chapter fourteen

16 0 0
                                    

"Mahal naman," kumamot ng ulo si kuya Ruiz. "Huwag na nating pag-usapan 'yon, mamaya na lang gabi." Kumindat siya kay ate Rowena pero tanging paghampas lang ulit sa hita ang kaniyang natanggap.

"Katumbas ng pagmamahal ang sakit kaya kung wala kang naramdamang sakit ay hindi pagmamahal ang tawag doon."

Natigil sila sa pagtatalo nang umiyak ang kanilang anak, tumayo si ate Rowena at kinuha ang kanilang baby. Hinehele niya ito na para bang pinapatulog niya ulit habang si kuya Ruiz naman ay lumapit sa akin.

"May nagugustuhan na ba ang bunso namin?"  Sa tanong ni kuya  Ruiz ay biglang pumasok sa isip ko si Aaron. Ang mga ngiti niya, sa dalawang linggo naming pagsasama ay pilit ko mang itanggi– alam kong may nararamdaman ako para  sa kaniya.

"Parang meron na ah?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni kuya Ruiz. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Sa pagngiti mo pa lang at pagkinang ng iyong mata, alam kong may nagugustuhan ka na."

Napapahiyang yumuko ako. "W-Wala naman po, kuya Ruiz,"

"Kung may nagugustuhan ka ay ayos lang iyon, bunso, kung magbibigay siya ng motibo sa'yo ay wag kang magdalawang isip na puntahan ako. Ako ang bahala sa lalaking 'yon na kumilatis para maiwasan na masaktan ka kahit pa sinabi ng ate Rowena mo na katumbas ng pagmamahal ay sakit." Ginulo niya ang buhok ko. "Puntahan ko lang ang kayamanan ko, makikita mo na rin ang inaanak mo." Ngumiti siya sa akin bago tumayo at pumunta sa pwesto ni ate Rowena.

Naiwan akong nakaupo sa pwesto ko. Sobrang swerte ni ate Rowena na makatagpo ng isang lalaking katulad ni kuya Ruiz. Ang saya ko dahil tinuring niya talaga akong bunso niyang kapatid kahit na hindi naman kami magkadugo. Solong anak lang ako at ang pagkakaroon ng kuya at ate ang isa sa mga pangarap ko.

Tumingin ako sa pwesto nila. Nakayakap si kuya Ruiz sa bewang ni ate Rowena habang buhat nito ang anak nila. Kita ko ang napakagandang ngiti ni kuya Ruiz, lumalabas ang malalim niyang dimple sa tuwing ngingiti siya habang kinakausap ang kaniyang anak.

It's rare to find a man like kuya Ruiz.

"Baby Roz, this is your ate– ninang Katkat. Diyan ka manghihingi ng gift tuwing birthday mo." Sabi ni kuya Ruiz nang makalapit siya sa akin buhat ang anak nila. Hinaharap niya sa akin  ang baby kaya kita ko ang matambok niyang pisngi, mamula-mula iyon. Matangos ang ilong niya at nakapikit ang mga mata kaya mas lalong nakita ang kahabaan ng kaniyang pilik-mata. Nakakatakot siyang hawakan dahil baka maipit ko siya, masiyadong maliit at parang isang babasagin. Ilang taon na ba nang huli akong makakita ng isang baby? Hindi ko matandaan kaya naninibago ako.

"Buhatin mo?"

"A-Ayoko," umiling ako bilang pagtanggi.

"Sige, pero sa sunod na pagpunta mo dito dapat buhatin mo na siya baka kasi magtampo 'tong inaanak/pamangkin mo." Nakatingin si kuya Ruiz sa anak niya na para ba itong isang mamahaling kristal. Puno ng pagmamahal ang tangi kong nakikita sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang kaniyang anak.

Si Aaron kaya kapag nagkaanak kami, ganiyan din ba niya tingnan ang magiging anak namin?

Nang marealize ang naisip ay agad akong umiling. Ano at naiisip ko iyon? Tunay nga na nababaliw na ako.

"Hoy, bakit ka umiiling? Balak mo na rin magkaroon ng baby?" Nanglalaki ang mata ni kuya Ruiz habang nakatingin sa akin.

"H-Huh? Anong baby, kuya?"

"Umiling ka habang nakatingin ka sa amin ng anak ko, sinasabi ko sa'yo bunso, boyfriend muna at dapat kasal muna bago gumawa ng baby."

"Ano bang pinagsasabi mo kuya Ruiz?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now