chapter eighteen

23 0 0
                                    

"P'wede bang huwag mo akong titigan? Kung ice cream lang ako ay baka kanina pa ako natunaw." Inirapan ko si Aaron nang sabihin iyon.

Sabi niya ay gusto niya akong makausap pero heto't nakatingin lang naman siya sa akin. Nandito kami ngayon sa tindahan ng ice cream - Sorbetes ni Marites ang pangalan ng tindahan na 'yon.

"Sorry," aniya. "Gusto nga kitang makausap... Gusto kong magpaliwanag, wala kaming relasyon ni Sandra at hindi ko siya nililigawan." Dugsong pa niya.

"Ayos lang kahit hindi ka magpaliwanag, wala kang obligasiyon sa akin,"

"Wala pa akong obligasiyon sa'yo? Sabihin na nating oo pero gusto kong magpaliwanag. Gusto kong malaman mo ang nararamdaman ko, hindi ko gusto na bigyan ka ng maraming isipin kung nangyayari nga ba 'yon. Ayoko rin na ang babaeng liligawan ko ay may pagdadalawang isip sa akin, gusto kong malaman mo na importante ka sa akin. Ayoko nang maulit ang nangyari noon. " Mahaba niyang sabi. "Ayoko nang maulit ang nangyari noon, nakakapanghina, nakakabaliw at nakakawalang gana mabuhay." Dugsong pa niya, nakatingin siya diretso sa mga mata ko habang sinasabi iyon.

Kung kaninang pag-uusap namin ay kumakain pa ako ng ice cream, ngayon ay hindi na, maging ang kuttsara na hawak ay nabitiwan ko rin. Nakatanga lang ako sa kaniya, nakatingin at nawawala na naman ako sa katinuan dahil sa kaniyang mga mata. Mga mata niyang malalim kung tumingin pero expressive iyon. Mga matang tila palaging nagpapaawa at anumang oras ay may babagsak na luha roon.

Suminghap ako ng maramdamang ang aking paghinga ay huminto.

"S-Sige... Magpaliwanag ka na," kahit hindi na kailangan dahil unang salita mo pa lang ay pinaniwalan ko na. Gusto kong idugsong pero sinikap kong sarilinin na lang iyon.

Kapag siya ay nagsasalita at nakatingin ng diretso sa iyong mga mata ay iispin mong lahat iyon ay totoo lamang. Tila isang hipnotismo ang maganda niyang mga mata.

Binalik ko ang tingin sa kaniya ng marinig ko siyang tumikhim. "Hindi ko alam kung sino o bakit naisip ng mga katrabaho mo na si Sandra ang nililigawan ko." panimula niya. "Kung sinabi man niyang nag-uusap kami pagkatapos kong kumanta noon sa plaza ay totoo iyon. Pero, hanggang pag-uusap lang kami at madalang mangyari 'yon, nagkakausap kami dahil si Val naman ang kaibigan ni Sandra. Wala akong relsyon sa kaniya at lalong higit na hindi ko siya nililigawan dahil iisa lang ang laman ng aking puso at isipan... At ikaw 'yon, Cathy, mula noon mag pahanggang-ngayon." Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya.

Wala akong mahanap na salita. Puro bakit at paano ang nasa isip ko ngayon pero hindi ko alam kung paano itatanong 'yon. Bakit... Ako? Paano?...

Tumikhim ako at naghahanap ng salitang maaaring sabihin pero wala... Tila nablanko ako dahil sa narinig. "G-Gusto mo akong ligawan?" Tanging salita na nakuha ko.

Tumango siya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"B-Bago mo gawin 'yan, kausapin mo muna si Sandra. Hindi man kami magkasundo ni Sandra ay hindi ko pa rin gusto ang nangyari kanina. Napahiya siya dahil alam lahat ng katrabaho namin na siya ang nililigawan mo. Ayokong mapasama sa tingin nila, kahit pa wala naman akong kasalanan. Babae rin ako at alam kong nasaktan si Sandra." Kahit na naiilang sa paraan ng pagtingin niya at nasambit ko pa rin lahat ng iyon.

"Dapat noong una pa lang, nilinaw mo na sa katrabaho namin na hindi mo siya nililigawan." Pagpapatuloy ko.

