Sa gitna ng kabilugan ng buwan. Sa lunos ng malawak ng mga walang buhay.Sa pagitan ng kadalisayan at kapayapaan. Saksi niyon ang sakripisyong dugo't luha ang pinagmulan.
Pagtangis sa nakabibinging katahimikan. Tagumpay nga ba'y karapat-dapat?
O, isa lang itong maskara sa totoong wangis ng mga maruruming ganid sa kapangyarihan?
Kumalat sa pandinig ang lakas na ingay ng trumpeta. Kasabay niyon ay mga yabag, hindi lang dalawa kun'di sa hindi mabilang sa rami ngunit may nangingibabaw sa unahan.
Sumisigaw ang kanyang posisyon at pagkakakilanlan. Pawang tumagos sa sarili ang lamig ng mga mata nitong nababalutan ng kulay itim.
Lumuhod ito't naramdaman ko ang malamig na pagdampi sa aking pisngi. Nasa pagitan ng marahas at maingat na inangat niya ang nanghihina kong sarili upang magpantay ang aming parehong pagtitig.
Katulad ng kanyang mga mata. Malalim, malamig, at puno ng hiwaga siya'y nagwika, "natagpuan ko na ang karapat-dapat. Siya'y aking magiging Reyna."
BINABASA MO ANG
The Dove of The Lost Lands
FantasySa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at marinig sa gabi ang lamat ng kaharasan mula sa mga taong nasa posisyon sa mga katulad niya. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, bilang alipi...