chapter thirty one

15 0 0
                                    

"Nasaan ako?" Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Malawak, maaliwalas at malamig ang buong kwarto. May dalawa pang pinto sa loob nito. May makapal na kurtina na tumatabon sa bintana nito kaya hindi ko makita ang labas ng kwartong ito.

"Nandito ka sa condo ko," sagot ng lalaking kasama ni Sandra.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Edgar na naglalagay ng pagkain sa lamesa sa gilid ng kamang hinihigaan ko. "Bakit? Anong ginagawa ko dito?"

"You passed out. Nang tumakbo ka papalabas ng building ay sinundan kita. Nakita na lang kita sa gilid ng kalsada, nakasilong sa saradong building at nanginignig na sa lamig. Kaya ka siguro nawalan ng malay ay dahil sa biglang pagbago ng temperatura."

Tumayo ako, gusto ng umuwi. Pero saan? Kanino? Nilingon ko si Edgar na ngayon ay nakatingin na sa akin. Naglakad ako pabalik at lumapit sa kaniya, "saan ang dati naming bahay? Nasaan si daddy? Bakit siya comatose?" Sunod-sunod na tanong ko. Saglit siyang natigilan pero agad ring nakabawi.

"Kumain ka muna para magkalaman ang sikmura mo. Sasamahan kita pauwi sa inyong bahay."

Hindi na ako umangal pa, bumalik ako ng upo sa kama. Nagsimula na rin akong kumain ng dala niyang pagkain na ipinatong sa lamesa sa gilid ng kama. Dalawang putahe ng ulam, kanin at sariwang gatas. Hindi ko 'yon kayang ubusin pero pipilitin kong magkalaman ang sikmura ko gaya ng sinabi ni Edgar. Makalipas ang ang minuto ay natapos rin akong kumain, mabilis akong tumayo at lumabas sa kaniyang kwarto. Nakita ko si Edgar na nakaupo sa sofa, halatang hinihintay ako. Nang mapansin siguro na papalapit na ako ay nag-angat siya ng tingin. Isang malalim na titig pero hindi man lang ako naapektuhan kahit kaunti hindi tulad ng mga titig ni Aaron na nakakapanghina ng aking mga tuhod.

"Tara na," aya ko rito. Nailagay ko na rin sa kusina ang pinagkainan kanina. Tumango si Edgar bago tumayo at naglakad papalabas sa kaniyang condo. Tahimik akong sumunod kahit na hindi na mapagsidlan ang kaba at takot na nasa aking dibdib.

"K-Kaya ko na," sabi ko ng akma niya akong tutulungan sa pagkabit ng seatbelt. Bumuntong hininga siya bago tumango saka pinaandar ang kaniyang puting sasakyan. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Wala akong lakas ng loob na tanungin siya. Hindi rin ako makapaniwala sa sinasabi niyang boyfriend ko raw siya. Kasi kung oo, bakit parang wala man lang akong naramdamang kasiyahan ng magkita kami ulit? Bakit wala man lang epekto sa akin ang bawat titig niya? Bakit hindi lumakas ang pagtibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin?

Nakarating kami sa isang magandang bahay na may dalawang palapag. Lumabas ako ng sasakyan, hindi na hinintay pang ipagbukas ako ni Edgar ng pinto. Makailang ulit kong pinindot ang doorbell bago may lumabas na babaeng nakasuot pangkasambahay.

"Ano pong sady—ikaw po pala, sir Edgar!" masiglang bati ng kasambahay na hindi nalalayo sa edad ko. Dali-dali nitong binuksan ang gate at pinapasok kami.

"Nasaan si manang Tasing?" Tanong ni Edgar habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Nasa palengke po, pero baka pauwi na rin 'yon." Magalang na sagot ng babae na nasa unahan namin.

"Sige, hintayin na lang namin."

"Upo muna kayo, ano po ba ang gusto niyong meryenda?"

"Tubig na lang ang sa akin," tumingin sa akin si Edgar na parang hinihintay ang sasabihin ko kaya napatingin din sa akin ang babae. Dalawang ulit siyang nagpikit ng mata habang nakatitig sa akin. "Tubig din sa akin," sagot ko pero nanatiling nakatingin sa akin ang babae.

"Tubig na lang ang sa amin, Feliz. Salamat." Ulit ni Edgar kaya dali-daling tumango ang babae.

"Pwede mong libutin ang bahay niyo," suhestiyon ni Edgar pero umiling ako. Mabigat ang loob ko sa bahay na'to. Bakit? Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. Malalaki ang sofa na nasa sala, marangya ang hagdan na siyang nagkokonekta sa ikalawang palapag.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now