If You Could See Me Now (Comp...

By picea_glauca

1.3K 82 112

Cathy's life is quite simple. She works at a coffee shop in their townhouse. She would rather stay at their h... More

WARNING❗❗❗
Prologue
chapter one
chapter two
chapter three
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven
chapter twelve
chapter thirteen
chaptrer fifteen
chapter sixteen
chapter seventeen
chapter eighteen
chapter nineteen
chapter twenty
chapter twenty one
chapter twenty two
chapter twenty three
chapter twenty four
chapter twenty five
chapter twenty six
chapter twenty seven
chapter twenty eight
chapter twenty nine
chapter thirty
chapter thirty one
chapter thirty two
chapter thirty three
chapter thirty four
chapter thirty five
Epilogue (part I)
Epilogue (part II)
Epilogue (part III)
a/n

chapter fourteen

16 0 0
By picea_glauca

"Mahal naman," kumamot ng ulo si kuya Ruiz. "Huwag na nating pag-usapan 'yon, mamaya na lang gabi." Kumindat siya kay ate Rowena pero tanging paghampas lang ulit sa hita ang kaniyang natanggap.

"Katumbas ng pagmamahal ang sakit kaya kung wala kang naramdamang sakit ay hindi pagmamahal ang tawag doon."

Natigil sila sa pagtatalo nang umiyak ang kanilang anak, tumayo si ate Rowena at kinuha ang kanilang baby. Hinehele niya ito na para bang pinapatulog niya ulit habang si kuya Ruiz naman ay lumapit sa akin.

"May nagugustuhan na ba ang bunso namin?"  Sa tanong ni kuya  Ruiz ay biglang pumasok sa isip ko si Aaron. Ang mga ngiti niya, sa dalawang linggo naming pagsasama ay pilit ko mang itanggi– alam kong may nararamdaman ako para  sa kaniya.

"Parang meron na ah?" Nagulat ako sa biglang pagsasalita ni kuya Ruiz. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Sa pagngiti mo pa lang at pagkinang ng iyong mata, alam kong may nagugustuhan ka na."

Napapahiyang yumuko ako. "W-Wala naman po, kuya Ruiz,"

"Kung may nagugustuhan ka ay ayos lang iyon, bunso, kung magbibigay siya ng motibo sa'yo ay wag kang magdalawang isip na puntahan ako. Ako ang bahala sa lalaking 'yon na kumilatis para maiwasan na masaktan ka kahit pa sinabi ng ate Rowena mo na katumbas ng pagmamahal ay sakit." Ginulo niya ang buhok ko. "Puntahan ko lang ang kayamanan ko, makikita mo na rin ang inaanak mo." Ngumiti siya sa akin bago tumayo at pumunta sa pwesto ni ate Rowena.

Naiwan akong nakaupo sa pwesto ko. Sobrang swerte ni ate Rowena na makatagpo ng isang lalaking katulad ni kuya Ruiz. Ang saya ko dahil tinuring niya talaga akong bunso niyang kapatid kahit na hindi naman kami magkadugo. Solong anak lang ako at ang pagkakaroon ng kuya at ate ang isa sa mga pangarap ko.

Tumingin ako sa pwesto nila. Nakayakap si kuya Ruiz sa bewang ni ate Rowena habang buhat nito ang anak nila. Kita ko ang napakagandang ngiti ni kuya Ruiz, lumalabas ang malalim niyang dimple sa tuwing ngingiti siya habang kinakausap ang kaniyang anak.

It's rare to find a man like kuya Ruiz.

"Baby Roz, this is your ate– ninang Katkat. Diyan ka manghihingi ng gift tuwing birthday mo." Sabi ni kuya Ruiz nang makalapit siya sa akin buhat ang anak nila. Hinaharap niya sa akin  ang baby kaya kita ko ang matambok niyang pisngi, mamula-mula iyon. Matangos ang ilong niya at nakapikit ang mga mata kaya mas lalong nakita ang kahabaan ng kaniyang pilik-mata. Nakakatakot siyang hawakan dahil baka maipit ko siya, masiyadong maliit at parang isang babasagin. Ilang taon na ba nang huli akong makakita ng isang baby? Hindi ko matandaan kaya naninibago ako.

"Buhatin mo?"

"A-Ayoko," umiling ako bilang pagtanggi.

"Sige, pero sa sunod na pagpunta mo dito dapat buhatin mo na siya baka kasi magtampo 'tong inaanak/pamangkin mo." Nakatingin si kuya Ruiz sa anak niya na para ba itong isang mamahaling kristal. Puno ng pagmamahal ang tangi kong nakikita sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang kaniyang anak.

Si Aaron kaya kapag nagkaanak kami, ganiyan din ba niya tingnan ang magiging anak namin?

Nang marealize ang naisip ay agad akong umiling. Ano at naiisip ko iyon? Tunay nga na nababaliw na ako.

"Hoy, bakit ka umiiling? Balak mo na rin magkaroon ng baby?" Nanglalaki ang mata ni kuya Ruiz habang nakatingin sa akin.

"H-Huh? Anong baby, kuya?"

"Umiling ka habang nakatingin ka sa amin ng anak ko, sinasabi ko sa'yo bunso, boyfriend muna at dapat kasal muna bago gumawa ng baby."

"Ano bang pinagsasabi mo kuya Ruiz?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Kaya nga hindi ko na ipinilit na buhatin mo ang baby dahil may kasabihan ang matatanda na kapag nabitiwan ng dalaga o binata ang buhat na  baby ay dapat palitan nila ang baby." Pagpapaliwanag niya pa na lalong ikinalito ko.

Ano namang konek ng pag-iling ko habang nakatingin sa kanila  sa pagpapalit ng baby kapag nabitiwan ito?

"Manahimik ka nga Ruiz, napakawalang kwenta ng mga sinasabi mo. Buhat mo pa man din ang anak natin, baka mahawa yan sa'yo!" Sabi ni ate Rowena na kagagaling lang sa kusina. May dala siyang panibagong tray at may maliit na pitsel at panibagong dalawang baso na walang laman. May isa ring platito na ang laman ay asin.

"Pero ganon 'yong sinabi ng mama mo noong pumunta ako sa inyo!" Ang kulit talaga ni kuya Ruiz.

"Biro lang 'yon, siraulo ka!"

"Pero..."

"Sige magsalita ka pa!" Banta ni ate Rowena na ikinasimangot ng mukha ni kuya Ruiz.

"Nagmumura ka na, mahal," mas pinalungkot pa ni kuya Ruiz ang mukha niya na ikinatawa ko ng mahina. Minsan talaga ay isip bata siya kung kumilos at napakakulit pero kadalasan naman ay seryoso lalo na kapag nasa labas siya ng bahay nila.

Umismid lang si ate Rowena sa sinabi ni kuya Ruiz, "Akin na si baby Roz, kumain ka muna "

"Hindi na, ako na muna ang magbubuhat kay baby, kumain lang kayo diyan. Sanay naman akong nalilipasan ng gutom, ako na lang lahat ang naglalaba, namamalengke ako sa divisoria, ipinagluluto ka pa–" Natigil sa pagsasalita si kuya Ruiz nang tingnan siya ng masama ni ate Rowena. Kahit ako ay kinilabutan, masiyadong mataray ang tingin na 'yon.

"Biro lang mahal, eto naman hehe kumain na lang muna kayo ni bunso at makikipagkwentuhan lang ako dito kay junior." Nailing na lang si ate Rowena sa inasal ng asawa niya.

"Kain na katkat, ito ang asin oh, isawsaw mo na sa… apple "

Ginawa ko ang sinabi ni ate Rowena. Nakatingin siya sa akin na para bang bago lang sa kaniya na makita akong kumain. Hindi raw sila makapaniwala na isinasawsaw ang apple sa asin, noong una akong kumain noon ay inakala nilang buntis ako at naglilhi raw. Tinawanan ko lang  sila noong tinanong nila ako kung sino daw ama ng anak ko.

"Ang mommy ng baby Roz namin ay masungit na naman sa akin. Wala naman akong masamang ginagawa pero bakit ganon? I need an explanation." Naibaling namin ang tingin kay kuya Ruiz nang marinig ang sinabi niya. Napahawak na lang sa noo si ate Rowena.

"Don't mind him, he's a total dumbass and a hopeless man."

"Anong real name ni baby Roz, ate?" I asked her but before ate Rowena answer my question kuya Ruiz butt in and grin.

"Roz Dillon Delgado... Ang gwapo ng pangalan diba? Ako nagpangalan ng anak namin, syempre dapat lang na gwapo ang pangalan niya para naman magkaroon ng hustisya ang gwapo niyang mukha na namana niya pa sa akin." May pagmamalaki sa tinig ni kuya Ruiz.

Nagpaalam na rin ako kina ate Rowena noong papalubog na ang araw. Mabilis lang umikot ang oras at lunes na, ibig sabihin ay may  pasok na naman ako sa coffee shop. Mag- dadalawang linggo na rin simula noong bumisita ako kina ate Rowena, nabubuhat ko na rin sa baby Roz... Tuwing wala akong pasok ay pumupunta ako sa kanila, hindi muna namin pinapayagan na magbenta si mama ng mga kakanin kaya mayroon akong bakante na araw.

