Kabanata 16: Kawangis

20 1 0
                                    

Kawangis

"K-Kamahalan...!"

Halos hindi ako makapaniwala sa nakita at sa aking nagawa. Nabitawan ko ang aking punyal at agad din naman niya iyong sinalo kahit may sugat pa ang kanyang palad. Mabilis niyang itinago mula sa katabing aparador ang aking punyal bago kumuha ng telang pantapal sa kanyang sugat.

Napahawak ako sa aking dibdib. Naroon pa rin ang matinding pagkagulat. Habang ang Hari naman ay parang kalmado ang itsura.

Nang matapos niyang ayusin ang pagkakatapal ng kanyang sugat, at nang wala ng dugo ang dumadaloy. Kuno't-noo na at seryoso na siyang lumapit sa akin saka hinawakan ang panga ko.

Napahawak ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin.

"Balak mo ba akong patayin?" nanggigigil na sabi niya. Mahina lamang iyon at kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Kaagad akong umiling. Kahit gaano pa kalaki ang inis ko sa kanya. Hindi ko magagawa ang ganoong aksyon. Ano naman ang mapapala ko kapag pinatay ko siya? Tiyak na buhay ko rin ang kapalit.

Ngayon lang talaga... Hindi ko talaga alam kung anong nangyari.

"Hindi..." Umiling ako. "Hindi ko sinasadya... Hindi... Paumanhin—akala ko kasi..."

Hindi ko na mapigilan ang luha ko. Bahala na sabihan niya akong mahina o kahit na anong negatibong sasabihin niya. Gusto ko lamang ilabas ang takot.

Pinakawalan niya naman ako. Hindi ko nakita kung ano ang reaksyon niya dahil sa nanlalabong paningin ko mula sa pagluha. Kapagkuwan ay tinakpan niya naman ang bibig ko.

"Kamahalan, may problema po ba?"

Mula iyon sa labas ng silid. Nakalimutan ko. Sila pala ay magiging saksi ngayong gabi.

"Wala iyon," tugon ng Hari. "At maaari bang hayaan niyo na kami ng aking Reyna? Hindi na namin kailangan pa ng inyong saksi para sa ganitong bagay."

"Subalit, Mahal na Hari... Ang tradisyon ay kailangan sundin—"

"Tradisyon?" Pinutol niya ang sinasabi ng tagasunod. "Kung ga'yun ba ay wala kayong tiwala sa inyong Hari?"

Narinig ko ang mga singhapan sa labas maging ang mahihinang bulungan.

"K-Kamahalan! Hindi po sa ganoon ang ibig kong sabihin! A-Ang nais lamang namin ay maging maayos ang—"

"Kaya na namin ito ng Mahal na Reyna. Hindi niya ibig na may makaalam maliban sa aming dalawa."

Napakurap ako at napatigil sa pagluha dahil sa mga sinambit niya. Tila iba yata ang naririnig ng aking dalawang tenga.

Anong bang sinasabi niya?!

"Pero, Haring Adem..." pagpupumilit ng nasa labas. "Hindi niyo alam kung papaano gawin ang—"

"Leave!"

Lahat ay nagulat sa pagtaas ng boses niya. Kahit nga ako ay nagulat din.

"K-Kung ga'yun ay makakaalis na kami. Hiling namin ay magkaroon na agad ng bunga ang—"

"Heradia! Just leave!"

"Masusunod po, Kamahalan!"

Bumuntong-hininga ang Hari matapos niya pakawalan ang mga labi ko. Sigurado na rin wala na ang mga tao sa labas.

Napayuko ako, hindi ko siya matingnan sa mata. Wala akong rason upang ikaila ang nagawa ko. Hindi ko naman aakalaing... maaalala ko ang pilit kong kinakalimutan.

"P-Patawad... hindi ko talaga sinasadya," mahinang wika ko.

Naramdaman ko ang pagtayo niya. Kapagkuwan ay naglakad siya patungo sa malaking bintana kung saan ay kita ang tanawin sa labas. Tuluyan ng sumilip ang buwan at ang liwanag nito na tila binibiyayaan ang nakatalikod na Hari na may sugat sa kaliwang kamay.

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now