If You Could See Me Now (Comp...

By picea_glauca

1.3K 82 112

Cathy's life is quite simple. She works at a coffee shop in their townhouse. She would rather stay at their h... More

WARNING❗❗❗
Prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chapter fourteen
chaptrer fifteen
chapter sixteen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
Epilogue (part I)
Epilogue (part II)
Epilogue (part III)
a/n

chapter seventeen

21 0 0
By picea_glauca

"Good morning, Cathy," bati sa akin ni Jella. Nasa coffee shop na ako, iniwan ko na sila Aaron at Val? sa bahay kanina. Masiyado silang matagal kumain at dumting na rin si kuya Ruiz. Usapan kasi namin kagabi na isasabay na lang daw niya ako papunta sa bayan para hindi na ako mahirapan maghanap ng masasakyan. May gagawin din naman daw siya doon.

"Good morning," balik kong bati pabalik. Nginitian ko siya ng maliit.

Dumiretso ako sa staff room saka nagpalit ng umiporme. Agad din akong nag ayos ng lamesa paglabas ko. Nasa huling lamesa na akong nililinis nang dumating si Sandra, suot na naman niya ay fitted skirt na kalahati sa hita niya ang haba. Ang damit naman ay masiyadong masikip at kita na ang pusod.

Hindi ba kinakabag 'yang si Sandra-gon?

"Good morning, everyone!" Bati ni Sandra.

Dumiretso ako sa isa pang pinto na stock room. Hindi ko pinansin si Sandra, mabuti na rin 'yon.

"Ano kaya kung mamayang gabi ko na sagutin si Adrianne?" Rinig kong sabi ni Sandra. Kausap na naman niya si Jella. Ito na naman ang pagkulo ng dugo ko, parang gusto ko siyang sipain.

"Ano pang hinihintay mo? edi sagutin mo na!" tumitili si Jella. "Ano nga pala ang ginawa niyo noong nakaraan, may pasundo sundo pa talaga ah!"

"Well, ano ba'ng ginagawa ng babae at lalaki kapag malamig?" Nakangisi si Sandra nang sinabi iyon. Nagmukha siyang asong binihisan ng amo.

Bwesit ka Aaron! May patanong tanong ka pa kung bakit hindi kita pinansin tapos may tinatrabaho ka naman pala kapag gabi! Gusto mo ba na magsabong kami ni Sandra-gon?!
Alas dyes nang pumasok si Aaron kasama si Val. May hawak siyang gitara na nagpakunot ng noo ko. Balak niyang magpropose kay Sandra ngayon? Ang corny huh!

Hindi sila umorder at dumiretso lang sa isa sa mga lamesa. Pinagpatuloy ko lang ang pagmasid sa kanila. Nandito ako sa gilid ng counter, naghihintay lang naman ako sa mga may order para ma-i-serve ko sa kanila.

Nakita kong nag-uusap sila pero hindi ko marinig, maya-maya pa ay pinagpapatas ni Val ang mga upuan, anong ginagawa nila? Lalapitan ko sana sila para patigilin sa ginagawa ng pinatigil ako ni Jella.

"Hayaan mo na muna, Cathy, hihihi. Wala naman masiyadong kustomer at tatlong lamesa lang naman ang inayos."

Bumuntong ako ng hininga saka bumalik sa pwesto ko. Kapag dumating ang may-ari nito at makitang ganiyan ang pwesto ng mga upuan, 'wag lang talaga nila akong idadamay sa kalokohan na 'yan!

Tiningnan kong muli ang dalawang lalaki. Nakaupo si Aaron sa isa sa mga upuan habang nasa kandungan ang gitara. Si Val naman ay nasa likod ni Aaron, minamasahe ang balikat na akala mo ay isa siyang coach at si Aaron ay lalaban ng boxing.

Siraulo!

Nagsimula magstrum ng gitara si Aaron.

Beautiful girl,
Wherever you are
I knew when I saw you,
You had opened the door
I knew that I'd love again
After a long, long while
I'd love again.

You said "Hello"
And I turned to go
But something in your eyes
Left my heart beating so
I just knew that I love again
After a long, long while
I'd love again.

It was destiny's game
For when love finally came on
I rushed in line
Only to find
That you were gone.

Napakaganda ng boses niya. Nakapikit siya habang kumakanta na lalong nagbigay sa kaniya ng kakaibang karisma. Nakasuot siya ng isang simpleng gray polo-shirt na may nakatatak na "90's". His hair was clean cut na bumagay sa mukha niya. Nasa gilid ako kaya kita ko ang panga niya, napakatulis niyon na para bang kapag hinawakan mo 'yon ay masusugat ka.

Nakakamangha na parang memoryado niya kung paano gamitin ang gitara.

Tiningnan ko si Val. Umalis siya sa likod ni Aaron at pumunta sa entrace ng coffee shop? Medyo marami na ang mga tao sa loob pati na rin sa labas pero lahat naman sila ay nakatingin lang sa kumakanta. Tila naging mini concert  ito ni Aaron dahil ang daming nanonood sa kaniya.

Lumabas si Val at kinuha ang malaking paso? Anong gagawin niya diyan? Ang paso na 'yon ay dalawa, nasa magkabilang gilid ng pintuan. Mga kunwaring niyog ang mga tanim doon. Dinala ni Val iyon sa loob at lumapit siya kay Aaron. Kinublit niya ito kaya napatingin sa kaniya si Aaron, nakakunot na ang noo. Si Val naman ay itinuro ang paso na ngayon ay nasa paanan niya, nginitian niya si Aaron at umaksiyon na parang kinikilig na babae. Hinawi niya ang kaniyang kunwaring mahabang buhok at inipit iyon sa tainga niya bago nagkunwaring hahalikan si Aaron na ikinaiwas nito.

