Kabanata 7: Muling Pangako

33 1 0
                                    

Muling Pangako

Ang nakakaantig na himig ang kumiliti sa aking pandinig upang maimulat ko ang aking mga mata. Liwanag. Liwanag na hindi kay sakit sa mata kung tatanawin. Bumangon ako at nilibot ng tingin ang paligid.

Ang himig ay nagpatuloy. Tila ba ang puso ko'y naantig sa mga nakikita at naririnig. Napakagaan sa pakiramdam na parang ako'y idinuduyan habang lumulutang sa alapaap.

Mga punong kay dalisay na nakukulayan ng natural nitong kulay na berde. Mayroon rin nag-iisang puno sa 'di kalayuan.

Napakagandang puno. Napakatayog. Ang mga dahon ay banayad na nahuhulog sa kalupaan sa tuwing nagpaparamdam ang hangin at isinasayaw iyon. At sa ilalim lamang ng puno ay taong siyang may instrumento. Ang banayad na himig na kay sarap sa pandinig ay nanggagaling sa kudyaping hawak nito.

Nakatalikod ito sa akin. Ang buhok nito ay aabot hanggang sa kanyang bewang kung kaya't ang dulo niyon ay marahan na sumasayad sa punong ugat na inuupuan nito. Mukhang hindi naman nito alintana iyon at nagpatuloy lamang sa pagtutog ng kudyapi.

Naglakad ako ng marahan patungo sa taong iyon. Subalit nakaka-dalawang hakbang pa lamang ako'y tumigil ito sa pagtutog, maging ako rin ay saglit din natigilan.

Ibinaba nito ang kudyapi, hindi ko naman inaasahan na ito'y magwika sa isang pamilyar na boses.

"Imulat mo ang iyong mga mata. Hindi pa ngayon ang iyong oras," anito.

At nang ito ay lumingon, natanaw ako ang napakapamilyar na mukha. Marahan na may magaang ngiti ang iginawad nito sa akin.

"Magbalik ka, Yonahara..." wika nito, kasabay ng pagbikas sa aking pangalan. Saka ko lamang napagtanto ang pamilyar na taong 'to.

Siya si...

Niyakap ko ang Senyora at ganoon din siya. May katagalan bago niya ako pinakawalan. Ang kanyang hitsura ay napakapayapa. Hindi kakikitaan ng kahit na anong paghihirap n'ong siya ay nabubuhay pa.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari. Wala akong ideya kung sa ibang mundo na ba 'to o wala na ako. Ang basta't mahalaga, nakita ko ang Senyora.

Pinatuyo nito ang luhang lumandas na pala sa aking mukha. Hindi ako makapaniwala.

"Senyora..." naiiyak na naman na anang ko.

Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. "Gumising ka, Yonahara. May kailangan ka pang gawin. Hindi mo pa panahon."

"Pero, Senyora..." Umiling-iling ako. "Pagod na po ako..."

"Hindi ba't nangako ka?"

Napatingin naman ako sa kanya. Napatungo ako.

"Subalit, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Karapat-dapat ba na mabuhay ako?"

Malamlam na expresyon ang iginawad sa akin ng Senyora. "Hindi ka na isang alipin. Ikaw mismo ang nagpalaya sa iyong sarili. May malaki ka ring dapat gampanin, kung kaya't nararapat lamang."

"Ngunit, ganoon pa rin ang mundo. Kahit mabuhay ako'y mauulit lamang ang lahat." May pait at lungkot na sabi ko.

Napahinga nang malalim ang Senyora. Hinaplos nito ang aking mukha.

"Kung ga'yun ay sumusuko ka na? Wala na bang saysay ang pagsasanay ko sa'yo upang lumakas ka?"

Wala akong masambit. Napababa ako ng tingin.

"Ikaw nga ba ang naging kasama ng aking reyna?" Agad akong napaangat ng tingin at napakurap nang marinig ko ang ibang boses. "Akala ko ba'y isa siyang matapang ngunit tila nakikita kong siya'y naduduwag."

Napalingon ako sa kinaroroonan ng boses. Awtomatikong napayuko ako nang makita ko ang Hari.

