Kabanata 21: Mag-usap

16 1 0
                                    

Mag-usap

Blangko. Pagkalito. Pagkagulat. Iyon ang agad na bumalot sa akin nang gawin ng malamig na Hari ang hindi inaasahan. Nanlalaki ang mga matang maramdaman ko ang paglikot ng labi nito sa aking labi. Parang nauuhaw.

Sa labis na kabiglaan sa aming sitwasyon ay halos hindi na ako nakapag-isip ng tama. Natauhan na lamang ako nang mas pinalalim ng Hari ang pag-angkin sa aking labi kaya't mariin ko siyang tinulak gamit ang buo kong lakas.

At ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang itsura niya. Namumula ang buong mukha at leeg. Namumungay ang mga mata at tila may senswal sa kung paano niya ako titigan.

Naglakas-loob akong harapin ang malamig na Hari kahit pa may kaunting kiliti ang naiwan sa aking labi mula sa ginawa niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Kamahalan? Bakit mo ba ginagawa 'to?"

Ngunit tila bingi ang Hari. Hindi ako mapanatag. Hindi siya ganito. Hindi naman maganda ang relasyon namin. Pareho rin kaming naiinis kapag nakikita ang isa't-isa. Ilang debate na rin ang namagitan sa aming dalawa kaya... Hindi ko talaga inaasahan na magagawa niya akong...

Napahinga ako ng malalim. Sa ngayon ay ang nakikita ko ay hindi ang malamig na Hari. Ang Haring kaharap ko ngayon ay iba, tila naghahanap. Uhaw sa ganoong paraan. May hindi tama.

Hanggang sa ang uhaw ay natagpuan sa mga labi kong nakaawang gawa ng pagkabigla nang muli niyang distansyahin palapit ang mga katawan namin. Nakakapanghina pero mariin. May kiliti ngunit nakakasakit.

Sa lahat na mga nagtangkang angkinin ako kahit lamang ang aking labi, siya lang ang nakauna. Nanghihina ako hindi dahil sa anumang nakakabaliw na sensasyong hatid niyon kundi sa pagkirot ng dibdib ko.

Muli niyang hinuli ang mga labi ko matapos niyang distansyahin ang pagitan namin. Hinampas-hampas ko ang kanyang matigas na dibdib sa matinding pagtanggi. Ngunit ang kilos ng Hari ay naging mas agresibo.

Gamit ang kanyang malapad na kamay ay hawak niya ang aking batok, ang isa naman ay hinapit ang bewang ko. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa luhang papalabas ng maramdaman ko ang nasa pagitan ko. Mas lalong binalot ng takot ang sistema ko.

Dahil sa hindi ko malampasan ang lakas niya, nagawa kong kagatin ang pang-ibabang labi niya at nagdulot iyon upang huminto ang malamig na Hari sa kanyang kahibangan. Nalasahan ko na lang ang dugo mula sa ginawa ko. Nanghina ako at napaupo. Nanginig maging ang mga tuhod at ang luha ay kusa ng lumandas palabas.

Ang Hari ay tila nahimasmasan sa kanyang nagawa. Nakaawang ang mga labi at natulala sa akin. Naging malikot ang mga mata niyang naguguluhan at napasapo sa kanyang ulo. Napaatras siya at nawalan ng balanse pero kaagad ding naiayos ang pagkakatayo.

"W-What did I do...?" Tila lito pa niyang tanong sa sarili at napatingin sa akin. Hindi pa rin makapaniwala.

Tinakpan ko ang sariling bibig upang hindi marinig sa bulwagan ang pag-iyak ko. Nasa gitna pa rin kami ng kasiyahan. Marami pa ring mga tao.

Ilang sandali lang ay dumating ang dalawa. Sila Yura, at Harrion. Lahat ay balisa na tumingin sa kanilang Hari bago dumako ang tingin sa akin. Si Yura ang agad na dumalo sa akin. May nag-aalalang tumingin sa akin bago sa Hari na ngayon ay naguguluhan pa rin.

"Your Majesty..." tipid na wika ni Yura sa Hari. "What happened?"

Napakurap ang Hari habang sapo ang ulo. "I... I don't know... I—"

"Your Majesty!"

"My King!"

Halos sabay na sabi ng dalawa nang tuluyang mapaupo ang Hari. Agad na dinaluhan ni Harrion ang Hari.

"Are you drunk, Sire?" tanong ni Harrion. "What happened to you and the Queen?"

Hindi makasagot ang Hari bagkus ay lito lamang itong tumingin sa akin. Napakapit ako sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay naninikip.

"Your Highness... " alalang wika ni Yura.

Subalit dahil sa nangyari mas lalong nanikip lamang ang dibdib ko hanggang sa tuluyang nanlabo ang aking paningin.

"My Queen!" Iyon na lang ang tanging narinig ko bago naging itim na ang lahat.

***

"Do you think, Your Highness is okay?"

"Magigising din ang Mahal na Reyna. Nabigla lamang siya sa... nagawa ng Kamahalan."

"Hindi iyon kasalanan ng Mahal na Hari. May naghalo lamang sa kanyang inumin."

"Still. Labis na nabigla ang Mahal na Reyna. And, we know why she reacted like that."

Iyon ang mga boses na narinig ko nang maalipungatan ako. Patuloy pa rin ang pag-uusap nila kaya kahit nang magmulat ako ay hindi nila kaagad ako napansin.

Sinag at liwanag ng araw mula sa labas ang unang sumalubong sa mga mata ko. Napagtanto ko ring nasa silid ako ng Hari. Dumako naman ang paningin ko sa dalawang nag-uusap.
Si Yura at Seron.

Tumikhim ako at doon lamang sila napalingon sa akin.

"Mahal na Reyna!"

"Your Highness!"

Halos sabay nilang sabi sa akin sabay yumuko bilang pagbati at paggalang. Nakita ko na nakahinga sila ng maluwag.

"Nawalan ba ako ng malay?"

Ilang sandaling katahimikan bago sinagot ni Yura ang tanong ko.

"Ga'yun nga, Kamahalan. Marahil ay dahil sa labis na pagkabigla."

Napatungo ako at naitikom ang mga labi nang maalala ko ang nangyari. Ang Hari. Ang halik. Ang pagkalito niya.

"K-Kamahalan... alam kong labis kang nabigla dahil sa nagawa ng Hari subalit hindi niya iyon sinasadya..."

"Yura." Pigil ni Seron dito.

"Kailangan malaman ng Kamahalan—"

"Allow the King to explain instead." si Seron.

Kumunot naman noo ni Yura. "Do you think he will? Alam natin kung ano ang estado ng relasyon nilang dalawa."

"Hindi natin kailangan makialam sa kanila, Yura."

Natigil ang pagdidiskusyon nila nang mag-anunsyo mula sa labas.

"Narito ang Mahal na Hari."

Kasabay nun ay bumukas ang pintuan ng aming silid ng Hari. Doon ay nakita ko siya na seryosong nakatingin sa akin, kasama ang kanang-kamay niyang si Harrion.

Tumindig ng maayos ang dalawa at bumati sa Hari. Subalit ang Hari ay nanatiling nakatuon ang tingin sa akin. Nakaigting ang panga at seryoso pa rin ang tingin, ngunit sa likod ng seryosong tingin ay may iba pa akong nakitang emosyon.

"Mag-usap tayo," aniya sa malalim at seryoso na boses.

The Dove of The Lost LandsМесто, где живут истории. Откройте их для себя