Kabanata 23: Kiliti, halina at bihag

31 1 0
                                    

Kiliti, halina at bihag

Sa tana ng buhay ko'y hindi ko inisip kung ano ang pakiramdam ng isang pisikal na intimasyon. Sa totoo'y wala akong nalalaman tungkol doon. Ang tanging kagustuhan ko lamang ay matigil na ang bawat dahas at kamunduhan na minsan ay hindi lang masarap sa pakiramdam. Ito rin ay nakakapanakit. Nagiging ganid at marami ang nagiging biktima sa mali nitong paraan.

Ang ganoong paraan at pagtatangka noon sa akin ay dumikit na yata sa aking isip at pagkatao. Ang takot ay madaling bumabalot sa tuwing may ganoong pagkakataon. Minsan ko na nga ring naisip kung ano ba ang mayroon sa isang intimasyon?

Gaano ba ito kaakit-akit sa iba? Paano niyon nagagawang ibahin ang isang tao? Anong pakiramdam? Iyon ba ay takot? O totoo nga kaya ang sabi-sabi'y labis iyong nakakahalina?

Sa muling pagkakataon ay siniil ako ng halik ng Hari. Nanigas ako sa kinahihigaan. Bukas ang mga matang hindi pa rin makapaniwala. Ang dalawang kamay ko naman ay wala ring takas mula sa pagkakahawak niya.

Malakas akong napasinghap nang maramdaman ko muli ang kiliti. Hindi ko nga lang alam kung saan ang eksaktong parte ng katawan ko na ngayon ay hindi na nanginginig. Hindi katulad noong gabing iyon.

At dahil sa ginawang pagsinghap ay nagawang sakupin ng Hari ang mga labi ko ng lubos. Naghahanap pa. Nauuhaw. Pero naroon pa rin ang pagpipigil. Nararamdaman ko sa aking palapulsuhan ang lakas ng pagkakawak niya.

Mula sa mulat na mata'y napapikit ako nang hindi niya lang sinakop ang mga labi ko. Nagawa niya ring pasukin ng dila niya at salubungin ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung sa akin o sa hari.

Ang nalalaman ko lang ay hindi lamang ang mga labi ng Hari ang gumagalaw. Maging ako rin ay datapwa't naguguluhan, dahan-dahan din akong sumabay sa ritmo ng paggalaw ng labi niya sa labi ko, at ng labi ko sa labi niya.

Nais kong kwestiyonin ang sarili. Hindi ba't takot ako? Hindi ba't dahil din dito'y tumanggi akong kausapin siya? Halos ikulong ko nga ang aking sarili upang hindi kami magkatagpo at masilayan kahit ang mukha niya? Ano itong hiwaga na bumalot sa akin at tila imbis na takot ang maramdaman ay parang naghahangad pa?

Dahil sa ginawa kong pagtugon sa di malamang kadahilanan, naging malikot pa ang bawat halik ng Hari. Naramdaman ko rin ang bigat niya sa ibabaw ko. Ang kaninang pagkakahawak niya sa dalawang palapulsuhan ko sa uluhan ay bumaba sa aking mukha, pisngi at bewang.

Ang labi ng Hari'y pinag-igi pa ang pag-angkin sa labi ko. Sinisipsip ang pang-ibabang labi ko at bumabalik sa mas sensuwal na paraan. At dahil naging malaya ang mga kamay ko'y hindi ko napigilan ang sariling hawakan ang pisngi niya't humaplos doon.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit ganito?

Ang takot at panginginig na naramdaman ko sa una'y naging kiliti at halina nang lumaon ang pagsakop ng Hari sa aking mga labi. Hindi ko aakalaing ang bagay na hinihindian ko noon at kinakatakutan ay mangyaring biktima ako ngayon dahil sa bawat dampi, init at kiliting ibinibigay ng mga labi ni Haring Adem.

Ultimo'y halik pa lang ito. Hindi ko na kayang isipin ang susunod pa. Baka hindi lang paghahangad ang manaig sa akin. Dahil sa tuwing humahalik ang Hari ay tila isa iyong ilog na banayad na hahangarin mong makita, marinig, at mahawakan ang agos doon. Siya ring init na nagbibigay sa nagyeyelong paraiso.

