Kabanata 5: Ang Nagkukubling Demonyo sa anino ng Halimaw

27 1 0
                                    

Ang Nagkukubling Demonyo sa anino ng Halimaw

Simula n'ong nagkaroon ako ng kamuwangan sa mundo. Saksi na ako sa mga pasikot-sikot ng mga tao. Lalo na kapag dumating ang puntong minsan ay may ginagawa silang karahasan at kamunduhan.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong pinagtangkaan. At sa tuwing sila'y susubok ay pawang may himalang palagi iyon nauudlot. Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Isang maharlika ang bumili sa akin sa isang pamilihan ng mga alipin.

Sa unang pagpapakilala nito'y para itong maamong tupa. Makisig at mapapansin na hindi makabasag-pinggan sa bait ng pakikitungo nito sa akin. Maging ang boses ay magaan sa pandinig ngunit sadyang may katotohanan pa rin ang mga sabi-sabi. Huwag palilinlang sa panlabas na anyo hangga't hindi mo pa sila nakikilala ng lubos.

Mahimbing pa ang aking pagkakatulog. Sa buong pag-aakala kong magiging maswerte ako sa una kong amo, hindi ko aakalaing ito rin ay magiging isang peligro para sa akin.

Labis na lumukso ang dibdib ko nang maramdaman ang kamay ng lalaki kong amo na dahan-dahang lumalandas pababa sa maselan kong bahagi. Madali akong napabangon at nagpumiglas. Sariwa pa sa isipan ko kung paano ako nanlaban n'ung idantay niya ang sarili sa akin.

Halos magpumiglas ako, itinulak-tulak, at sinubukang ilayo ang sarili. Napaluha ako n'ung akmang tatanggalin nito ang damit ko. Subalit bigla na lang itong napahawak sa kanyang dibdib at nahirapang huminga.

Habol ko pa ang hininga at kabado akong lumayo sa kanya. Hanggang sa unti-unti itong kinapusan ng hininga na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Napasalampak ako sa sahig. Hindi pa nasasaloob sa isipan ko ang lahat na nangyari. Ang tanging nagawa ko lang ay tumayo at lumayo.

Napamulat ako at ang nagliliwanag na simbo at rehas ang sumambulat sa aking paningin. Ngayon ko lang napansin na kanina na pala kumagat ang dilim. Napaisip ako kung bakit sa 'rami ng maari kong paginipan ay iyon pang alaalang nais kong kalimutan.

Napabangon ako nang mapagtanto ang nangyari. Mabilis na nilibot ko ang paningin at nakita ang Senyora sa kabilang selda. Ang humaharang sa amin ay ang makapal na bakal na rehas, at ang nakagapos na kadena sa aming mga paa.

Sinubukan kong lumapit upang tingnan nang maigi ang Senyora at ganoon na lang ang pangamba't gulat ko sa estado ng Senyora. Wala itong malay ngunit... ang kanyang mga damit.

Kaagad na lumandas ang mga luha pababa sa aking pisngi. Kumuyom ang mga kamay kong nakakapit sa rehas. Halos nababalutan ang Senyora ng mga pasa't sugat. Marahil ay nagmula sa latigo o pisikal na dahas.

"S-Senyora..." Nanghihinang usal ko, tinatawag siya. Kahit hindi ko alam kung ako ba'y maririnig niya.

Para akong nakahinga ng maluwag nang unti-unti nitong minulat ang mga mata niya. Bagama't nanghihina ay nagawa pa ng Senyora na magsalita.

"Y-Yonahara..."

"S-Senyora..."

Hindi ko maawat ang pagluha sa kalagayang nakikita ko sa Senyora. Inabot ko ang kamay ng Senyora at hinawakan. Ganoon rin siya.

"S-Senyora... kailangan mong magpakatatag... tatakas tayo..." Naluluhang anang ko.

Ngunit umiling lamang ang Senyora. Mas lalo akong nanghina nang makita sa mga mata niyang gusto na niyang bumigay. Naroon ang pighati at galit. Subalit mas nananaig ang malalim na pagdadalamhati.

Ang dating seryoso at walang ekpresyon ng Senyora ay kakikitaan na ngayon ng paghihirap. At ngayon ay hindi ko malaman ang nararamdaman nang lumandas mula sa kanyang mga mata ang luha.

The Dove of The Lost LandsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora