Kabanata 37: Pagsubok ng Temptasyon

15 1 0
                                    

Pagsubok ng Temptasyon

Hindi ko aakalain na magagawa kong malampasan ang unang pagsubok. Na, magawa kong lampasan ang Senyora. Ngayon naman ay nagpapahinga ako at nagpapalakas. Hindi mapuknat ang aking ngiti dahil sa nagawa para sa sarili.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng aking silid, si Senyora Valleri pala. Humakbang naman siya palapit sa akin at kinumusta ang kalagayan ko.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?" tanong ni Senyora Valleri.

Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti. Hindi ko lang talaga inaasahan ang kanyang pag-aalala.

"Mabuti na ang aking pakiramdam. Lilipas din ang sandali ay makakabalik na muli ako sa aking pagsasanay." Napatango naman ang Senyora.

"Siya, sige... Magpahinga ka na muna riyan, at may pagkain din sa hapag. Ngayon lang ako magiging mabait sa iyo, Yonahara." Bilin niya na nagpangiwi sa akin.

Gusto kong mailing dahil may pagkakatulad talaga sila ni Senyora Varrella. Ang isang pagkakaiba lamang nira ay masyadong istrikto ang namayapang Senyora.

Lihim na tuloy akong natawa sa kalokohan ng aking isip.

"Masusunod po, Senyora Valleri."

"Sa susunod ay ikaw na ang bahalang maghanap ng iyong makakain sa mga susunod na pagsasanay."

Halos pagtango na lang ang nagawa ko nang tuluyan ng lumabas ang Senyora. Aking inaalala ang mga dapat na gagawin. Hindi maaring basta-basta na lamang ang paghahanap ko ng pagkain.

Kinakabahan na rin ako kung ano ang susunod na pagsubok bukas. Hinihiling ko na sana'y magawa ko rin iyong malampasan tulad ng nauna.

Subalit mukhang sinusubok ako ng pangalawa sa pagsubok.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Basta ang nakikita ko lamang ay ang usok... maraming usok. Naglakad pa ako muli, umaasang may makikitang dulo o hindi kaya'y lugar na maaring katapusan ng maraming usok.

Hanggang sa may pamilyar na lugar—hindi silid... Pamilyar na paligid... at pamilyar na bulto. Unti-unting nawawala na ang usok, at ang paglinaw ng paligid kung saan naroon ako.

"Ano nga kayang lugar 'to?" Naitanong ko sa sarili.

Hanggang sa ang lugar ay naging hindi lang pamilyar bagkus ay naalala ko kung anong lugar at kaninong silid ito.

Silid ito ng Hari sa ilalim ng Palasyo!

Ngunit ano naman ang ginagawa ko rito? Bakit ako naririto? Ilang saglit lang ay nalipat muli ako sa ibang destinasyon. Wala na ako sa silid ng Hari, sa halip ay natagpuan ko na lamang ang sariling nasa pamilyar na sitwasyon at pangyayari.

Nasa kandungan ako ng Hari.

Halos mapugto ang sariling hininga ng kumilos ang Kamahalan, ipinaparamdam ang kanya. Naguguluhan ako sa lahat.

Una'y nasa loob lamang ako ng gubat, sumunod ay sa silid sa ilalim ng palasyo. At ngayon naman ay ang sitwasyong ito sa pagitan namin ng Hari.

Ano ba ang nangyayari? Bakit?

"Adem..." Naulit muli ang sensasyon... Ang init. Naramdaman ko ang paghahangad katulad nung huling mangyari ang ganitong pagkakataon.

Hindi ba ito'y huwad lang? Bakit tila totoo sa pakiramdam?

"H-Hindi... hindi ito totoo..." pangungumbinsi sa sarili.

Subalit sa tuwing gagawin ay nagiging agresibo ang lahat... At sa hindi ko sukat akalain, sa dami ng tao ay bakit siya pa? Ang Haring siyang unang nagparamdam ng ganitong emosyon.

Mariin na naipikit ang mga mata. Parang totoo... Parang katulad ng gabing iyon. Nakakahalina... Nakakasabik.

Umalpas ang senswal na tinig nang maramdaman ang kanya sa akin kahit hindi pa kami nag-iisa ng Hari. Nakakabaliw!

Ito ba talaga ang tinutukoy ni Senyora Valleri sa pangalawang pagsubok?

Napaawang na lang ako sa hindi maipaliwanag na sensasyon. Hanggang sa may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Yonahara!"

"Yonahara!"

Napamulat naman ako at tila binuhusan ako ng yelo. Natauhan at tuluyang inayos ang pag-iisip. Narinig ko na lang ang habilin ni Senyora Valleri bago sumuong sa pangalawang pagsubok.

"Mag-ingat. Dahil gigisingin nito ang hinahangad ng ating isip. Hahalukayin nito ang kailaliman niyon at gagamitin laban sa iyo. Upang ikaw ay dalhin sa huwad nitong ganda. Tandaan mo, Yonahara. Huwag kang padadala sa pagsubok ng temptasyon."

The Dove of The Lost LandsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon