Kabanata 22: Muli

20 1 0
                                    

Muli

Naiwan akong mag-isa sa silid. Tumanggi ako sa kagustuhan ng Hari na mag-usap kami. Wala akong pakealam kung magalit man siya sa akin pero sa ngayon ay hindi ko kayang harapin siya. Kahit makita man lang ang mukha niya ay baka manginig muli ako sa takot at baka hindi lamang punyal ang maitutok ko't makasugat sa kanya.

Napapikit ako at napatakip ng mukha ko. Bumabadha na naman ang mga luha. Hindi ko pa makontrol ang sariling emosyon. Para kasing awtomatikong nagbalik ako sa nakaraang halos dumikit na sa pagkatao ko.

Dapat nga ay pinapangatawanan ko ang aking pangako, ang aking desisyon, ang aking mithiin. Ngunit heto ako ngayon. Mahina pa rin ako. Gusto kong pangaralan ang sarili sa pagiging ganito ko.

Hindi ba't nangako kang magiging malakas ka, Yonahara? Ano itong ipinapakita mo?

Parang pinatotohanan ko ang sinabi ng Hari na isa akong mangmang at mahina.

"Hindi ba't may plano ka pa, Yonahara?" nasambit ko na lamang sa sa aking sarili.

Naipikit ko na lang ang mga mata. Dinama ko ang aking labi. Sa kabila ng ibinigay na takot. Nakukuryoso ang sariling isip, tila saglit na dumampi sa aking pandama ang konting kiliti.

Kiliting nakakapanghina ngunit...
Naiiling kong hinawi ang iniisip.

Lumipas ang ilang araw ay hindi pa rin kami nag-uusap. Hindi kami nagkakatagpo ng landas kaya't hindi  maikakailang alam kong kuryoso rin ang ilang tao sa loob ng palasyo sa kung ano ang nangyari sa pagitan namin.

Marahil ay naabot na sa kanilang pandinig na mayroon kaming hindi pagkakaunawaan. Minsan pa nga ay may naririnig din akong sabi-sabi mula sa tagasunod ng palasyo na hindi natutulog ang Hari sa aming silid.

Hinuha nila ay ayaw sa akin ng Hari o kaya naman ay may ibang napupusuan. Hindi nila alam na mas higit pa doon ang estado naming dalawa. Maging si Dera nga ay tinatanong ako kung ano ba ang totoong nangyari. Kung bakit ilang araw na ay wala man lang kaming kahit na anong interakasyon ng Hari.

Nanatili lamang na tikom ang aking bibig. Wala rin naman akong masasagot. Hindi ko pa kakayanin.

Nitong mga huling araw ay mas lalong hindi ko nakikita ang Hari. Kahit ang tatlo ay madalang na rin. At nang sumapit ang gabi ay hindi ko sinasadyang marinig ko si Harrion sa pasilyo na may kausap. Sinundan ko siya nang mapansin kong hindi niya kasama ang Hari at parang galing siya sa pasilyong ngayon ko lang nakita. Tila malalim din ang kanyang iniisip.

"Tingnan niyong mabuti ang anumang inumin o pagkain na papasok sa loob ng palasyo. Maliwanag ba?"

Seryoso si Harrion habang kinakausap ang isang opisyal at pinunong kawal. Mula sa sulok ay itinuon ko pa ang pandinig sa kanila.

"Hindi maaring maulit muli ang nangyari sa Hari sa kanyang kaarawan."

Tumango ang dalawa.

"At siguraduhin niyong mahanap niyo sa lalong mabilis na panahon ang salarin sa gabi ng kaarawan ng Hari. Hindi maaring makatakas siya sa Emperyo. Nakukuha ba ninyo?"

"Masusunod," wika nila saka na umalis at simulan ang utos ni Harrion.

Agad akong nagtago nang dumaan ang dalawang kausap ni Harrion papunta sa bandang kinaroroonan ko. Nang mawala na sila ay dahan-dahan kong sumulyap kay Harrion na naglalakad na sa kabilang pasilyo.

Pabalik na sana ako sa aking silid subalit naligaw yata ako. Nakalimutan ko na ang dapat na daan pabalik. Sa kakahanap ko sa tamang daan ay napadpad ako sa medyo madilim na pasilyo. Nagbibigay liwanag ang ilang lampara sa pader. At sa tingin ko'y pababa ito sa loob ng palasyo. Hanggang sa pandalawang tao lamang ang maaring dumaan.

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now