniyang sinabi na tila ba pamilyar sa akin.

"I'm Aaron, baby. Your Aaron."  There is agony on his voice.

If You Could See Me Now (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora