chapter thirty

24 1 0
                                    

"A-Anong sinabi mo?" Nanghihina kong tanong. Binalingan ko ng tingin si Aaron na ngayon ay tulala pa rin. "Totoo ba ang sinabi niya, Aaron?!" Pero wala akong nakuhang sagot. "Totoo ba?!" Sigaw ko na kahit ang mga taong dumadaan sa ospital ay napapatingin sa gawi namin pero wala na akong pakialam. Nangingilid amg luha ko at palakas ng palakas ang tambol ng dibdib ko.

"Totoo ba? Alam mong hindi sila ang tunay kong mga magulang?" Tinuro ko kung nasaan ang pwesto ng mga inaakala kong magulang ko. "Please?" I pleaded. Hindi ko na napigilan ang hikbi na kumakawala sa bibig ko. Tumingin sa akin si Aaron. Naroon na naman ang pangungusap ng kaniyang mga mata. Ang pangingilid ng luha habang nakatingin sa akin.

"Hindi na ako magpapakita sa'yo! Hindi mo na ako makakausap kung hindi mo sasabihin sa akin ang totoo!" Laban ko sa kaniya. Nakita ko siyang natigilan pero saglit lang iyon. Umiling siya habang nakatingin sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. Isang klase ng ngiti na binigay niya noon unang beses na nagkausap kami. Isang ngiti dala ng kalungkutan at kalumbayan.

"K-Kung sasabihin ko ba sa'yo noon ang totoo, makikita pa ba kita? Makakasama pa ba kita? Hindi diba? Dahil alam ko na may nagmamay-ari na ng puso mo. At sa oras na sabihin ko sa'yo ang totoo, lalayo ka sa akin at sasama ka sa totoong mahal mo."

"Gago ka pala!" Sigaw ng kasamang lalaki ni Sandra.

"Edgar! Huwag!" Pagpigil ni Sandra at niyakap pa ito sa bewang.

"Oo. Gago ako! Makasarili ako at masama ang ugali ko. Ginawa ko 'yon dahil mahal ko si Cathy!" Hiyaw ni Aaron.

"Hindi ganiyan ang pagmamahal!" Buwelta ng lalaking may pangalang Edgar.

"At anong alam mo sa pagmamahal na sinasabi mo? Ilang beses mo bang pinaiyak si Cathy sa pagdedeny noong may relasyon pa kayo? Pagmamahal ba na hinahayaan mo siyang manatili sa labas ng condo mo kahit na malakas ang ulan dahil lang sa hindi ka makababa dahil sa mga paparazzi na yan?! Tarantado! Hindi pagmamahal 'yon!" Galit na galit ang mga mata ni Aaron habang nagsasalita siya.

Naguguluhan ako sa kanila. Gusto kong lumayo. Gusto kong makalayo sa mga taong walang ginawa kundi ang magsinungaling. Tumakbo ako paplabas ng ospital habang nagtatalo sila. Gusto kong mapag-isa pero gusto ko ring malaman ang lahat ng katotohanan sa likod ng kanilang mga kasinungalingan.

Tumakbo ako ng tumakbo kahit na nanghihina ang tuhod ko, kahit na pakiramdam ko anomang oras ay babagsak ang katawan ko. Mainit sa labas kahit na hindi pa naman tanghali. Walang mga punong pwede mong silungan dahil sa tindi ng init ni haring araw. Ang raming sasakyan na hindi umuusad dahil sa trapiko. Ang usok dala ng pabrika, ang mabahong kanal, ang nagtataasang mga gusali na wala sa probinsiya na tinirhan ko ng mahigit limang taon.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napatakbo ako ng mabilis. May nadaanan akong isang building na nakasara kaya doon ako sumilong. Ang buhay ng tao at ang panahon ay magkatulad lang; kung kanina ay naghahari pa si haring araw, ang kaniyang init na nagpapapawis sa mga taong nagtatrabaho at naglalakad ay bigla na lang naglaho dahil sa pagdating ni ulan. Parang katulad lang ng nararanasan ko; kung kagabi ay masaya ako sa piling ni Aaron, nangangarap ng buhay kasama siya hanggang sa aming pagtanda, ngayon ay hindi na. Ang lahat ng kasinungalingan na pinagtakpan niya.

Wala ba akong karapatan na malaman ang katotohanan? Bakit kailangan pa nilang magsinungaling sa akin? Wala ba akong karapatan na malaman kung sino ang totoo kung pamilya? Hindi ba nila naisip na baka nag-aalala sa akin ang mga naiwan kong mahal sa buhay noon?

Biglang umihip ng malakas ang hangin kaya napayakap ako sa sarili. Kung kanina ay pawis na pawis ako dala ng init ni haring araw ngayon naman ay nilalamig ako dahil sa hangin at ampiyas na dala naman ni ulan. Ang labi ko ay nanginginig, ang ugong na matinis ay naririnig ko na at unti-unti ng nanlalabo ang mga mata ko nang may humintong sasakyan sa tapat ng gusali na sinisilungan ko. Hindi ko makita ang tao na bumaba sa sasakyan dahil sa malakas na ulan at panlalabo ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na itong pumikit.

"Daddy, kailan gigising si mommy?" Tanong ng batang nakasuot ng bestida na dilaw. Nakahati ang kaniyang buhok sa dalawa at may nakalagay na pink na hairpin sa mga ito. Nakayakap ito sa isang teddy bear na may mukha ng koala, black and white ang kulay nito.

"P-Princess, do you know the story of sleeping beauty?"

"Yes. Princess Aurora fell asleep because of the curse of witch. And the kiss of her prince charming is the only way for her to be able to wake up. The story is lovely!" The little girl giggles. "Princess Aurora and Mommy's name is same!" Dagdag nito.

"Y-Yes, they're both lovely like you." Nanginginig ang boses nito. "Listen, okay?" Marahang napatango ang bata dahil sa sinabi ng daddy niya. Pareho silang nakatagilid ang pwesto kaya hindi ko masiyadong mamukhaan ang kanilang mga mukha. "Mommy Aurora is like Princess Aurora. They both fell asleep —"

Hindi pa natatapos magsalita ng lalaki pero pinutol na 'to ng bata sa pamamagitan ng tanong."Then why don't you kiss mommy so she can open her eyes like what princess Aurora did?" Napangiti ako dahil doon. Makulit at matanong ang bata. Pero napaisip din ako, nasaan ang mama ng bata? Nilibot ko ang paningin, hindi pamilyar ang lugar. Kumunot ang noo ko, anong ginagawa ko dito? Nasa loob ako ng isang bahay na tila ginawa pa sa panahon ng mga espanyol. Ang disenyo at mga kagamitan ay halatang mga luma na.

"What? Mommy is dead? You didn't save her? I thought you're her prince charming?!" Naibaling ko ang tingin sa mag-ama. Nagulat ako sa narinig, tama ba iyon? Wala na ang mommy niya? "You killed her! I hate you daddy!" Palahaw ng bata habang hinahampas ang braso ng kaniyang papa at pilit na kumakawala sa yakap nito.

"Shh, sorry. Daddy is weak, I couldn't save your mother. If only I can bring back the time," lumuluhang sambit nito. Yakap niya ang batang nagwawala. Tumingin siya sa pwesto ko at nagtama ang mga mata namin pero saglit lang. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Para akong nakakita ng isang multo, siya ang lalaking dumaan sa ala-ala ko. Kamukha niya rin ang lalaking lumapit sa akin sa ospital at tinawag akong princess.

Princess? Tiningnan ko ang batang babae sa napagtanto. Umiiyak pa rin ito at nagwawala, ang batang babae ay ako?! Bakit? Bakit ako nandito? Nananaginip ba ako? Ang mommy ko? Wala na ang mommy ko? Inilibot ko ang paningin sa kalooban ng bahay at kahit na nasa isip ko na ay nagulat pa rin ako. Ramdam ko ang pamamawis ng mga kamay ko, ang pangangatog ng mga tuhod ko, ang paglakas ng kalabog ng dibdib ko at ang mga luha na parang gustong kumawala sa mga mata ko. Isang kabaong ang nakita ko sa gilid ko na hindi ko kaagad napansin kanina. Unti-unti ay naglakad ako papalapit doon. At nang makalapit ay tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mga mata. Tumambad sa akin ang nakapikit na mukha ng babaeng muntik ko ng makalimutan ang hitsura. Ang dibdib ko ay parang unti-unting tinutusok ng bubog kung kaya ramdam ko ang bawat hapdi at sakit na dulot nito. Nakapikit siya na para lang payapang natutulog. Ang luha sa pisngi ay hindi ko mapigilan. Gusto kong sumabay sa pag-iyak at pagsigaw ng batang ako. Bakit kailangan ko pang makita ito? Bakit kailangan ko pang maalala ang lahat ng ito? Ayoko na! Ayoko na! Sigaw ng isip ko at pilit na sinasaktan ang sarili para magising na sa bangungot na ito.

"Princess!" May tumatapik ng marahan sa pisngi ko. Unti-unti ay nagmulat ako ng mga mata. Bumungad sa akin ang mukha ng pamilyar na lalaki, ilang segundo pa ang lumipas bago ko naalala ang kaniyang mukha. Siya ang kasama ni Sandra kanina, siya ang nagsasabing boyfriend ko raw.

Si Edgar ang una kong nakita pagmulat ng mga mata ko pero bakit hindi ako masaya? Kung talagang mahal ko siya bakit hindi tumibok ng malakas ang puso ko gaya ng nangyayari sa tuwing nakikita ko si Aaron? Bakit hindi magkatulad ang tibok ng puso ko noong unang makita ko sa Aaron at Edgar?

If You Could See Me Now (Completed)Where stories live. Discover now