The Dove of The Lost Lands

Por cedriannakhaile

1.4K 50 0

Sa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at... Más

Simula
Kabanata 1: Pagkabahala
Kabanata 2: Pag-anyaya
Kabanata 3: Pagsalakay
Kabanata 4: Pangunahing Konseho
Kabanata 5: Ang Nagkukubling Demonyo sa anino ng Halimaw
Kabanata 6: Maharlika
Kabanata 7: Muling Pangako
Kabanata 8: Hari
Kabanata 9: Pulang Niyebe
Kabanata 10: Desisyon
Kabanata 11: Kasal
Kabanata 12: Paglisan
Kabanata 13: Moran Koroteya
Kabanata 14: Koronasyon
Kabanata 15: Mula sa talim
Kabanata 16: Kawangis
Kabanata 17: Masamang Balita
Kabanata 19: Bago ang lahat
Kabanata 20: Kaarawan at Halik
Kabanata 21: Mag-usap
Kabanata 22: Muli
Kabanata 23: Kiliti, halina at bihag
Kabanata 24: Dahilan
Kabanata 25: Paraan
Kabanata 26: Lunas
Kabanata 27: Paghulma
Kabanata 28: Hamon ng Dalawang Leon
Kabanata 29: Panimula ng Sining
Kabanata 30: Pagsumamo
Kabanata 31: Espada at Punyal
Kabanata 32: Imbitasyon
Kabanata 33: Debate
Kabanata 34: Gunita
Kabanata 35: Unang Araw
Kabanata 36: Unang Pagsubok
Kabanata 37: Pagsubok ng Temptasyon
Kabanata 38: Pangalawang Pagsubok
Kabanata 39: Ang Bundok Nilayen
Kabanata 40: Temptasyon
Kabanata 41: Ilusyon
Kabanata 42: Bulong at Pagtakas
Kabanata 43: Pagbabalik sa Reyalidad
Kabanata 44: Ang Babae at Ang Pagbati
Kabanata 45: Natatago sa Huwad at Katotohanan
Kabanata 46: Sa Ilalim ng Lawa
Kabanata 47: Anino mula sa Dilim
Kabanata 48: Ang Estranghero

Kabanata 18: Ang Tanong

21 1 0
Por cedriannakhaile

Ang Tanong

Luha. Iyon ang aking nakita sa matandang babaeng kaharap ko ngayon. Pagkagulat, pagkalito, lungkot, at tila hindi pa makapaniwala sa nalaman.

Umalingawngaw ang tunog mula sa nabasag na tasa na naroon na sa marmol na sahig. Maya-maya'y narinig ko na ang mga yabag.

"Ano'ng nangyari?" kaagad na unang salita ng Hari nang ito'y makapasok sa loob. Kasama naman nito si Harrion na naroon sa pintuan.

"Oh, nagkukwentuhan lamang kami. Nahulog ko lang ang aking tasa, hindi ko kasi masyadong nahawakan ng maiigi," kaagad na palusot ng nasa harapan ko.

Kunot-noo lamang na tumingin sa amin ang Hari. Hindi nito nakita ang pagluha ng guro nito. Humanga naman ako at nakahinga rin ng maluwag nung kinomposyur kaagad ng guro ang sarili. Animo'y hindi siya nakatanggap ng masamang balita kanina at ganoon na lang sa kanya kadali na magpalit ng emosyon.

Kapagkuwan ay huminga siya nang malalim at bumaling sa Hari.

"Maari bang sa susunod na araw na lamang, Kamahalan? Sa tingin ko'y sasama yata ang aking pakiramdam."

"Are you okay, Valleri? Something happened?" agad na tanong ng malamig na Hari.

Hindi ko aakalain na makikitaan ng pag-aalala sa mga mata ang Hari kahit pa seryoso ang mukha nito.

Alam ko ang kahulugan sa likod ng sinabi ng babae. Gustong niyang mapag-isa. At alam ko naman na kaninong kasalanan kung bakit biglang nawalan siya ng gana. Kundi dahil sa akin mismo. Kung sana'y hindi ako naging mausisa o isinarili na lang ang kuryosidad...

Pabalik na kami sa palasyo. Nangunguna naman ang Hari habang sakay ng kanyang kabayo. Ako naman ay nasa likuran muli ni Seron nakasakay. Sina Harrion at Yura ay humahabol sa amin.

Naipikit ko ang mga mata nang madama ko na ang mas malamig na temperatura. At ang iilang mamasa-masa na unti-unting bumabagsak.

Niyebe...

"Kailangan na natin magmadali. The snow is starting to fall."

Sinunod namin ang Hari sa sinabi niya. Minadali nila ang pagpapatakbo at lumipas lamang ang dalawampung minuto ay nasa palasyo na kami.

Sa pagpasok namin sa Palasyo ay sinalubong din kami ng pagbati ng ilang serbidora. Lumapit naman sa akin Dera dahil siya na ay ang aking personal na lingkod.

Samantala naman ay lumisan naman si Haring Adem kasama si Harrion at Seron sa ibang direksyon ng palasyo.  Naiwan naman si Yura na ngayon ay bahagyang yumuko sa akin.

"Pagpasensyahan niyo na Reyna Yona. Hindi lang talaga nagsasabi ang Hari kung saan siya tumutungo." Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin ni Yura.

Marahan naman akong umiling at nagsabi na ayos lang.

"Huwag kang mag-alala. Kahit noong magkita kami ay alam ko na ang ganitong aksyon niya. Hindi na iyon bago sa akin."

Napatango na lang si Yura at tumahimik na lang.

Gabi. Mga bituin, at buwan na nagtatago sa mga ulap. Isang mahaba at nakakakabang hininga ang aking pinakawalan. Unang rason ay ang pag-aalala ko sa guro. Kumusta kaya ito? Malungkot kaya ito ngayon? Ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa mga oras na ito?

Pangalawa dahil narito ako sa aming silid ng Hari. Hindi natuloy ang tradisyon sa unang gabi. Ngunit hindi ko na alam ngayon. Nandito pa rin ang pagkabahala.

Kagabi ay sa ibang silid siya natulog. Sana nga ay doon din siya ngayon. Hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin o haharapin.

Kasabay ng aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na bumukas na ang pintuan at pumasok na ang Hari. Hindi ako lumingon sa gawi niya. Nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya. Narinig ko naman ang ingay ng pagbukas ng kabinet at kaluskos ng tela.

Walang kahit na anong imik ang Hari mula nung pumasok siya at nakakapanibagong wala itong kahit na anong sumbat ngayon. Kaya mas lalo akong kinabahan.

Narinig ko muli ang ingay mula sa kabinet saka ang pagbukas ng pintuan. Doon na ako lumingon at nakitang wala ang Hari roon pero nasa kama ang panglamig na kasuotan niya.

Napahinga ako ng malalim. Mas mabuti na rin siguro ang pananahimik niya. Nang sa gayon ay hindi ko muli marinig ang pagmamaliit niya.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas. Hanggang sa narinig ko ang mga yabag niya. Katatapos lang siguro niya maglinis ng katawan.

Akala ko nga ay magpapatuloy ang kanyang pananahimik. Subalit, hindi siya si Haring Adem kung wala itong maanghang na salita.

"Hindi mo kailangang mag-alala. Dahil wala akong balak gawin ang bagay na iyon sa iyo," aniya. "Isa akong Hari at mapili ako pagdating babaeng gagawin iyon kasama ko.

Pangutya akong nagpakawala ng hininga. Saan ba siya kumukuha ng kumpyansa at kayabangan? At ano? Mapili sa babae? Hindi ko alam na ganoon pala ang Maharlika ngayon.

"Nakakabilib din naman ang kumpyansa mo sa iyong sarili, Kamahalan." May ngisi kong sabi kahit nakatalikod ako sa kanya. "Hindi maikukumpara ninuman." May sarkasmo kong sabi.

Narinig ko namang ang maikling patutsada niya. "Kung ganoon ay sino nga ulit ang nagtutok ng kanyang sandata sa akin? Dahil siya ay takot?"

Naipikit ko na lang ang mga mata. Kinuyom ang mga palad. Natahimik ako. Alam kong wala akong maisasagot.

"At may gusto rin akong itanong." Nakaramdam ako ng kilabot nang maging seryoso ang boses niya. "Hindi naging ganoon si Valleri kanina. Malungkot, at walang gana."

Hindi ko alam kung bakit ako naging kabado bigla. At nang magbitiw siya ng salita, kinilabutan na ang ako at pigil ang hininga sa ilalim ng mga salita niya. Malalim at seryoso.

"May sinabi ka ba kay Valleri?"

Seguir leyendo

También te gustarán

7.3M 436K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
4.2M 193K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
38.4K 1.5K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...