Kabanata 4: Pangunahing Konseho

36 1 0
                                    

Pangunahing Konseho

Ang kaharian ng Asyreum ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa Emperyo ng Boris Horatia. Sa yaman, kalakalan, agrikultural, at sa usapang pandigma. Maliban sa maruruming reputasyon nitong kasali na ang paglelegal sa batas nang pagkakaroon ng alipin. Ang Asyreum ay hindi ko maitatangging naging tahanang kinamulatan ko.

Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging tahanan nito o matanaw ang kabuuan ng kaharian. Ang bayan ng Satrosa-ang bayang malaki ang konektado sa nasabing kaharian, ang mismong mga taong katulad ng katayuan ko, naging isa iyon sa mga rason ko upang ilaban ang buhay kahit na alam kong napaka-imposibleng lumayo mula sa antas na mayroon ako-ang pagiging isang alipin.

Aminadong masyadong marahas ang mga naranasan kong paghihirap dahil sa aking katayuan sa simula pa lang ng aking buhay hanggang sa makilala ko ang Senyora.

Hindi maikakailang nakaramdam din ako ng pagod, lungkot, pagkukuwestyon, at pagkamuhi sa mga taong naglapat ng mga alaalang hindi ko kailanman makakalimutan.

Mga alaalang puno ng pagpapahirap, sakit, at pag-aabot sa katapusan kahit ang nais ay mabuhay pa. Subalit sa pagkakataong ito, ngayon ay naiiba mula sa aking mga naranasan at nasaksihan. O maari ring sabihin... Mas naging karumal-dumal ito sa aking mga mata.

Dahil ang kahariang dati'y magiting ngayon ay tila maihahalintulad na sa bayan kong kinamulatan at minsan nang kinamuhian. Ang dating maliwanag, malinis at puno ng saya sa Kapital ng Dayura. Ngayon ay naging isang malaking bayan ng Satrosa.

Mga malalaking apoy na tumutupok sa mga matatayog na istraktura na minsan kong hinangaan. Ang mga matatanda, dalaga at binata na kakakitaan noon ng saya, pagkasabik at kalayaan sa kanilang mukha, ngayon ay nabahiran na nang matinding takot, dalamhati at galit sa kanilang mga mata.

Ang mga bata naman, kung noon ay maligaya pa silang nakakapaglaro. Ngayon ay hindi na maawat ang kanilang pag-iyak sa tuwing mararamdaman nila ang sakit mula sa mga latigong sumusugat sa kanilang mga murang katawan.

Makailang ulit na ipinikit ko ang mga mata sa mga kaganapang nakikita. Ang ibang mga mamamayan ng Dayura, kasama ako at ang Senyora ay parehong nakaluhod, at nakayuko sa takot na kami ay pagdiskitahan ng isang kawal sa ibang kaharian.

Sa tindig, sa kasuotan pa lang ay hindi lamang ito simpleng kawal. Ang kanilang sagisag ay serpente, naghahalo ang kulay ng puti at berde-walang iba kun'di ang Kaharian ng Emblem.

Sa Emperyo ng Boris Horatia, binubuo iyon ng tatlong kaharian. Ang Asyruem, Emblem, at Solayde.

At ang Kaharian ng Emblem-kilalang tahimik at mailap, ngayon ay naging katulad ng kanilang sagisag.

Mapanuklaw na katulad ng isang ahas!

Nasa loob kami ng isang sirang simbahan dulot ng mga pagsabog kanina. Ang tanging natitira ay ang sementadong pader at sira-sirang bubong nito.

Sigaw, pagmamakaawa, at ingay ng dahas ang namayani sa pandinig sa lahat ng mga naririto.

"T-Tama na po... maawa po kayo... t-tama na po..." Umiiyak na sabi ng batang lalaki. Nakahiga na ito sa lupa. May mga pasa't sugat sa parehong paa.

"Sana'y naisip mo 'yan bago mo sinubukang tumakas, bata."

Muli ay sinipa nito ang sikmura ng bata at napaigik ito sa sakit.

Nanginginig ang buong katawan ko sa kaawa-awang batang walang magawa kun'di indahin ang sakit.

Hindi ko ito kaya... Ilang ulit akong umiling. Tiningnan ang kawal na may mala-demonyong ngisi, at sa batang halos papikit na.

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now