If You Could See Me Now (Comp...

By picea_glauca

1.3K 82 112

Cathy's life is quite simple. She works at a coffee shop in their townhouse. She would rather stay at their h... More

WARNING❗❗❗
Prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chaptrer fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
Epilogue (part I)
Epilogue (part II)
Epilogue (part III)
a/n

chapter thirty one

15 0 0
By picea_glauca

"Nasaan ako?" Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Malawak, maaliwalas at malamig ang buong kwarto. May dalawa pang pinto sa loob nito. May makapal na kurtina na tumatabon sa bintana nito kaya hindi ko makita ang labas ng kwartong ito.

"Nandito ka sa condo ko," sagot ng lalaking kasama ni Sandra.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan si Edgar na naglalagay ng pagkain sa lamesa sa gilid ng kamang hinihigaan ko. "Bakit? Anong ginagawa ko dito?"

"You passed out. Nang tumakbo ka papalabas ng building ay sinundan kita. Nakita na lang kita sa gilid ng kalsada, nakasilong sa saradong building at nanginignig na sa lamig. Kaya ka siguro nawalan ng malay ay dahil sa biglang pagbago ng temperatura."

Tumayo ako, gusto ng umuwi. Pero saan? Kanino? Nilingon ko si Edgar na ngayon ay nakatingin na sa akin. Naglakad ako pabalik at lumapit sa kaniya, "saan ang dati naming bahay? Nasaan si daddy? Bakit siya comatose?" Sunod-sunod na tanong ko. Saglit siyang natigilan pero agad ring nakabawi.

"Kumain ka muna para magkalaman ang sikmura mo. Sasamahan kita pauwi sa inyong bahay."

Hindi na ako umangal pa, bumalik ako ng upo sa kama. Nagsimula na rin akong kumain ng dala niyang pagkain na ipinatong sa lamesa sa gilid ng kama. Dalawang putahe ng ulam, kanin at sariwang gatas. Hindi ko 'yon kayang ubusin pero pipilitin kong magkalaman ang sikmura ko gaya ng sinabi ni Edgar. Makalipas ang ang minuto ay natapos rin akong kumain, mabilis akong tumayo at lumabas sa kaniyang kwarto. Nakita ko si Edgar na nakaupo sa sofa, halatang hinihintay ako. Nang mapansin siguro na papalapit na ako ay nag-angat siya ng tingin. Isang malalim na titig pero hindi man lang ako naapektuhan kahit kaunti hindi tulad ng mga titig ni Aaron na nakakapanghina ng aking mga tuhod.

"Tara na," aya ko rito. Nailagay ko na rin sa kusina ang pinagkainan kanina. Tumango si Edgar bago tumayo at naglakad papalabas sa kaniyang condo. Tahimik akong sumunod kahit na hindi na mapagsidlan ang kaba at takot na nasa aking dibdib.

"K-Kaya ko na," sabi ko ng akma niya akong tutulungan sa pagkabit ng seatbelt. Bumuntong hininga siya bago tumango saka pinaandar ang kaniyang puting sasakyan. Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Wala akong lakas ng loob na tanungin siya. Hindi rin ako makapaniwala sa sinasabi niyang boyfriend ko raw siya. Kasi kung oo, bakit parang wala man lang akong naramdamang kasiyahan ng magkita kami ulit? Bakit wala man lang epekto sa akin ang bawat titig niya? Bakit hindi lumakas ang pagtibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin?

Nakarating kami sa isang magandang bahay na may dalawang palapag. Lumabas ako ng sasakyan, hindi na hinintay pang ipagbukas ako ni Edgar ng pinto. Makailang ulit kong pinindot ang doorbell bago may lumabas na babaeng nakasuot pangkasambahay.

"Ano pong sady—ikaw po pala, sir Edgar!" masiglang bati ng kasambahay na hindi nalalayo sa edad ko. Dali-dali nitong binuksan ang gate at pinapasok kami.

"Nasaan si manang Tasing?" Tanong ni Edgar habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"Nasa palengke po, pero baka pauwi na rin 'yon." Magalang na sagot ng babae na nasa unahan namin.

"Sige, hintayin na lang namin."

"Upo muna kayo, ano po ba ang gusto niyong meryenda?"

"Tubig na lang ang sa akin," tumingin sa akin si Edgar na parang hinihintay ang sasabihin ko kaya napatingin din sa akin ang babae. Dalawang ulit siyang nagpikit ng mata habang nakatitig sa akin. "Tubig din sa akin," sagot ko pero nanatiling nakatingin sa akin ang babae.

"Tubig na lang ang sa amin, Feliz. Salamat." Ulit ni Edgar kaya dali-daling tumango ang babae.

"Pwede mong libutin ang bahay niyo," suhestiyon ni Edgar pero umiling ako. Mabigat ang loob ko sa bahay na'to. Bakit? Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bahay. Malalaki ang sofa na nasa sala, marangya ang hagdan na siyang nagkokonekta sa ikalawang palapag.

Biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ng pantalon ni Edgar na siyang bumasag sa katahimikan. "Sagutin ko lang 'to," paalam niya. Tumango ako bilang sagot at hindi na nagbigay ng salita. Tumayo siya at lumabas ng bahay, naiwan akong nakaupo. Biglang sumakit ang ulo ko at pumasok ang isang ala-ala na akala ko ay panaginip lang noon. Ang pagsampal sa akin ng babae, ang pagpapatigil dito ni daddy. Hindi siya ang tunay kong ina dahil bata pa lang ako ay nawala na si mama. Bumalik si Edgar na parang nagmamadali.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko.

"A-Aalis muna ako saglit, babalik din ako agad! May kailangan lang akong asikasuhin." Mabilis ang paghinga nito habang nagsasalita.

"Ayos lang ako dito, pumunta ka na kung saan ka man pupunta. Salamat sa paghatid." Sagot ko. Ramdam ko ang titig ni Edgar pero nag-iwas ako ng tingin.

"Pwede naman tayong bumalik na lang,"

"Hindi na. May gusto lang akong malaman at isa pa, bahay ko naman 'to."

Bumuntong hininga siya, "sige, babalik ako."

"Kahit huwag na, kaya ko na ang sarili ko. Salamat ulit."

Tumango siya bago ako tinalikuran. Ilang minuto lang ay may narinig akong boses ng isang babae. Pumasok siya mula sa main door, may hawak na plastic bag kasama ang dalawang babae pa na mukhang katulong din. Dumiretso sila sa kusina, hindi ako napansin. Nanatili ang tingin ko kung saan nakatayo kanina ang matanda. Pamilyar ang boses at mukha niya, parang may nag-uudyok sa akin na yakapin siya pagkakita ko. Namuo ang luha sa aking mga mata ng may kaunting maalala. Si manang Tasing ang mayordoma ng aming bahay, siya palagi ang kausap ko tuwing nandito ako. Siya ang nagsilbing ina ko kumpara sa pangalawang asawa ni daddy. Tuluyang tumulo ang mga luhang pinipigilan ko ng makita si manang na luluha ang mga mata habamg nakatingin sa akin.

"Katkat?!" Tawag niya. Tumayo ako at patakbong lumapit sa kaniya.

"M-Manang," nahihirapan kong tawag sa kaniya kapagkuwan ay yumakap.

"Diyos ko! Buhay ka!" Nag-iiyakan kaming dalawa sa gitna ng pintuan. Nang mahimasmasan ay bumalik kami sa sala para maupo sa sofa.

"N-Nasaan po si...Daddy?"

Huminga ng malalim si manang Tasing. "S-Simula ng mabalita na wala ka na ay palagi lang nakakulong ang daddy mo sa kaniyang opisina. Palagi silang nag-aaway ni Flor dahil napapabayaan na raw nito ang pagiging senator nito. Ilang buwan din ang nakalipas, bigla na lang umalis si Flor dito sa bahay, bitbit lahat ng kaniyang gamit. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang pinigilan ng daddy mo ang balak gawin ng step mom mo. Mahigit isang taon din na parati lang nakatulala ang iyong ama, minsan ay nakikita ko siyang lumuluha habang nakatingin sa iyong larawan noong ikaw ay bata pa." Tumigil si manang Tasing sa pagsasalita at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko na hindi ko namalayang tumutulo pala ulit. "Mahal ka ng daddy mo, Katkat. Nagpatuloy siya sa buhay niya ng ilang taon at nitong buwan lang, naaksidente siya kung kaya siya nacomatose. Bago mangyari 'yon ay may binigay siya sa akin na susi. Kapag daw bumalik ka ay ibigay ko raw sa iyo, kahit na nagtataka ay tinanggap ko ang susi. Bakit pa niya kailangan ibigay sa akin iyon kung pwede naman na siya ang magbigay sa'yo kung totoong babalik ka nga at hindi ko akalain na iyon pala ang dahilan. Nawalan ng preno ang sinasakyan ng daddy mo habang tinatahak niya ang daan pabalik dito galing sa bahay niyo sa Laguna. At ang susi rin na binigay niya sa akin ay ang susi ng inyong bahay doon." Pagtatapos ni manang Tasing sa sinasabi. Kahit na sumisikip ang dibdib ko ay pinilit kong tumayo.

