Kabanata 48: Ang Estranghero

33 0 0
                                    


Ang Estranghero

Ang pakiramdam ay abot-langit na kaba at halos mahinto sa paggalaw mula sa aninong bigla na lamang sumulpot sa aking likuran. At nang makabalik ako sa sariling huwisyo'y kaagad akong kumilos palayo't hinarap ang anino.

Ngunit hindi anino ang aking nakita, bagkus ay isang matipunong lalaki na nababalutan ng itim na balabal ang itsura. May mga gintong ornamento ang kanyang itim din na damit na naiilaliman ng itim na balabal na suot niya. Ipinapakitang may pagkakapareho sa mga may dugong bughaw na matataas ang pagkakakilanlan subalit mayroon ding pagkakaiba.

Ang kulay tsokolateng buhok na abot hanggang balikat at mga luntiang mata nito na tila ibig akong bihagin mula sa hiwagang nasa ilalim niyon.

Humakbang ito paabante, kasabay naman ang paghakbang ko ng paatras. Subalit hindi ko inaasahan nang yumukod ito't nagbigay galang.

"It's an honor for me to meet you here, Your Majesty. I'm truly grateful to see the presence of the Koroteya's Queen in my territory," anito sa hindi ko maipaliwanag na paraan ng kanyang pananalita.

Maintindihan ko man ang kanyang sinabi, sa tono at pahiwatig mula sa mga salitang sinambit nito'y hindi ako mapalagay. O hindi kaya'y nag-iisip lamang ako ng kung ano-ano?

Ilang saglit pa bago ko mahanap ang sariling dila upang makapagsalita. At hindi ko inaasahan na masasabi ko ang pangamba ng aking isip.

"Isa ka ba sa kanila? Sa mga ilusyon at temptasyon?" tanong ko.

Umiling ito't dahan-dahan na humakbang ngunit pinigilan ko ang pagtatangkang paghakbang niya. Mariin na itinutok ko sa kanya ang punyal at hinanda ang sarili sa maaring kahihinatnan ng sitwasyon.

Sa ganoong pagkilos ko'y naunawaan iyon ng estranghero at pumirmi sa kinatatayuan niya.

"Hindi mo kailangang maging alerto sa akin, mahal na reyna. Hindi ako gagawa ng iyong ikasasama," aniya sa tanong nangungumbinsing makinig sa kanya.

Ngunit hindi ko sinunod ang sinabi niya, naging alerto pa rin ako't inihanda pa rin ang sarili sa kung ano'ng maari niyang gawin.

"At papaano naman ako makakasiguradong tunay ang iyong mga sinambit? Ni hindi ko nga alam ang iyong pagkakakilanlan subalit alam mo na ang aking posisyon sa kahariang tinukoy mo. Lalo na sa lugar na 'tong nababalutan ng hiwaga't misteryong batid kong hindi na lingid sa'yo sapagka't heto ka, nasa harapan ko." Nakakunot kong aniya rito.

"Nauunawaan ko ang iyong mga pag-aagam-agam, mahal na reyna," wika nito sa lengwaheng mas naiintindihan ko. "But I can assure you that I'm not the enemy here-"

Hindi niya na pinatapos pa ang dapat na sasabihin nang makita niya na ganito pa rin ang kilos ko't alam niyang hindi ako makikinig.

Nagpakawala ito ng mahabang hininga at itinaas ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko. Kapagkuwan ay nagmasid ang estranghero sa paligid, habang ako naman ay nahihiwagan sa mga ikinikilos niya. Nagdaan ang ilang saglit ay mukhang nakita na nito ang hinahanap. Napakurap ako nang tumungo ito roon at walang pasubaling umupo sa mataba at nakatumbang kahoy na para bang sumusuko na sa pangungumbinsi.

Napamaang na lamang ako sa ikinilos niya. Napakurap na lang ako nang may gawin siyang hindi kapani-paniwala ngunit hindi maitatanggi ang nakikita ng aking mga mata. Ang punong nasa likuran niya ay tila nagkaroon ng buhay, parang nagbigay iyon ng galang sa kanya at ang ilang mga sanga ng puno'y binigyan siya ng kanyang masasandalan.

Prenteng nakaupo lamang ang mahiwagang estranghero saka sumulyap sa akin. Tipid itong ngumiti bago umiwas at inayos ang kanyang pagkakasandal.

Napahinga na lamang ako at ibinaba ang hawak na punyal. Marahil ay may punto naman ang estranghero ngunit hindi pa rin dapat ako makapante nang dahil lang sa ikinilos niya.

Hawak ko pa rin ang punyal ngunit hindi na nakatutok sa estranghero. Nakahanda pa rin ito sa aking likuran saka walang pasabi ring umupo sa matabang kahoy may ilang distansya sa kinauupuan niya. Magkatapat lamang kami kung kaya't kita ko ang nakataas-kilay nitong tingin sa akin. May sumupil na tipid na ngiti bagay na kabaligtaran sa kanyang magarang suot at itsura na kahit sinuman ay iisiping malamig at seryoso ang estranghero.

Katulad ng mahal na hari.

Saglit akong napakurap dahil sa naisip. Ano ang kinalaman ng mahal na hari? Napailing na lang ako saka ibinaling na lamang ang atensyon sa estranghero.

"Sino ka? At ano ang iyong pagkakakilanlan?" agad kong panimula.

Umayos naman ng upo ito't hindi makapaniwalang sa ganoong paraan ko siya kakausapin.

"I apologize, your Majesty, but I can't say my name yet," kapagkuwan ay sagot niya.

Hindi ko maunawaan.

"Ikaw na rin ang nagsabi. Papaano kita mapapagkatiwalaan kung ang kahit pangalan mo man lang ay hindi ko nalalaman? Mukhang nagsasayang lamang ako ng oras."

Akmang tatayo na sana ako ng isang iglap ay siya'y nasa harapan ko na pala. Nakaluhod ang isang paa't nangungusap ang mga mata nitong ako'y dapat na magtagal pa.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nagugulat. Ni hindi ko man lang nakuha ang nakahandang punyal sa aking likuran.

"P-paanong...?"

"Shh..."

Napagtanto ko na lamang na hindi lamang siya nasa aking harapan. Tinakpan nito ang aking bibig at ang kaninang kaswal na mukha nito'y ngayon ko nakitaan ng seryosong mukha. Kaagad na kumilos ang aking katawan upang lumayo sa kanya subalit siya rin kay higpit ng pagkakahapit niya sa akin.

Kasabay rin niyon ay ang itim na balabal nitong nakabalot sa akin. At mas lalong nagulat ako sa sinabi nito.

"Don't move, your majesty. Otherwise the shadows will know your presence."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now