Epilogue (part III)

28 1 0
                                    

If happy ever after did exist just like what my mom is always said. Nasaan ito? Bakit hindi ko mahanap, bakit hindi ko matagpuan? Or maybe, it's true but it wasn't really for me. Tangina, akala ko ayos na e. Masaya na kami, sinabi niyang mahal niya ako, naliwanagan na ako sa nangyaring aksidente sa mga magulang ko.

Palagi na lang ganito, me—always being left hanging with the people I truly love. Parati na lang akong nawawala, may tirahan nga ako pero wala naman akong tahanan na matatawag.

"Fvck you, Val! Don't make a joke like that!" Sigaw ko sa kabilang linya. Nandito ako sa isang resort sa Batangas, hinihintay sa Cathy na dumating gaya ng napag-usapan namin. Ilang oras na akong naghihintay but she didn't show up. Sige, maghihintay pa ako ng ilang oras o kahit hanggang bukas pa dahil baka may mahalaga siyang ginawa but hell!

"A-Adri, brad, hindi ako nagbibiro. Hindi ako magbibiro ng ganoong kaselan na bagay. I'll text you the place where the bus is located."

Binabaan ko siya ng tawag. Parang biglang naubos lahat ng enerhiyang meron ako. It was my fault! Kung sana inulit ko pa ang pagsabi sa kaniya na sabay na lang kaming pupunta dito edi sana hindi mangyayari to.

Tangina naman! Ano bang kasalanan ang nagawa ko noon at palagi mong kinokontra kapag masaya ako? Hindi pa ba sapat ang pagkuha mo ng buhay sa mga magulang ko at ngayon naman ay ang babaeng mahalaga sa akin?  Siya lang! Siya lang ang dahilan sa pagbabalik-loob ko sa'yo. Palagi niyang sinasabi na may rason kung bakit nangyayari ang lahat ng 'yon pero ano ito? Anong rason mo? Gusto mo lang na saktan ako? Na pahirapan ako? Tangina, ginagago mo lang yata ako! Palagi mong pinaparamdam sa akin maging masaya pero saglit lang at may kapalit kaagad!

Hindi ako naniniwala. She's not dead! My Katkat is not dead! She's just somewhere, hiding because she just want to rest. Babalik din siya sa akin, patakbong lalapit at yayakapin ako. Ngungusuan ako dahil nangangalay na ang binti niya sa suot niyang sapatos. Magsusumbong siya sa akin na inaway na naman siya ng step mom niya. Kakantahan ako ng paborito niyang kanta, magkekwentuhan pa kami tungkol sa mga naging teacher niya na sumakit ang ulo dahil sa kaniya, ikekwento pa niya ang naging kaaway niya dahil inaagaw daw si Danny ng the script sa kaniya, pagpapraktisan niyang linisan at lagyan ng kulay ang mga kuko ko, lalagyan niya pa ng hairclip na pink ang ulo ko. Tatawa at maya-maya ay maglalambing na naman sa akin.

"Baby, please balik ka na," saad ko habang nakatingin sa kalawakan ng karagatan. Kung nandiyan ka sa kabilang isla, lalangoy ako mapuntahan lang kita. Kung nasa mataas na bundok ka naman ay handa akong umakyat mapuntahan lang kita. Just let me know where you are.

I'm lost, baby... fvcking lost because you left me.

A tear scape from my left eye. I sighed as I drink the langbanog in my glass? Langbanog? Lambanok? I don't know the exact name of this alcoholic drink. Sabi nila ito ang pinagmamalaking inumin ng mga taga Quezon. Hindi ko maintindihan ang lasa ng inumin ko ito. Mapait at mapakla pero wala ng mas papait pa sa nararamdaman ko. I sighed...again. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi ko na mabilang pa kung ilang beses akong nagsalin ng alak sa baso ko. Ramdam ko na rin ang hilo na epekto ng alak na iniinom ko. I could feel I'm dying right now. Damn that langbanog!

Baby, if I could die right now would you let me see at your face for the last time? My head is throbbing real bad. Para akong sumakay sa ferris wheel na sampung beses ang bilis sa normal na ikot nito.

My eyes were heavy and it will close anytime soon...

"Aaron," I heard a familiar voice.

Baby? Katkat? Pilit kong minumulat ang mga mata at ng magtagumpay ay tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata. She's here. Wearing a white dress, smiling and giggling while calling my name. Inilibot ko ang paningin, baka namamalikmata lang ako, baka nananaginip lang ako katulad noon pero hindi! Kita ko pa rin ang mga kasamahan kong masayang nag-iinuman sa kabilang gilid. Madilim na pero maliwanag dahil sa apoy na ginawa nila. Nasa tumupukan nila ako kanina pero agad ding umalis para mapag-isa.

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now