Kabanata 18: Ang Tanong

21 1 0
                                    

Ang Tanong

Luha. Iyon ang aking nakita sa matandang babaeng kaharap ko ngayon. Pagkagulat, pagkalito, lungkot, at tila hindi pa makapaniwala sa nalaman.

Umalingawngaw ang tunog mula sa nabasag na tasa na naroon na sa marmol na sahig. Maya-maya'y narinig ko na ang mga yabag.

"Ano'ng nangyari?" kaagad na unang salita ng Hari nang ito'y makapasok sa loob. Kasama naman nito si Harrion na naroon sa pintuan.

"Oh, nagkukwentuhan lamang kami. Nahulog ko lang ang aking tasa, hindi ko kasi masyadong nahawakan ng maiigi," kaagad na palusot ng nasa harapan ko.

Kunot-noo lamang na tumingin sa amin ang Hari. Hindi nito nakita ang pagluha ng guro nito. Humanga naman ako at nakahinga rin ng maluwag nung kinomposyur kaagad ng guro ang sarili. Animo'y hindi siya nakatanggap ng masamang balita kanina at ganoon na lang sa kanya kadali na magpalit ng emosyon.

Kapagkuwan ay huminga siya nang malalim at bumaling sa Hari.

"Maari bang sa susunod na araw na lamang, Kamahalan? Sa tingin ko'y sasama yata ang aking pakiramdam."

"Are you okay, Valleri? Something happened?" agad na tanong ng malamig na Hari.

Hindi ko aakalain na makikitaan ng pag-aalala sa mga mata ang Hari kahit pa seryoso ang mukha nito.

Alam ko ang kahulugan sa likod ng sinabi ng babae. Gustong niyang mapag-isa. At alam ko naman na kaninong kasalanan kung bakit biglang nawalan siya ng gana. Kundi dahil sa akin mismo. Kung sana'y hindi ako naging mausisa o isinarili na lang ang kuryosidad...

Pabalik na kami sa palasyo. Nangunguna naman ang Hari habang sakay ng kanyang kabayo. Ako naman ay nasa likuran muli ni Seron nakasakay. Sina Harrion at Yura ay humahabol sa amin.

Naipikit ko ang mga mata nang madama ko na ang mas malamig na temperatura. At ang iilang mamasa-masa na unti-unting bumabagsak.

Niyebe...

"Kailangan na natin magmadali. The snow is starting to fall."

Sinunod namin ang Hari sa sinabi niya. Minadali nila ang pagpapatakbo at lumipas lamang ang dalawampung minuto ay nasa palasyo na kami.

Sa pagpasok namin sa Palasyo ay sinalubong din kami ng pagbati ng ilang serbidora. Lumapit naman sa akin Dera dahil siya na ay ang aking personal na lingkod.

Samantala naman ay lumisan naman si Haring Adem kasama si Harrion at Seron sa ibang direksyon ng palasyo.  Naiwan naman si Yura na ngayon ay bahagyang yumuko sa akin.

"Pagpasensyahan niyo na Reyna Yona. Hindi lang talaga nagsasabi ang Hari kung saan siya tumutungo." Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin ni Yura.

Marahan naman akong umiling at nagsabi na ayos lang.

"Huwag kang mag-alala. Kahit noong magkita kami ay alam ko na ang ganitong aksyon niya. Hindi na iyon bago sa akin."

Napatango na lang si Yura at tumahimik na lang.

Gabi. Mga bituin, at buwan na nagtatago sa mga ulap. Isang mahaba at nakakakabang hininga ang aking pinakawalan. Unang rason ay ang pag-aalala ko sa guro. Kumusta kaya ito? Malungkot kaya ito ngayon? Ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito?

Pangalawa dahil narito ako sa aming silid ng Hari. Hindi natuloy ang tradisyon sa unang gabi. Ngunit hindi ko na alam ngayon. Nandito pa rin ang pagkabahala.

Kagabi ay sa ibang silid siya natulog. Sana nga ay doon din siya ngayon. Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin o haharapin.

Kasabay ng aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na bumukas na ang pintuan at pumasok na ang Hari. Hindi ako lumingon sa gawi niya. Nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya. Narinig ko naman ang ingay ng pagbukas ng kabinet at kaluskos ng tela.

Walang kahit na anong imik ang Hari mula nung pumasok siya at nakakapanibagong wala itong kahit na anong sumbat ngayon. Kaya mas lalo akong kinabahan.

Narinig ko muli ang ingay mula sa kabinet saka ang pagbukas ng pintuan. Doon na ako lumingon at nakitang wala ang Hari roon pero nasa kama ang panglamig na kasuotan niya.

Napahinga ako ng malalim. Mas mabuti na rin siguro ang pananahimik niya. Nang sa gayon ay hindi ko muli marinig ang pagmamaliit niya.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas. Hanggang sa narinig ko ang mga yabag niya. Katatapos lang siguro niya maglinis ng katawan.

Akala ko nga ay magpapatuloy ang kanyang pananahimik. Subalit, hindi siya si Haring Adem kung wala itong maanghang na salita.

"Hindi mo kailangang mag-alala. Dahil wala akong balak gawin ang bagay na iyon sa iyo," aniya. "Isa akong Hari at mapili ako pagdating babaeng gagawin iyon kasama ko.

Pangutya akong nagpakawala ng hininga. Saan ba siya kumukuha ng kumpyansa at kayabangan? At ano? Mapili sa babae? Hindi ko alam na ganoon pala ang Maharlika ngayon.

"Nakakabilib din naman ang kumpyansa mo sa iyong sarili, Kamahalan." May ngisi kong sabi kahit nakatalikod ako sa kanya. "Hindi maikukumpara ninuman." May sarkasmo kong sabi.

Narinig ko namang ang maikling patutsada niya. "Kung ganoon ay sino nga ulit ang nagtutok ng kanyang sandata sa akin? Dahil siya ay takot?"

Naipikit ko na lang ang mga mata. Kinuyom ang mga palad. Natahimik ako. Alam kong wala akong maisasagot.

"At may gusto rin akong itanong." Nakaramdam ako ng kilabot nang maging seryoso ang boses niya. "Hindi naging ganoon si Valleri kanina. Malungkot, at walang gana."

Hindi ko alam kung bakit ako naging kabado bigla. At nang magbitiw siya ng salita, kinilabutan na ang ako at pigil ang hininga sa ilalim ng mga salita niya. Malalim at seryoso.

"May sinabi ka ba kay Valleri?"

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now