chapter eight

29 2 8
                                    

"Bibili pa ako ng stock natin para sa isang linggo o higit pa, may paparating daw na bagyo ngayon," 'Yon ang bumungad sa akin pag pasok ko sa kusina. Linggo ngayon at makulimlim ang panahon, Ibinalita rin na meron daw paparating na bagyo at malakas iyon kaya siguro naghahanda si mama ng gagamitin namin sa mismong araw ng bagyo. Mas mainam iyong handa kami upang sa kaorasan ay hindi na kami mahirapan kung saan kukuha ng makakain.

"Magandang umaga po," bati ko sa kanila, Lumingon si papa sa pwesto ko at nginitian ako.

"'Yong mga mahahalaga pala nating papel ay kailangan ko pang tingnan kung maayos pa ang mga plastik na nakabalot, baka kinain na ng mga mababait ang ilan at mabasa pa iyon." Aligaga si mama sa mga dapat na gawin.

Tumingin ako kay papa para sana iparating sa kaniya na patigilin si mama kakalakad at umupo na lang at baka atakihin siya ng hika pero nagkibit-balikat lang si papa at para bang pinaparating niya rin na sa mga ganitong panahon ay dapat kaming makinig lang kay mama.

Naalala ko nang unang beses niya akong sinigawan at hindi pinansin ng isang linggo dahil umuwi ako sa bahay ng basang-basa. Hindi sa amin ang sentro ng bagyo at nang mga oras na 'yon ay umuulan lang sa lugar namin, naengganyo akong maligo sa ulan kahit na isa 'yon sa pinagbabawal ni mama dahil na rin sa kaibigan kong si Mary. Ayaw na ayaw niyang lumalabas ako kapag umuulan, kahit may pasok ako sa coffee shop at nasaktuhan na umuulan ay hindi niya ako pinapayagan. Kapag nagpupumilit naman akong pumasok ay nagagalit siya sa akin at kung minsan ay sinusumpong siya ng hika sa sobrang pag-iyak. Hindi ko alam kung anong meron sa pag-ulan at takot na takot si mama, makikita 'yon sa kaniyang mga mata sa tuwing pinipigilan niya akong lumabas.

"Ako na lang po ang mag-aayos ng mga mahahalagang papel," pagkuha ko ng atensiyon ni mama. Para pa siyang natigilan, hindi gumagalaw o kumukurap man lang, kung hindi pa  siya tinawag ni papa ay baka nakatitig lang siya sa akin.
"A-Ako na ang mag-aayos ng mga mahahalaga n-nating mga papel, pwede bang ikaw na lang ang bumili ng mga emergency food at kit sa bayan, Katkat?"

"Sige po, maliligo lang ako saglit," pagsang-ayon ko sa sinabi ni mama, wala naman akong ibang gagawin ngayon at hindi rin pumayag si mama na ako na lang ang mag-ayos ng mga mahahalaga naming papel.

"Nandito ang listahan ng lahat ng 'yong bibilhin, Mag-iingat ka. Papasok na muna ako sa kwarto at 'wag mong kalimutang kumain muna ng umagahan bago magtungo sa bayan. May nakahain na diyan sa lamesa, nauna lang kami ng papa mo dahil may gagawin pa kami at hindi ka na namin ginising ng maaga para makapagpahinga ka rin." Mahabang lintaya ni mama at lumabas ng kusina. Naiwan kami ni papa na nakatulala sa pintuang pinaglabasan ni mama at sabay na natawa nang magtama ang aming mga mata.

"'Yang mama mo talaga," umiiling na sabi ni papa.

"Ano si mama, Pa?"

"Mahal na mahal ko," nakangiting sabi ni papa.

"Grabi naman, Pa, 'wag mo naman po ipamukha sa akin na single ako," Biro ko kay papa.

Napakaswerte ni mama na maging asawa si papa, napakamaalaga at mapagmahal nito hindi lang kay mama kundi pati na rin sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalaga niya sa amin ni mama.

"Hayaan mo at ihahanap kita ng magiging asawa mo," ganting biro ni papa. " Pero sa ngayon ay kumain ka na muna nang makapunta ka na sa bayan, pag balik ng mama mo at hindi ka pa kumakain, Naku! Pareho tayo nitong mapapagalitan." Pagpapatuloy niya.

Umupo ako at nagsimulang magsandok. Mayroong sinangag at bagong sinaing sa lamesa,  pritong itlog at tuyo. Mayroon ding nakahain na pinakuluang talbos ng kamote na nilagyan ng suka, sili at sibuyas. Noong una ay hindi ako kumakain nito dahil naiibahan ako sa amoy pero dahil sa sermon at saway ni mama ay natuto akong kumain nito, Naging paborito ko na rin ito dahil as time goes by nagiging masarap ito.

"Kain na po kayo, Pa."

"Tapos na kami ng mama mo, 'Nak,  Tutungo lang ako sa palayan upang tingnan kung maayos ba ang mga tanim natin lalo pa ngayon at may paparating na bagyo."

"Sige po, Ingat kayo." Kumaway si papa at tuluyan ng lumabas sa kusina, naiwan akong mag-isa habang kumakain.

Mahigit isang linggo na rin simula no'ng nanood ako sa plaza at hindi na ako sumama pa nang sumunod na inaya ako ni Jella. Nagdadahilan na lamang ako na masama ang pakiramdam ko at kung minsan naman ay dahil marami pa akong gagawin sa bahay.

Naghugas muna ako ng pinggan pagkatapos kumain bago naligo para pumunta sa bayan at mamili ng mga kakailanganin namin para sa paparating na bagyo. Suot ang isang itim na pants at isang oversize jacket na kulay itim din ay lumabas ako sa bahay. Nagtsinelas lang ako dahil medyo maputik ang daan dahil  sa paunti-unting pagulan.

"Saan punta mo, Katkat?" Tanong ng kapitbahay namin na si Kuya Ruiz. Nakasuot siya ng kapote at nakasakay sa kaniyang tricycle.

"Sa bayan, bibili lang ng kakailanganin namin kahit pang isang linggo lang, May bagyo kasi na paparating," sagot ko dito, tumango siya at ngumiti sa akin.

"Sakay ka na, sa  bayan din ang punta ko. Bibili din ako ng pagkain kahit sakto lang sa isang linggo at ibang gamit ng anak ko, baka magkaubusan din ng tubig, kailangan ko ng stock ng mineral na tubig dahil kapapanganak lang ni Rowena."

Tumango ako sa kaniya at sumakay sa tricycle, mahirap maghanap ng masasakyan ngayon papunta sa bayan dahil maulan.

"Oo nga pala, anong tauhin ng anak mo, Kuya? Hindi pa ako nakakadalaw kay ate Rowena simula ng manganak siya."

Isa rin si kuya Ruiz at ate Rowena sa mga naging kaibigan ko nang dumating kami rito. Isa ako sa naging abay nila dahil hindi nakarating ang kinuha nilang abay. Tatlong taon na rin silang kasal at ngayon lang nagkaroon ng anak.

"Lalaki ang anak namin, gwapo dahil kamukha ko," natatawang saad nito. 

"Oo na lang, kuya Ruiz." Pang-aasar ko dito.

"Pumunta ka sa bahay at tingnan mo kung gaano kagwapo ang anak ko dahil magkamukha kami.  Gusto ka rin makita ni ate Rowena mo, naglilhi siguro. Malapit na rin mag-isang buwan ang anak namin. Kailangan mong pumunta doon hindi pwedeng wala ang maganda niyang ninang."

" Sige po, Baka pagkatapos nitong bagyo ay pumunta ako sa inyo." Nakarating kami sa bayan na nagkukuwentuhan lang kami ni kuya Ruiz.

Magaan at panatag ang loob ko sa kanilang mag-asawa, para akong nagkaroon ng ate at kuya sa kanilang katauhan. Masiyadong maalalahanin at tinuturing nila akong bunsong kapatid.

" Dito na lang tayo magkita mamaya kapag tapos na tayong bumili, sumabay ka na rin sa akin pag uwi natin para hindi ka na mahirapan maghanap ng sasakyan pabalik sa bahay niy." Paalala ni Kuya sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya bago tuluyang pumunta sa palengke para mabili na ang mga kakailanganin namin.

Nang masiguro na wala na akong naligtaan at nabili lahat ng hinabilin ni mama ay bumalik na ako kung saan ko hihintayin si kuya Ruiz.

"Salamat po!" Sabi ko kay Kuya Ruiz nang makababa ako sa tricycle. Malakas na ang hangin at ulan, hindi pa man ako tapos sa pamimili ng mga nilista ni mama ay bumuhos na agad ang ulan, wala akong dalang payong kaya medyo basa ang suot kong damit.

Sumaludo si Kuya Ruiz sa akin. "Ayos lang, Bunso.  Bisita ka sa bahay, ha." Paalala ni kuya Ruiz.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. " Sige po, sa sunod na linggo."

Tumango  siya sa sinabi ko. "Pasok na ikaw at baka magkasakit ka pa," sabi pa nito at pinaandar ang tricycle bago umalis sa harapan ko.

Kumaway ako sa kaniya at pumasok na rin sa bahay. Hindi inaasahan ang taong madadatnan kong nakaupo sa aming upuan.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now