Kabanata 32: Imbitasyon

21 1 0
                                    

Imbitasyon

Naghalo ang munting ingay na nanggagaling sa kutsara't tinidor at ang nakakabinging katahimikan dito sa hapagkainan. Sa mahabang lamesa na puno ng masasarap na pagkain, tanging kaming dalawa ang naririto.

Wala naman akong lakas ng loob na magsimula ng usapan lalo pa't hindi naman gaanong malapit ang relasyon namin ng Hari.

Hindi ko alam kung kaya ko pa bang sumubo pa ng pagkain dahil sa katahimikang namamagitan sa amin.

"Is the food wasn't like your taste?" Biglang dinig ko sa kanya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Elegante at pino pa rin ang galaw niya kahit sa pagkain kumpara sa kagaya kong nagsisimula pa lang mag-aral ng tamang pagkilos. Nagugulat pa rin talaga ako sa mga inaakto niya. Mayroon pa rin naman siyang taglay na nakakasama ng loob ko, pero tila may kakaiba ngayon.

Tipid naman akong umiling.

"Hindi naman. Mukhang hindi pa lang ako nasasanay," nasabi ko na lang.

"Hindi ba't patuloy pa rin ang pagtuturo sa'yo ni Maestro Saldivar? I expect some improvements since he's teaching you the palace's etiquette."

Nagpasensya ako sa mga ipinupunto ng Hari. Maliban sa pag-aaral sa malaking silid-aklatan ng palasyo, may iba rin akong gawain katulad ng kung papaano kumilos ang isang Maharlika.

Si Maestro Henry Saldivar, ang siyang inatasan ng Kamahalan na magturo ng kaalaman tungkol sa patakaran ng palasyo, mga pangalan at tungkulin ng mga taong narito, mga tamang pagkilos, at pananalita. Para sa kung magkaroon man ng okasyon o bisita ang Hari, may kaalaman ako kung paano ko sila kausapin ng tama at may pino.

"Huwag kang mag-alala, Kamahalan. Maayos naman ang lahat. Isinasaisip ko ang mga turo niya't makakasigurong hindi ako makakaabala sa'yo," wika ko, saka pinunasan na nang marahan ang aking bibig.

Tinapos ko na lang ang pagkain. Baka sakaling kung saan muli mapunta ang aming usapan. Wala akong ganang makipagpalitan ng salita sa kanya. Nasalubong ko ang kanyang tingin. Seryoso at hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.

Marahan akong tumayo sa kinauupuan at bahagyang yumuko upang magpaalam.

"Kung may kailangan ang Kamahalan sa akin, naroon lamang ako sa silid-aklatan," ani ko saka lumakad paalis sa hapag at naiwan ang mahal na Hari.

Nagtuloy-tuloy lang ako at hindi naman niya ako pinigilan o kahit magbigay komento man lang.

Matinding paghinga ang pinakawalan ko sa binabasa kong libro sa silid-aklatan. Hindi pa man ako natatapos sa binabasa ay siguradong marami nang impormasyon ang nakalap ko. Tungkol ito sa Kaharian ng Emperyo. Kung kailan ito nagsimula at kung sinu-sino ang mga namuno rito.

Nakakasabik lang malaman ang kanilang mga pinagmulan, mga ginawa para sa Kaharian at Emperyo, at mga plinano nila para sa hinaharap. Bagama't mga pahapyaw lamang ang mga impormasyong iyon, naging kaalaman na rin naman para sa akin. Subalit may hindi pa rin ako nauunawaan.

Nilipat ko pa sa ibang pahina ang librong binabasa, ngunit wala akong nababasa tungkol sa kung paano naging isang Emperyo ang Moran Koroteya. Sinabi lamang rito na mayroong apat na Kaharian ang Emperyo.

Nangunguna na rito ang Koroteya Cathanan—ang Kahariang ito na pinamumunuan ni Haring Adem. Pangalawa ay ang Koroteya Desiran, ang Koroteya Alhaman, at ang huli'y ang Kaharian ng Eleran.

Nilipat-lipat ko na sa iba't-ibang pahina pero wala na akong ibang nakita tungkol sa Emperyo. Ibang-iba ito sa nakita kong libro noon nung nabubuhay pa ang Senyora Varrella.

Nasa kalagitnaan ako noon ng pag-aaral kung paano magsulat at bumasa, nasa Kapital pa kami ng Dayura. Nakita ko noon ang napakalumang libro. Halos ang pahina'y maari nang mapunit kung hindi iingatan ang paghawak sa mga pahina niyon.

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now