The Dove of The Lost Lands

By cedriannakhaile

1.5K 50 0

Sa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at... More

Simula
Kabanata 1: Pagkabahala
Kabanata 2: Pag-anyaya
Kabanata 3: Pagsalakay
Kabanata 4: Pangunahing Konseho
Kabanata 5: Ang Nagkukubling Demonyo sa anino ng Halimaw
Kabanata 6: Maharlika
Kabanata 7: Muling Pangako
Kabanata 8: Hari
Kabanata 9: Pulang Niyebe
Kabanata 10: Desisyon
Kabanata 11: Kasal
Kabanata 12: Paglisan
Kabanata 13: Moran Koroteya
Kabanata 14: Koronasyon
Kabanata 15: Mula sa talim
Kabanata 16: Kawangis
Kabanata 17: Masamang Balita
Kabanata 18: Ang Tanong
Kabanata 19: Bago ang lahat
Kabanata 20: Kaarawan at Halik
Kabanata 21: Mag-usap
Kabanata 22: Muli
Kabanata 23: Kiliti, halina at bihag
Kabanata 24: Dahilan
Kabanata 25: Paraan
Kabanata 26: Lunas
Kabanata 27: Paghulma
Kabanata 29: Panimula ng Sining
Kabanata 30: Pagsumamo
Kabanata 31: Espada at Punyal
Kabanata 32: Imbitasyon
Kabanata 33: Debate
Kabanata 34: Gunita
Kabanata 35: Unang Araw
Kabanata 36: Unang Pagsubok
Kabanata 37: Pagsubok ng Temptasyon
Kabanata 38: Pangalawang Pagsubok
Kabanata 39: Ang Bundok Nilayen
Kabanata 40: Temptasyon
Kabanata 41: Ilusyon
Kabanata 42: Bulong at Pagtakas
Kabanata 43: Pagbabalik sa Reyalidad
Kabanata 44: Ang Babae at Ang Pagbati
Kabanata 45: Natatago sa Huwad at Katotohanan
Kabanata 46: Sa Ilalim ng Lawa
Kabanata 47: Anino mula sa Dilim
Kabanata 48: Ang Estranghero

Kabanata 28: Hamon ng Dalawang Leon

32 1 0
By cedriannakhaile

Hamon ng Dalawang Leon

Abot langit ang aking kaba. Hindi lubos na sigurado ang magiging kahihinatnan ng aking gagawin. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pinto sa aking likuran. At mas lalo lamang nadagdagan ang nararamdamang kaba dahil sa katahimikan.

Nilibot ko ang paningin. Kumpara sa unang beses na pumarito ako'y mas maaliwalas, elegante ang loob ng silid. Napakahalimuyak ang amoy marahil ay nagmula sa mga kandilang nakasindi. Mayroong manipis na gintong kurtina rin ang nakasabit sa bawat bintana.

Hindi rin nakatakas sa mga mata ang parehong kurtina ngunit napapalibutan naman niyon ang malaking kama ng Hari. At mukhang hindi lang ang paligid ng silid-hari ang nakahanda.

Natuon ang tingin ko sa marahang ingay ng tubig. Maingat at mabagal naman akong naglakad patungo roon pero pinigilan ko rin ang sarili nang marinig din ang malalalim na hininga ng Hari.

Huminga ako ng malalim, lumunok at ilang ulit inaalala ang mga natutunan kanina. Subalit napagtanto ko ring ito ang kauna-unahan. Makikita ng Hari ang lahat. Pigil hininga akong tumalikod at muling pumikit.

Kung gagawin ko ito'y parang inialay ko na ang sarili. Hindi nga ba't sinugatan ko pa siya noon ng aking punyal dahil hindi ko nais ang ganitong bagay? Ngunit heto ako, parang ipinapain ang sarili sa isang misteryosong Leon. Walang ideya kung ako'y hahamakin ng kanyang pangil o kaya'y magiging maamo.

Nanginginig akong humakbang pabalik ngunit naudlot.

"Aatras ka ba? Tatayo ka lang ba riyan?" narinig ko mula sa paliguan.

Hindi ko man natatanaw ang Hari, hindi pa rin niyon nababawasan ang nadarama sa sandaling ito. Napakapit ako sa tela ng mahabang saya. Sumulyap ako sa paliguang nagtatago sa pader, kung saan naroon ang Mahal na Hari.

Kung hindi dahil ay may nakasalalay na tao at Emperyo, hindi ako magdadalawang isip na hindi tanggapin ang ganitong paraan. At kahit sa kabila man ng aking kaba, kung posible man ang pinag-usapan namin ni Senyora Valleri ay wala ako ngayon dito.

Naalala ko ang mga salitang pinag-usapan namin dalawa ni Senyora Valleri bago ako nito tuluyang pinakawalan dito. Ang isa sa mga dahilan ng pagpayag ko.

"Alam kong hindi madali sapagkat ang estado ng relasyon niyong dalawa ng Hari ay hindi abot ang ganitong sitwasyon. Subalit ito lang tanging paraan," turan niya.

"Siguradong kamumuhian ako ng Hari. Mataas ang kanyang dangal," mababang wika ko habang ang Senyora Valleri ay nag-aayos ng aking buhok.

"Ngunit maari ring maging daan upang mapabuti ang inyong samahan. Hindi man bilang kabiyak maaring kaagapay."

Hindi ko napigilang matawa sa tinuran niya. Imposible. Marahil kailangan pa namin tutukan ng punyal ang isa't-isa o kaya naman ay paulit-ulit niya akong maliitin bago mangyari iyon.

Tiningnan ako ng deretso ni Senyora Valleri.

"Gayumpaman, walang mawawala kung susubukan. Kilala ko si Haring Adem. Malamig man siya tulad ng yelo, tanawin man siya bilang isang lobo o leon, para sa Emperyo at sa mamamayan... lahat gagawin niya."

Napatitig ako sa kanya mula sa salita niya.

"At kung sakaling maging maayos na ang lahat. Inaasahan ko ang iyong presensya sa aking tahanan. Nais ko na tayo ay mag-usap," aniya saka tipid na ngumiti. Humiwalay siya't naglakad na palabas ng silid.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako aatras mahal na hari."

Humugot ako nang malalim na hininga bago tuluyang nilakasan ang kalooban. Nagsimulang humakbang ang sariling mga paa sa kinaroroonan ng Hari ng Koroteya. Hanggang ang pang-amoy ay hinarang ng naghahalong samyo ng kandila, rosas, langis at tubig sa paliguan kung saan naroon din ang Hari.

Tumapat ako sa malaking batyang kahoy. May mga gintong kurtina at ilang kristal na palamuti ang nakasabit, pinapalibutan niyon ang paliguan. Mula sa nakasaradong manipis na gintong kurtina ay tanaw ko ang Hari sa batyang kahoy na may tubig, naaamoy doon ang halimuyak ng rosas.

Kapagkuwan ay hinawi ko ang nakasaradong kurtina. Mas lalo ko lamang nakita ang itsura niya. Nakalugay ang kanyang abot hanggang balikat na kulay pilak na buhok. Basa iyon maging kanyang katawan na ang tanging nakikita ay hanggang sa kanyang sikmura.

Pinagmasdan ko pa ang Haring sa akin din ay nakatitig. Lihim akong napalunok at naikuyom ang kanang kamay. Bukod sa walang saplot na Hari, parang bumagal ang sandali nang ang tubig na ngayon ay lumalandas mula sa kanyang leeg, sa maskulado at mabalbon niyang dibdib, hanggang sa bumaba pa iyon sa sikmura at sa tubig.

Animo'y sinindihan ng anumang init ang parehong pisngi at napaiwas ng tingin.

"Sigurado ka na ba sa papasukin mo?" kapagkuwan ay tanong ng Hari.

Nabaling sa kanya ang aking tingin. Ganun pa rin siya, mapagmataas, seryoso at taas-noong deretso ang mga mata sa akin.

"Sasabihin ko na kaagad sa'yong hindi madali at maaring tumakbo ka lang palayo. Sigurado ka bang susuungin mo ang tahanan ng leon?"

Tinapatan ko ang pagtitig niya. Tulad ng kanya, tulad ng kung papaano niya ako ngayon tingnan.

"Hindi na ako aatras, Kamahalan. Kahit pa umatungal ang leon, hindi lamang ako isang pain na ihahain lang, kaya ko ring tapatan ang kanyang pangil," wika ko nang may kumpiyansa.

"Kahit ang dati kong guro ay isinali mo. Sa iyong tingin ba'y magkakaroon ako sa'yo ng utang na loob?"

Tipid na tumawa ako sa sinambit niya dahilan upang kumunot ang kanyang noo pero hindi ko iyon ininda.

"Alam na alam kong 'yan ang sasabihin mo, Kamahalan. Ang Senyora Valleri ang siyang pumunta rito. Nais niya lamang tumulong, dahil ang Hari sa harapan ko'y wala pa sa kanyang sarili."