"M-Mahal na Hari..." nanginginig na sabi ko.

Lumapit ito sa Senyora. Unti-unting umangat ang paningin ko. Nasaksihan ko ang pagiging masuyo nila sa isa't-isa.

"Siya'y nangungumilahanan lamang, mahal... at kilala ko siya." Marahan at masuyong ani ng Senyora saka hinaplos ang pisngi nito bago tumingin sa akin. "Hindi siya sumisira ng pangako." aniya saka ngumiti at inilapit ang mukha niya sa Hari.

Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ko kayang masaksihan ang ganitong tagpo sa pagitan ng dalawa.

"Ayos lang na maging mahina ka ngunit palagi mong tatandaan ay hindi habang buhay ay wala kang magagawa."

Narinig kong sambit ni Senyora. Tumango naman ang Hari habang yakap siya mula sa likuran, tila sumasang-ayon sa sinabi ni Senyora.

"Kung sakali man... nais kong magpasalamat." Yumuko ako sa kanilang harapan. Tanda ng pagpupuri at pagrespeto. "Aking lubos na ipinagpapasalamat ang pangalawang buhay. Ang inyong sakripisyo. At ang pagbibigay kalayaan sa katulad kong..."

Naramdaman ko ang marahan na paghaplos ng Senyora sa aking ulo.

"Kung ga'yon ay imulat mo ang iyong mga mata, Yonahara. Gumising ka. Mabuhay ka," narinig kong sabi ng Hari. "Mas lubos naming matatanggap ang iyong pasasalamat kung ipagpapatuloy mo ang iyong ipinangako."

Napatitig ako sa Hari at kay Senyora. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kanilang pagtitiwala sa akin. Pinaghalong galak, tuwa, at pagkalito.

Sa mga emosyong na para nang sasabog, naidaop ko ang parehong kamay, at itinapat sa dibdib ko na para bang nagdarasal. Isang butil ng luha ang lumandas, labis ang nararamdamang tiwala mula sa kanila.

Sa aking pagkatao na kasing baba ng dukha, nakakapanibago'ng turing nila sa akin ay tila isang kahanga-hanga ga'yung sila ang mas nakalulubos. Mas kapuri-puri.

Kapagkuwan ay lumapit sa akin ang Senyora. Hinawakan niya ang magkadaop kong mga kamay. Ngumiti siya't saka nagwika.

"Bumangon ka, Yonahara. Imulat mo na ang iyong mga mata. Ang lungkot ay sana'y wala na. Sapagka't nandito lamang kami upang gabayan ka."

Hindi na naman maawat ang pag-alpas ng mga luha ko. "S-Senyora... Mahal na Reyna..."

"May malaki ka pang gagampanan, Yonahara... May magagawa ka pang pagbabago sa lahat," aniya bago ako nito marahang itinulak. Akala ko'y babagsak ako subalit iba ang nangyari.

Isang pagsinghap ang ginawa ko nang sandaling mangyari iyon. Tila gusto kong habulin ang sariling hininga. Natigilan ako sandali. Isang panaginip. Lumandas sa mukha ko ang luha. Gumuhit ang tipid ngunit magaan na ngiti sa aking labi.

Nakakagalak. Kontento na akong kahit sa panaginip ay masaya na ang Senyora. Payapa ang mukha, at kasama niya ang kanyang pinakamamahal.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang magbukas ang pinto. Sumambulat kaagad sa mukha ng hindi ko kilalang tao ang gulat nang makita ako.

Napasinghap din ito nang lumapit sa akin. "G-Gising na siya..." narinig kong bulong niya bago nagmadaling lumabas ng pintuan.

Naguluhan man ako ngunit ang desiyon ko ang nanaig. Napatingin ako sa kisame na napapalibutan ng mga magagarang disenyo at arkitektura.

Pumikit ako't taimtim na nagwika sa aking isip.

"Nawa'y gabayan niyo ako, Senyora... Mahal na Hari. Ipinapangako kong babaguhin ko ang lahat. Aayusin ko ang nararapat. Ipinapangako ko."

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now