"Ano pa?" Mataman siyang nakatingin sa akin.

"K-Kausapin mo si kuya Ruiz," nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pagsubo ng ice cream.

At magpapaligaw ka talaga 'no?!

"H-Huwag na pala," kinamot ko ang aking kilay.

"It's okay. Kakausapin ko si Sandra ngayon at hihingi ng tawad sa ginawa ko." Aaron said with too much confidence.

"Hmm," tangi kong sagot kasabay ng pagtango.

"Kakausapin ko rin ang kuya Ruiz mo..."

Natahimik kami ng ilang saglit.

Hindi mo ba ipapaliwanag kung bakit ka inabot ng dalawang linggo sa Manila? Anong ginawa mo roon? May iba pa ba akong kaibigan na naiwan sa Manila? Bakit hindi ka kilala nila Mama kung may ugnayan tayo noong nasa Manila pa kami? Kung mahalaga ako sa'yo bakit hindi mo pinursigi ang paghahanap sa akin-o hinanap mo ba ako?

Natatakot ako. Natatakot ako na baka ang gusto mo pa ay ang dating Cathy- 'yong hindi marunong magluto, hindi kumakain ng tuyo.

"Magpapaalam ako sa mga magulang mo na liligawan kita,"

May iilan akong naaalala pero hindi tungkol sa sarili ko o sa pamilya ko. Parati na lang sangkot si Aaron doon. Katulad na lang kung bakit: gano'n na lang ang pagreak ng dibdib ko, gano'n na lang ang tuwang naramdaman ko nang sinabi mong tawagin kitang Aaron. Ako pala ang nagbigay sa'yo ng pangalang iyon.

May mas nauna pang senaryo sa panaginip ko pero ang tanging naaalala ko ay pangalang Aaron.

"Ayos ka lang?" Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Aaron. Nakapatong ang kamay niya sa kamay kong nasa lamesa.

"H-Huh?"

"Magpapaalam ako sa mga magulang mo na liligawan kita," sabi ni Aaron na nagpagulat sa akin.

Bakit pa siya magpapaalam? Handa na rin ba ako na pumasok sa isang relasyon? May sakit pa si mama at alam kong mas importante siya sa akin kaysa sa pansariling kaligayahan ko. Paano ako magiging tuluyang masaya kung may sakit naman si Mama?

Pero si Aaron 'yan! Hindi mo man aminin pero alam mong sa sarili mo na may nararamdaman ka na rin para sa kaniya! Sa dalawang linggo na nagkasama kayo, unti-unti mo siyang nagustuhan! Baka nga hindi siya nawala sa puso mo...at ngayong nagkita kayo ulit, unti-unti na siyang naaalala ng puso mo kaya gano'n na lang kabilis na ikaw ay maatached!

"Hindi na muna, Aaron. Ako na muna ang magsasabi sa kanila..."

Nakita kong dumaan ang sakit sa mga mata niya. Mariin siyang pumikit at nang magmulat ay nginitian niya ako. Ngiting hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin.

"Sige, maghihintay ako hanggang sa sabihin mo na sa kanila." Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Kinuha ni Aaron ang kutsara at kumain na rin ng ice cream kaya ibinalik ko na lang ang atensiyon sa kinakain. Tahimik lang kami pareho at wala ni isa man ang nagsalita muli hanggang sa bumalik na kami sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko.

"Oh, nakapag-usap na kayo?" Tanong ni Val. Siya ang unang nakapansin sa amin ng pumasok kami. Medyo marami ang tao ngayon, ang ilang mukha ay natatandaan ko. Sila ang mga nanood kanina no'ng kumanta si Aaron.

"Mauna na ako," paalam ko sa kanila. Aalis na sana ako ng pigilan ako ni Aaron, hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Hihintayin kita mamayang uwian, ako ang maghahatid sa'yo."

"Huwag na. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Hihintayin kita." Pinal na sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko na ikinatuwid ko ng tayo.

"Tara," yaya ni Aaron kay Val.

Habang ako, naiwang nakatayo at animo'y natuod sa aking pwesto. Nakita kong lumabas na ang dalawa sa coffee shop at dumiretso sa isang sasakyan.

Akala ko ba engineer ka? Bakit ang galing mong patalbugin ang puso ko?

If You Could See Me Now (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن