chapter four

36 3 5
                                    

Wala akong ibang gustong mangyari ngayon maliban sa isang bagay na alam kong imposible.

HIMALA… Gusto ko magkaroon ng himala na sana hindi ito nangyari, hindi ba pwedeng ipast-forwad na lang ang scene na 'to sa buhay ko? Ayoko ng marinig ang masasakit na salitang 'yon na galing sa mismong magulang ko. Ayoko ng maging mahina dahil pagod na pagod na ako.

Ang mga ngiti kong  kay tamis na tila ba walang kupas ay katumbas ng hindi mabilang na pagtulo ng aking luha dala ng kalungkutan.

Ang mga tawa na kay sarap  pakinggan na tila ba isang anghel na umaawit dala ng kagalakan ay katumbas ng tunog ng aking iyak sa tuwing ako'y nag-iisa lamang.

Ang katotohanang sa kabila ng aking pagiging masayahing  babae ay may nakakubli na  isang babasaging babae na naghahangad ng kalinga at pagmamahal ng magulang… Isang babaeng mahina at bobo sa lahat, isang babaeng suicidal at hinihiling na sana ay hindi na lang ipinanganak.

"Oh my god! Nag-away ba si Keilah at Cathy?" Sabi ng isang babae nang madaanan namin sila sa pathway na nagkukuwentuhan.

"I highly doubt that, alam naman nating mabait si Cathy at alam din natin kung gaano kasama ang ugali niyan ni Keilah. Sikat at may sinasabi sa  buhay kaya ganoon na lang kung  umasta, masyadong spoiled brat." Pagtatanggol sa akin  ng babaeng may brace at nakasalamin ng makapal.

A nerd huh!?

"You have a stupid tagahanga pala!?"

"And you have a beautiful basher too." I said, smiling 'coz nakita ko na naman ang blouse niyang tanggal ang dalawang  butones sa bandang dibdib niya.

Ako ang gumawa niyan!

"Feeling mo naman mabait ka na talaga, nasabihan ka lang naman na kind  because palagi kang naka smile, hindi ba nila nakikita na you're so plastic? Hindi genuine ang smile mo. Nakita ko one time na natapunan ka ng juice sa blouse and ngumiti ka lang saying na its okay pero your hands ay nagform na ng pabilog na para bang you're ready na to punch that ugly creature na nakatapon ng juice sa'yo."

I frooze upon hearing those words. That's impossible! I know I'm good at pretending.

She was about to speak again ng nilampasan ko siya. Actng like I didn't hear her but her  last word bothered me the most…

"Mapagpanggap," she said

Sumunod ako kay ma'am na ngayon ay tinatahak ang guidance office, if I'm not mistaken she's in her late Thirty's pa lang… Masiyado pang bata para maging dean at harapin ang magugulo at mga spoiled na batang nag-aaral dito... If I were her, I spent my life traveling around the world.

Hindi ba sila nagsasawa na mag-aral? Simula bata pa lamang ay nag-aaral na sila, pati ba naman kahit nagtatrabaho na sila?  But who am I to judge her? I'm not her, magkakaiba naman ang gusto ng mga tao so wala dapat akong pakialam at wala akong karapatan na kwestiyonin sila .

The spoiled brat na itago na lang natin sa pangalang Keilah ay nasa gilid ko pa rin, nakikita ko sa peripheral vission ko  ang masama niyang tingin pero hindi ko na pinansin at baka magrambol na naman kami. Hawak- hawak ko pa rin ang damit sa may bandang dibdib dahil wala na itong butones pero  ang spoiled brat na nasa gilid ko ay walang paki-alam kung makita na ang kaniyang sando na panloob. Taas noo pa talagang naglalakad at iniirapan ang mga estudyanteng nagbubulungan kapag nadadaanan namin sila.

"What happened, miss Altayde, miss Calora? Hindi pa ba kayo nagsasawa na pabalik-balik dito sa guidance room? kase ako? Sawang-sawa na sa pagmumukha niyong dalawa!"

"Godness! babae kayong dalawa pero dinaig niyo pa ang mga sigang lalaki dito sa school, ginagawa niyo ng pasyalan itong guidance room. Kung hindi lang malaki ang naitutulong ng mga magulang niyo sa school na 'to, hindi na sana kayo umabot ng senior high school dito dahil grade eight pa lang nakick-out na agad kayo!"

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now