Mag- dadalawang linggo na rin at wala pang Aaron na bumabalik.

May pasabi-sabi pa siyang after one week at babalik siya pero nasaan na siya?! Tsk, baka nga hindi na 'yon bumalik. Napakadaming babae sa Manila  ang magaganda at mayayaman kaya bakit pa siya magsesettle sa isang babae na hindi siya naaalala? Sa tindig at panlabas na anyo pa lang niya ay hindi siya mahihirapan humanap ng babae dahil kusa na lang itong lalapit. Idagdag pa ang napakagandang boses na kaniyang taglay, baka nga mga babae na mismo ang maghubad sa kaniyang harapan!

Bakit ka ba nagagalit? May sinabi ba siya na ikaw ang babalikan niya? Wala naman 'di ba! Sinabi lang niya na babalik siya pero wala siyang sinabi na ikaw ang babalikan niya!

Sa naisip ay bigla na lamang bumigat ang pakiramdam ko.

"Aalis na po ako, Mama!"

"Sige, mag-iingat ka, anak.," Humalik ako sa pisngi ni mama bago lumabas sa bahay, sumakay lang ako sa isang pampasaherong motor para makapunta sa bayan. Malapit nang mag alas otso kaya nagmamadali rin ang kilos ko. Hindi ko na natanong kay mama kung nasaan si papa.

Nagbayad ako ng pamasahe ng makarating kami sa tapat ng coffee shop na pinagtarabahuan ko. Papasok na sana ako ng makita na may tumigil na isang four wheel car hindi kalayuan sa coffee shop, nagulat ako ng makita si Sandra na bumaba doon pero mas nagulat ako sa sumunod dito.

Alam ko naman na nagkakausap sila palagi noong kumakanta pa siya tuwing gabi sa may plaza. Iyon palagi ang bukang-bibig ni Sandra tuwing umaga sa coffee shop. At ano 'yong sinasabi ni Sandra na hindi lang daw pag-uusap ang ginagawa nila? Hindi naman ako kahapon lang ipinanganak para hindi makuha kung ano ang ibig sabihin ni Sandra-gon. Babae siya, magandang babae at lalaki naman si Aaron.

Anong pwede nilang gawin kapag nagkikita sila tuwing gabi maliban sa pagkain at pag-uusap? Nagkakainan? Alam kong mali ang mag-akusa lalo na at walang matibay na ebidensiya. Paninirang puri ang ginagawa ko pero sa sarili ko lang naman iyon. Wala naman akong balak na ipagkalat ang mga naisip ko at saka ano naman, single naman… yata sila pareho?!

Yumakap si Sandra kay Aaron at kita ko kung paano nagkadikit ang dibdib nila. Nakasuot si Sandra-gon ng mini skirt at sa pagtingkayad niya ay malapit ng makita ang hindi dapat, nakasuot din siya ng isang croptop na parang luluwa na ang kaniyang dalawang bundok dahil sa pagkakaexpose nito. Naghihirap na ba siya kaya ganiyan na lang kabitin ang tela ng damit niya? Dapat nagsabi siya sa akin dahil gagawin ko siyang mummy.

Bago pa sila mapatingin sa pwesto ko ay tumalikod na ako at pumasok sa coffee shop. Nakayuko ako dahil ayokong makita nila ang pagkabadtrip ko, baka magtanong pa sila lalo na si Jella at masabi ko lang na dumating na si Sandra-gon at may kasama na hindi ko alam kung anong klaseng nilalang.

Anong ibig-sabihin ng pagyakap mo sa akin? May paluha-luha ka pa at sinabing umuwi na ako! May pa 'can you at least call me, Aaron' ka pang nalalaman! 'Yong sinabi mong isang linggo ka lang sa Manila at babalik din agad umabot ng dalawang linggo tapos pagyakap pa ni Sandra-gon ang unang  makikita ko!

Gago ka, Aaron! Kung kailan naman may naaalala na akong kaunting alaala natin noon! Sana hindi mo na lang sinabi ang mga iyon, sana hindi mo na lang ginulo ang isip ko lalo na ang... Puso ko!

Continue Reading

You'll Also Like

90.3M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
865K 87.2K 30
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
3.3M 270K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.2M 15.5K 52
NOT EDITED YET Gracie Owen's a headstrong journalist major rooms with her childhood best friend JJ Anderson for junior year, little does she know she...