"Are you making fun of me?" seryoso na niyang sabi.

Tipid na ngumisi ako sa kanya. Hindi ko lang lubos na maisip na maiksi pala ang pigsi ng Hari.

"Kung hindi mo nais magkaroon ng utang na loob, maari mong gamitin ang pinag-usapan natin noon sa Ladare." Mas sumeryoso pa ang itsura niya pero nagpatuloy pa rin ako.

"Hindi ba't iyon ang iyong sinabi? Gagamitin mo ko, kapalit ng kasal. Sa tingin mo ba'y ikaw lamang ang maaring gumamit? Hindi lamang ikaw, mahal na hari."

Ilang segundo ang palitan ng tingin naming dalawa. Sa katotohanan ay sa kabila ng pagsabi niyon, hindi ko maikakailang narito pa rin ang kaba. Hinihintay ko lang ang reaksyon ng Hari. At hindi naman ako makapaniwalang nagpakawala siya ng tawa, isang nanunuyang tawa na may parehong nanunuyang tingin.

May halong aliw at kutya ang mga mata niya sa akin nang magsalita siya.

"Kung iyan ang nais mo." Sumenyas siya gamit ang kanang kamay niya. "Bakit hindi mo ipakita sa harapan ko?"

Bahagyang nagtagis ang ngipin ko sa sinambit niya. Sinabayan pa niya ang pagtitig sa katawan kong nababalutan ng manipis na kasuotan. Naiiling itong may panlilit na tingin sa akin.

"Hinahamak mo lamang ang iyong sarili. Sa tingin mo ba'y hindi ko nahahalata ang iyong panginginig?"

Naikuyom ko ang parehong kamay dahil sa nararamdaman kong ito. Hindi dapat ako matakot. Hindi dapat ako mangamba. Sapagkat siya naman ang nakahain hindi ba? Ako naman ngayon ang leon.

"Inaaksaya mo lamang ang aking oras, Wala kang mapapala. Hindi ko kailangan ng tulong mo—"

"Kailangan mo, Kamahalan." Malalim na huminga ako.

Naglakas-loob akong igalaw ang mga kamay upang tanggalin ang laso. Kailangan kong sanayin ang sarili sa ganitong hamon. Mula sa panginginig ng mga kamay ko'y nagawa kong pakalmahin iyon. Inisip kong ang Hari mismong nasa harapan ko ang siyang may utang sa akin.

"Kailangan na kailangan mo ako," sambit ko nang magawa kong tanggalin ang laso.

Kasabay niyon ay ang pagkahulog ng aking kasuotan sa sahig, maging ang paglantad ng akin sa harapan ng Hari.
Lahat ay tanaw na niya, mula ulo hanggang paa maging ang aking simbolismo.

Nagsimula na rin akong lumusong sa batya na may tubig kung saan naroon din siya. Deretso pa rin akong tumitig sa kanya. Kung ganitong hamon ang ibibigay niya, kung ganoon ay tatapatan ko rin iyon... o kaya'y sosobrahan pa.

Sa ginawa kong paglantad sa kanya at sa paglusong ko tungo sa harapan mismo niya, mukhang hindi niya iyon inaasahan na siyang ikinangisi ko.

Nakita ko kung paano umalon ang bukol sa lalamunan niya. Hindi ko alam kung pawis o tubig ba ang lumandas mula sa noo hanggang sa mukha niya. Taas-noong ginaya kung paano niya ako tingnan ng pangutya.

"Hindi ba, mahal na Hari?"

Saglit na napasinghap ako nang bigla niya akong kabigin sa aking bewang. Dahilan upang maramdaman ko ang balat niya at init na nagmumula sa kanya. Napakapit din ako sa kanyang maskulado at medyo mabalbon niyang dibdib.

Umigting ang panga niya. Seryoso ang tingin. Malamig at puno ng pagtitimpi siyang nagsalita.

"Nagkakamali ka sa hinahamon mo. Leon ang binangga mo. Pagsisisihan mo 'to." Nahimigan ko ang kanyang pagbabanta at paghahamon.

Umiling naman ako sa kanya.

Idinikit ko ang sarili sa lantad na katawan ng Hari. Papatunayan kong hindi lamang siya ang may pangil sa aming dalawa. Na hindi ako isang mahina na madaling ipain.

"Nagkakamali ka, Kamahalan. Dahil sa ating dalawa... ngayon, ako ang Leon."

Continue Reading

You'll Also Like

24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
2.1M 189K 211
Online Game# 2: MILAN X DION
62.2M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...