Mula sa pisngi, ang aking kamay ay kumuha ng lakas sa balikat niya. Lalo na nang bumaba ang halik. Mula sa labi, panga, at bumaba sa leeg. Napakapit ako sa balikat niya at napasabunot naman sa kanyang buhok. Mabilis ang aking tibok ng puso nang sandaling ibinaba niya ang aking kasuotan upang ilantad ang aking balikat.

Muli akong suminghap nang mawala na sa leeg ko ang mga labi niya. Naroon sa balikat ko't nagbibigay halina roon. Maging ang kamay ng Hari ay dahan-dahang gumalaw. Mula sa bewang hanggang sa gilid, at sa aking dibdib. Umarko ang aking likod, mariin na napapikit nang sandaling hindi lang lumapat ang kamay niya sa aking dibdib, kanya ring hinulma ng malapad niyang palad. Dahilan upang umalpas mula sa labi ko ang isang senswal na tinig na kailanman ay hindi ko aakalaing magagawa ko.

Kasabay din niyon ay nahinto ang halinang kanina'y unti-unting binabalot ako. Resulta'y napamulat ako't napakurap ng dalawang beses. Ganoon din ang taong nagbibigay kiliti sa akin kanina. Natigil ito sa paghulma at pagdampi-dampi. Tila kapwa kami natauhan sa sitwasyon namin ngayon.

Unti-unting nanlaki ang aking mga mata, maging siya rin ay may kalituhan na tumitig sa akin at sa kamay niya roon. Kahit ako'y napatitig din sa kanya at nang maramdaman ko ang kamay niyang kanina'y parang nanghuhulma ngayon naman ay parang napaso na kumawala.

Ang kaninang nalalasing na sitwasyon sa pagitan namin ay napalitan ng magkahalong gulat, kalituhan at tensyon. Madali kaming dumistansya palayo sa isa't-isa. Napahawak ako sa aking kasuotan at nang madama ko ang konting lamig, napagtanto kong nakalantad din sa harapan niya ang aking balikat kaya agad ko ring inangat ang aking kasuotan.

Siya naman ay mariing napapikit. Inis na sinuklay ng kanyang mga daliri ang buhok niya, umiigting ang panga habang mahigpit na ikinuyom ang isang kamao niya.

Napalunok naman ako't katulad din niya'y halos tanungin ko ang sarili. Kung ano ba ang pumasok sa isip ko't nagpabihag ako sa ganoong pangyayari.

"Get out." Mahina pero mariin niyang sinabi.

Bumaling ang Hari sa akin at doon ko nakita ang seryoso, mariin ngunit tila nalalasing na pagtingin. Sa kabila pa rin nun ay natuto na siyang magpigil muli.

"Get out! Leave me alone!" malakas na niyang sabi. "Don't come back here!"

Madali tuloy akong napababa mula sa kanyang kama at tumakbo palabas ng silid niya dahil doon. Hiningal tuloy ako sa labis na kaba nang palayasin ako ng Hari sa kanyang silid.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Napahawak sa aking dibdib. Para akong nanghina sa mga nangyari. Nagunita ko tuloy ang nangyari sa loob ng kanyang silid. Wala sa sariling dinama ng aking hintuturo ang pang-ibabang labi. Kasabay niyon ay parang may sumilab na konting init sa aking magkabilang pisngi.

Mariin akong umiling. Pilit iniiwas ang isipan doon ngunit wala akong kontrol at muling bumalik na naman ang ganoong senaryo.

"Anong nangyayari sa'yo Yonahara...?" Tinakpan ko ang buong mukha ko gamit ang parehong kamay.

Hindi ko alam kung sa hiya o sa katotohanang naghangad ako ng ganoong pakiramdam.

"Hindi... Hindi maari... Hindi ganito." paulit kong pangaral sa sarili.

Napaupo ako't parang wala ako sa sariling sinampal-sampal ko rin ang parehong pisngi na ngayon ay umiinit.

Paanong... Paanong nangyari iyon? Hindi ba't takot na takot ako pagdating sa bagay na iyon? Ni, halos katakutan ko nga ang sinumang nagtatangka sa akin noon.

Kaya't paano? Bakit?

Sa lahat ng lalaki, ang malamig na Hari ang siyang pinaka-una. Una sa halik, at unang lalaking nagparamdam ng halina.

Paano ako nabighag sa intimasyon ni Haring Adem?

The Dove of The Lost LandsWhere stories live. Discover now