chapter sixteen

17 0 0
                                    

"Nandito ka rin, mr. masungit na hindi na pangit?! Fan ka rin ba ni Edgar? Yay! same lang tayo!!" I exclaimed. Hindi ko akalain na dito ko ulit makikita si mr. masungit na hindi na pangit, tatlong linggo na rin since last ko siyang nakita.

"Sino yan? Hindi mo sinabi sa akin na may KAIBIGAN ka na palang babae, bago 'yan ah! Nagbabagong buhay?" Napatingin ako sa lalaking katabi niya. Nakatingin siya sa akin at nakangiti- nakakalokong ngiti. Tumataas-baba pa ang kaniyang dalawang kilay na akala mo ay baliw. Kinunutan ko siya ng noo at inirapan bago tumingin kay mr. masungit, nakakunot din ang noo niya at parang hindi natutuwa dahil nakita ako.

"Hey, ayos ka lang? Ang ganda ko ba?" Iwinasiwas ko ang kamay sa harap ng mukha niya. Pinataas-baba ko ang dalawang kilay sanhi ng pagtawa ng lalaki sa gilid namin.

Sinabihan mong parang baliw 'yong lalaki pero ginaya mo ang ginawa niya! Siraulo ka, Cathy!

"Pffftt-" Sinamaan ko siya ng tingin na ikinataas ng dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya. "Hoy, t-teka naman! parang kinakatay niyo na ako niyan sa isip niyo ah! Kung nakamamatay lang ang masamang tingin kanina pa nakahiga sa sahig ang isang gwapong katulad ko!" Eksaheradong pagkakasabi ng kasama ni mr masungit, until now hindi ko pa rin alam ang name niya.

"Tss, para lang tanga, Val!" singhal ni mr. masungit.

Naibaling ko ang tingin sa kaniya, nagmura siya? Tama ba ang narinig ko?! Ibinaling niya ang tingin sa akin, masungit ang pagkakatingin nito.

"I'm not fan of Edgar,"

"Nagmura ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko na nagpakunot sa noo nilang dalawa hanggang sa unti-unti silang tumawa. Nakakalokong tawa na para bang may mali sa sinabi ko, hindi lang ako makapaniwala kasi wala naman sa itsura niya. Masungit lang siya tingnan.

"Anong tingin mo diyan kay Adri, isang santo?" Natatawang sabi noong Val.

"I'm not a saint, spoiled brat,"

Sumimangot ako "hindi kasi halata, Adri," pangagaya ko sa pangalang tinawag sa kaniya ni Val. "Kung si Val pa, sa hitsura niya halatang nagmumura." Ikinumpas ko ang mga kamay habang nagpapaliwanag. Nang tingnan ko ang ko si Val ay hindi mahitsurahan ang ekapresiyon ng kaniyang mukha.

"Napakaharsh naman nitong babaeng 'to, hindi naman maganda." Nakaismid ito.

"Anong hindi maganda? Bulag ka ba para hindi makita ang mukha ko?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "I'm Princess Cathy Dianne Altayde at walang pangit sa lahi namin!"

"Altayde? How are you related to senator Altayde?" Adri asked, he seems really interested.

"Bakit?" sa halip ay tanong ko. I crossed my arms.

"No, nothing. Kakain kami diyan sa malapit, gusto mong sumama?" Nagulat ako sa biglaan niyang pag-aya sa akin, parang kanina lang ay iritado siya ng makita ako.

"Ah, sige, sasama ako!"

Nasa unahan si Adri at pareho kaming nasa likuran ni Val, kanina pa kami naglalakad at nangangalay na ang mga binti ko kakalakad. Ayoko namang magreklamo baka magalit lang si Adri at saka, kakain naman daw kami.

"Adri ba talaga ang pangalan niya?" Tanong ko sa kasama ko.

"'Wag mo akong kausapin, nagmumura ako diba?" sagot nito. Halata ang pagiging sarkastiko ni Val. Sa halip na sagutin ito ay naglakad ako ng mabilis para mapantayan si Adri.

"Adri ba talaga ang pangalan mo? Ang pangit naman," pagkuha ko sa atensiyon niya.

"Adri is short for Adrianne, just call me Adrianne." Paliwanag nito.

"Pero masiyadong mahaba ang Adrianne, ayoko namang tawagin ka ng Adri."

"Aron. Call me Aron, that's my second name and everyone calls me that." Nakakunot na naman ang kaniyang noo.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now