Kabanata 9: Pulang Niyebe

29 1 0
                                    


Pulang Niyebe

Sa tana ng buhay ko, lahat na mga Maharlikang nakilala ko—maliban sa Senyora at Haring Kaan—ay mapagmataas, mapanghusga at halos karahasan ang naging saksi sa bawat yugto ng buhay na mayroon ako.

Lahat sila'y may pangungutyang tingin sa mga katulad kong nagmula lamang sa mababang antas. Sa tagal ng buhay ko bilang alipin ay puro takot at pangamba ang nararamdaman. Naging saksi at naranasan ko mismo ang kanilang pagmamalupit. Mapapisikal man o emosyonal.

Iyon ang naging pananaw ko bago ko makilala ang Senyora. Dati-rati'y ang pag-aakala ko ay lahat na Maharlika'y purong masasama ngunit nang makilala ko ang Senyora. Hindi ko maitatanggi na naging mahigpit siya subalit siya ay naiiba.

Palagi niyang ibinibilin sa akin na huwag akong magpadala sa aking kahinaan.

"Then, I am King Adem. There's nothing you can do but to choose, and you will by hook or by crook," aniya sa hindi ko maintindihan na salita.

Ilang sandali ang namayaning katahimikan sa pagitan namin. Gusto kong hamakin ang sarili. Marahil ay nakatayo na ako ngayon habang dinidisiplina ako ni Senyora kung makikita lamang nito ngayon ang aking sitwasyon sa Hari.

Narito pa rin ako sa kandungan niya. At katulad din ng Senyora at Haring Kaan, ang Haring ito ay naiiba. Kung sa una'y takot at pangamba ang aking maramdaman, nakakapanibago dahil inis ang namamayani. Hanggang sa nagdesisyon akong magsalita.

"Hindi ko naiintindihan ang iyong tinuturan," anang ko.

At nakakatuwang na ako na mula sa mababang uri ay may lakas-loob na kausapin ng ganito ang Haring hawak ako. Kumpara sa yumaong Hari ng Asyreum na halos mapaluhod ako dahil sa presenya nito at awra.

Ang Hari na ngayon ko lamang nakilala ay tila 'di makapaniwalang nawala ang takot at pangamba ko.

"Ano?"

Tila hindi rin makapaniwala niyang sabi. Dahilan na tingnan niya ako ng maigi at malaglag ang parehong balikat niya.

"Hindi ko naiintindihan ang iyong tinuturan," muling sabi ko.

Kumunot ang noo niya. Ang kaninang walang-ekspresyon niyang mukha ay napalitan ng hindi maipaliwanag na reaksyon. Naaawa? Nagugulat o may pagkapahiya dahil sa sinabi niyang hindi ko naman naiintindihan.

"Are you f*cking serious?" aniya ngunit may nahihimigan akong hindi maganda.

Hindi ako nagsalita dahil wala naman akong naiintindihan. Sa isipan ko'y ibang klase nga talaga ang mga Maharlika dahil sa mga kaalaman na nakukuha nila. Subalit, sadyang nakakasayang din dahil sa mga kaalaman iyon ay pawang nabababa ang kanilang mga moral, dahilan upang makagawa sila ng hindi tama.

Napahinga ng marahas ang Hari. Naiiling bago ako muling binalingan. At gustuhin ko man kumawala sa mga kamay nito ay hindi ko magawa dahil sa angkin nitong lakas. Ibinabalik lamang ako nito sa kandungan niya.

Marahil ay dahilan na rin para sa akin na hindi siya bigyan ng kahit na anong pagkilala.

Isang Hari? Kamahalan? Gusto kong mapailing at matawa.

"Ano ba! Bakit hindi mo ako bitiwan at hayaan kong makuha ang aking punyal? Ano ba ang nais mo?" Hindi ko mapigilan singhal sa kanya.

Nagpumiglas pa ako ngunit sadyang hindi sapat ang maliit kong katawan kumpara sa matikas na katulad niya.

Mula sa kandungan niya'y inihiga muli ako ng Hari sa kama at hinawakan ang magkabila kong kamay sa aking uluhan.

"Alam kong alam mo na ang sagot sa iyong tanong. Sa ayaw mo at sa hindi magiging Reyna ka," pagpupumilit niya.

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now