Natigil si Aaron sa pagkanta at kinunotan ng noo si Val. Nagbulungan sila ni Val na nagpakunot din ng noo sa aming nanonood, maya-maya ay bumuntong ng hininga si Aaron at nagpatuloy sa pagkanta. Nasa dulong bahagi na siya noong kanta.

Beautiful girl,
I'll search in for you
'Till of your loveliness
In my arms come true
You've made me love again
After a long, long while
In love again.

Naibaling ko ulit ang tingin kay Val nang gumalaw siya ulit. Ngayon ay naglalakad siya palibot kay Aaron, palukso-lukso siya at kunwaring hawak ang laylayan ng palda bago tatawa kunwari at tatakpan pa ang bibig na parang kinikilig.

Eh? Ayos lang ba sila? Ang ilang nanonood ay tumatawa na. Para silang nasa isang teatro. Si Aaron ay isang binatang nanghaharana habang si Val naman ay isang dalaga na siyang pinag-aalayan ng kanta.

And I'm glad
That it's you. . . hooh oh
Hmm, Beautiful Girl.

Natapos sila sa kanilang ginagawa. Ang mga tao ay pumalakpak kaya wala akong nagawa kundi ang gumaya. Nakita kong tumayo si Aaron habang si Val naman ay yumuko pa, hinalikan niya ang kaniyang dalawang kamay saka ibinuka ang dalawang braso na parang ipinapakalat niya ang kaniyang halik.

Yuck.

"Hoy, kayong mga nanood ng concert namin ng kasintahan ko ay kailangang bumili ng kape dito. Hindi po libre ang panonood, sa panahon ngayon ay hindi na uso ang salitang libre kaya kung magmamahal ka siguraduhin mong mapapasaiyo." Huh? Pinagsasabi nitong si Val? Baliw na lalaki.

Nakita kong naglakad si Aaron dito sa pwesto ko. O baka kay Sandra?

Tumahimik ka diyan Cathy! Ikaw ba ang nililigawan?

Sa naisip ay hindi ko mapigilang umirap. Aalis na sana ako ng may humawak sa palapulsuhan ko. Mukha ni Aaron ang bumungad sa akin. Nakangiti siya ng maliit na siyang nagbigay daan para lumabas ang maliit na biloy sa kaniyang pisngi.

"Pwede ko bang makausap ang babaeng pinag-alayan ko ng kanta o kailangan ko pang kumanta ng ilang beses para magkausap kami?"

"Oh bakit hindi ka pumunta kay Sandra? Nililigawan mo siya diba? Probably siya ang babae mo kaya umalis ka nga sa harap ko!" Kahit na malakas ang kalabog ng puso ko ay kailangan niyang malaman na inis ako. Saka bakit sa akin siya pupunta pagkatapos kumanta kung si Sandra naman ang nililigawan niya? Balak niya talaga yatang magsimula ng world war three.

"Bakit ang alam ko ikaw ang kinantahan ko? hmm?"

Rinig ko ang singhapan ng mga katrabaho ko na nasa likod lang. Si Sandra ay hindi maipinta ang mukha habang si Jella naman na nasa counter ay nakanganga. Ang alam ng lahat ng katrabaho ko ay si Sandra ang nililigawan ni Aaron kaya ganon na lang ang gulat nila. Kahit ako ay gulantang sa pinagsasabi nitong si Aaron. Kaming lahat ay nakatanga lang kay Aaron. Walang kumikibo na kahit ang aming paghinga ay tumigil.

"Hello, people! Nagustuhan niyo ba ang aming pagtatanghal? Napakagaling ko, hindi ba?" Boses ni Val iyon. Siya ang bumasag sa katahimikan dito sa pwesto namin.

"Tumahimik ka muna, Val, 'wag kang bida-bida!" sambit ni Aaron. Si Val naman ay umaktong nasasaktan, hawak niya ang kaniyang dibdib gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay nakatabon sa kaniyang bibig.

"Pagkatapos kong ipagamit ang katawan ko sa'yo para lang makausap mo si PCD, 'yan ba ang igaganti mo sa akin?" Kunwaring nanginginig ang kaniyang boses habang umiiling-iling ang ulo. "Huwag mo akong lapitan, Adri, break na tayo!"

"Tsk, siraulo!" Sinamaan ng tingin ni Aaron si Val. Nakakaawa naman itong si Val, ilang beses ba siyang nakakatanggap ng mura at sama ng tingin kay Aaron?

"Biro lang, eto naman!" Nag peace sign si Val. Wala ba talaga 'tong sira sa ulo? Ibinaling niya ang tingin sa akin

"Hoy, ikaw PCD! kausapin mo na 'yang si Aaron mo. Baka mabaliw na 'yan ng tuluyan,"

"Hindi PCD ang pangalan ko at may trabaho pa ako, hindi ako mayaman kaya kailangan kong kumita ng pera." Pagdadahilan ko.

"Ikaw walang pera?"

"Ano bang naintindihan  mo sa sinabi ko?" Inirapan ko siya.

"Pero 'di ba–"

"Val," tinawag siya ni Aaron na nagpatigil sa kaniyang sasabihin sana. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang dalawa, para silang nag-uusap gamit ang mga mata, maging ang kilay nila ay gumagalaw. Ang pagkunot ng noo nila, pagkibot ng mga labi at ang pagbagsak ng balikat ni Val. Kaming lahat ay nanonood sa kanila.

Natigil lang iyon nang dumaan sa gitna namin si Sandra, ang noo ay nakakunot at padabog na naglakad papalayo sa amin.

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
28.8M 915K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
2.1M 122K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...