Kabanata 29: Panimula ng Sining

35 1 0
                                    

Panimula ng Sining

Minsan ay may mga katanungan ako. Nagsimula iyon nang dumating ako rito sa Koroteya. Mga tanong na baka sakaling sa isang tao lamang ako ang maaring makahanap ng sagot.

Hindi ko maipagkakailang nagkaroon ng mga bagong emosyon ang umusbong sa akin nang makilala ko ang Hari. Kung dati'y takot, hindi ko aasahang maliban doon ay magagawa kong makaramdam pa ng panibagong emosyon. Ang mainis at maging matapang.

At sa sandaling ito'y may higit pa. Hindi lang kiliti at halina, dahil sa kanlungan ng Hari, may emosyong 'di kayang bigyan ng paliwanag. Sa pagitan ng paghahamon at pangungutya habang ako'y nasa kanyang bisig, tila ako'y nasasailalim sa hipnotismong may dalang init na nakakapagpatunaw.

Mula sa kanyang mga matang deretsong nakatingin hanggang sa aking paningin, pababa sa lalamunan at sa aking kaibuturan ramdam ang sensasyong minsang ipinaramdam.

Nang sabihin ko ang mga katagang iyon ay malalim ang pagtitig ng Hari sa akin. Parang hinuhukay niyon ang aking pagkatao kaya't hindi ko mapigilang kumapit sa kanyang balikat. Saglit na bumaba ang tingin doon ang Hari. Tipid siyang napangisi.

"Sigurado bang kaya mong tapatan ako, aking reyna?" aniya saka hinaplos ng malapad at mainit niyang palad ang bewang ko kasabay ng pagtawag niya sa akin ng ganoon.

Kaakibat ng pagtapat ng tingin ko sa kanya, hindi ko mapigil ang nanginginig na hiningang umalpas mula sa aking mga labi mula sa ginawa niya.

Subalit hindi ko hahayaang matapos lamang doon. Dumistansya ako sa Hari, hindi dahil sumusuko ako sa hamon. Iyon ay upang magawa kong paglandasin gamit ang aking dalawang kamay ang katawan niya. Mula sa leeg, pababa sa kanyang maskuladong dibdib hanggang sa...

"Stop this." Nagtitimping aniya nang pigilan niya ako't hinawakan ang kamay ko. "I don't need your help."

Hindi ko alam kung ayaw ba talaga ng hari o talagang hindi makakaya ng konsensya na gamitin ang kanyang alas, ang gamitin ako. Ayaw niya ba talaga dahil sa dangal niyang nakasalalay o dahil hindi niya lamang kagustuhan na magkaroon siya ng utang na loob sa akin?

Na kahit ipinapakita niya mula sa kanyang panlabas ng anyo na hindi niya kailangan ng anumang tulong o lunas sa kalagayan niya, kitang-kita ko pa rin ang mga mata niyang nangangailangan ng tulong, ng lunas, ng pangangailangan.

Umiling ako sa kanya at binawi ang aking kamay sa hawak niya.

"Anuman ang iyong pagtanggi, hindi mo mapipigilan ang sarili mo, Mahal na Hari. Higit sa lahat, akala ko ba'y hindi ka isang talunang Hari. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin?"

Napadaing naman ako sa kirot nang hawakan niya ako sa leeg at marahas na kabigin palapit sa kanya. Pero nagpakatatag pa rin ako't hindi nagpatinag.

"Hindi mo maaring kwestiyonin ako. Kahit ang salitang talunan ay ipinaghihintulutan kong marinig," gigil na nagtatagis ang ngipin na wika niya sa akin.

May pangutya akong ngumisi sa kanya. "Patunayan mo kung ganoon, Kamahalan. O nais mong ako ang magpatunay ngayon?"

Pinaningkitan ako ng tingin ng Kamahalan. Nawala na sa aking leeg ang kamay niya't kinulong niya ako sa kanyang bisig. Kinabig niya ang batok ko't halos maramdaman ko ang hininga niya sa aking mukha at nag-iwan ng ibayong kiliti iyon sa aking labi.

"Your impudence to a King like me, and your insolence actions... Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ito, mahal na reyna," pagbabanta niya.

Nangingising umiiling ako't mas inilapit pa ang mukha ko sa kanya. Idinampi ang tungki ng aking ilong sa kanya. Kung ito lang ang tanging paraan upang matulungan ang haring mapagmataas at may katigasan ang ulo. Gagawin ko ang lahat. At kung dalawin muli ako ng aking takot, sisiguraduhin kong magagawa kong malampasan iyon mula rito... Mula sa kanya...

The Dove of The Lost LandsKde žijí příběhy. Začni objevovat