"P-Pupunta po ako roon, salamat sa mga sinabi niyo. Babalik na lang ako dito," paalam ko.

"Sigurado ka ba?" Nag-aalala niyang tanong na sinagot ko lang ng isang tango. "Oh, sige, ipapahatid kita kay Karding na isa rin sa matagal ng driver ng inyong pamilya. Mag-iingat ikaw." Hinawakan ni manang Tasing ang pisngi ko at marahan akong niyakap.

Ilang oras ang biniyahe namin bago kami nakarating sa isang bahay o mas tamang sabihin na isang mansiyon. Napakalaki nito, parang palasyo ng mga prinsesa pero sa modernong panahon. Malaking gate ang bumukas ng pumasok ang sinasakyan namin. Malawak ang hardin na may iba't-ibang klase ng bulaklak ang nakatanim. Pero kahit na makukulay ang bulaklak na nakatanim, nagsusumigaw pa rin ang kalungkutan ng malaking mansyon. Naglakad ako papalapit sa main door at binuksan iyon gamit ang binigay sa aking susi ni manang Tasing. Bumungad sa akin ang isang malaking painting ng aming pamilya. Si mommy, daddy at ako. Muli ang luha sa aking mga mata ay nagsituluan. Mukha ko, ni mommy at daddy ang mga nakadikit sa dingding. Sa gitna ng malaking orasan na parang aparador ay may nakapatong na isang libro. Lumapit ako at kinua iyon, may nakapatong na tatlong rosas sa libro, lanta na ang bulaklak pero hindi pa masiyadong sira ito. Parang buwan lang ang pagitan simula ng ilagay ang mga ito dito.

Binuksan ko ang libro, inihipan ko muna ito dahil sa alikabok. Sa unang page ng libro ay blangko ang papel. Sa ikalawa naman ay may petsa na nakalagay.

February 19, 20xx.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ko simula ng maisilang ka ni Aurora, munti naming anghel. Hindi ka pa man lumalabas sa mundong ibabaw ay minahal na kita, hindi ako makatulog ng maayos simula noong malaman ko na buntis ang iyong ina. Natatakot ako na baka madaganan kita dahil hindi ko rin maikakaila na para akong orasan matulog kahit pa sa ganitong edad ko. Pinangalanan kitang Princess Cathy Dianne na nagmula pa sa pangalan ng lola mo sa magkabilang panig at ang Princess naman ay dahil sa paboritong manood ng Disney ng mama mo. Sana ay lumaki kang malusog at mabait, mahal na mahal kita anak.

Umiiyak man dahil sa nabasa ay pinagpatuloy ko ang pagbuklat para sa pangalawang page na kapareho ng naunang date.

February 19, 20xx.

Happy birthday, munti naming anghel! Isang taon na simula ng ipanganak ka ng iyong mama. Sana ay lumaki ka pang malusog, hindi kita pipigilan sa mga bagay na gusto mong gawin na alam kong hindi mo ikakapahamak. Aalagaan ko kayo ng mama mo hanggang sa huli kong hininga. Mahal na mahal ko kayo. Siguro kung mababasa mo man 'to sa lilipas pang mga taon ay magtataka ka kung bakit ako nagsusulat nito, gusto ko lang na maipalam sa'yo lahat ng nararamdaman ko sa una pa lang.

December 31, 20xx.

Bakit ganoon? Ano bang ginawa kong kasalanan sa dati kong buhay? Bakit ko nararanasan ito? Bakit kailangan pang kunin sa akin ang mama mo? Patawad munti naming anghel, mahina si daddy, hindi niya naprotektahan ang kaniyang reyna. Hindi niya natupad ang ipinangako niya noon, dapat ka ngang magalit sa akin. Wala akong kwentang asawa, wala akong kwentang ama. Paano ko maipapaliwanag sa iyo ang lahat? Anong gagawin ko? Tulungan mo akong maghilom ang sugat dito sa puso ko, munting anghel namin.

Continue Reading

You'll Also Like

857K 87K 30
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
9.9M 500K 199
In the future, everyone who's bitten by a zombie turns into one... until Diane doesn't. Seven days later, she's facing consequences she never imagine...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
9.9M 646K 75
Yaduvanshi series #1 An Arranged Marriage Story. POWER!!!!! That's what he always wanted. He is king of a small kingdom of Madhya Pradesh but his pow...