Hatred And Sorrow Of The Mafi...

By LadyTorment

13.2K 1.2K 82

Sabi nila kapag daw ang isang tao nagkasala mabibigyan pa siya ng isang pagkakataon upang itama ang maling na... More

𝐏𝐫𝗼𝐥𝗼𝐠𝐮𝐞:
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1: 𝐀 𝐍𝐞𝐰 𝐁𝐞𝐠𝐢𝐧𝐧𝐢𝐧𝐠
𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 2: 𝐆𝗼𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐜𝐤
Chapter 3: Face The Truth
Chapter 4: Syndrome
Chapter 5: At the school
Chapter 6: The Start
Chapter 7: The Owner
Chapter 8: Jealous
Chapter 9: At The Hospital
Chapter 10: Fake
Chapter 11: The Chen's Daughter and Son's
Chapter 12: Truth
Chapter 13: Danger
Chapter 14: Threat
Chapter 15: Ambushed
Chapter 16: Mae Shin is Angry
Chapter 17: Unconscious
Chapter 18: Another Problem
Chapter 19: Bad Day
Chapter 20: Who's the real traitor?
Chapter 21: The Culprit
Chapter 22: Shocked
Chapter 23: Kidnapped
Chapter 24: Mafia Kingdom
Chapter 25: Tiwala
Chapter 26: Pain
Chapter 27: The Annoying Mae
Chapter 28: Strawberry
Chapter 29: The Real Min Lee Han
Chapter 30: Unexpected
Chapter 31: Phoebe Cha
Chapter 32: Scaped
Chapter 33: Meet Bianca Hong
Chapter 34: Bianca's Real Identity
Chapter 35: Trust
Chapter 36: Hidden Secret
Chapter 37: Sign Language
Chapter 38: New Students
Chapter 39: Magazine
Chapter 40: The confrontation
Chapter 41: Meet Elle
Chapter 42: Target
Chapter 43: Detention Office
Chapter 44: Zeke is alive?
Chapter 45: Elle's Identity
Chapter 46: Wayne Xiao
Chapter 47: New Tyler
Chapter 48: Shocked
Chapter 49: The Truth
Chapter 50: The Old Past
Chapter 51: Shocked
Chapter 52: Still In Love
Chapter 53: Weakness
Chapter 54: Unknown Guy
Chapter 55: Love
Chapter 56: Kidnapped
Chapter 57: The Real Matermind
Chapter 58: Escaped
Chapter 59: Plan Gone Wrong
Chapter 60: Unexpected Happened
Chapter 61: Andrie Han
Chapter 62: The Real Mae Shin Han
Chapter 63: Bad Feeling
Chapter 64: Zeke's Daughter
Chapter 65: Scarlett Joo
Chapter 66: Mae's Twin Sister
Chapter 67: Zeke's Daughter
Chapter 68: Unexpected
Chapter 70: Pain
Chapter 71: Scarlett Plan
Chapter 72: Scarlett Problem
Chapter 73: The Truth of the Past
Chapter 74: The Past Between The Truth
Chapter 75: The Hidden Secret
Chapter 76: Scarlett VS. Lance
Chapter 77: First Move
Chapter 78: Don't Trust Clyde
Chapter 79: Thailand Boys
Chapter 80: Your Worse Nightmare
Chapter 81: True Love
Chapter 82: Thailand
Chapter 83: Unexpected Traitor
Chapter 84: The Old Past
Chapter 85: The Truth
Chapter 86: Going back to Korea
Chapter 87: Sapphire
Chapter 88: TRUTH
Chapter 88: Truth
Chapter 89: Trapped
Finale

Chapter 69: Where's My Dad?

75 12 0
By LadyTorment

[Qin Sang POV]

Naglalakad ako pauwi ng mansion. Maaga akong gumising upang makapagjogging, nakasanayan ko na kasi. Hindi ko nga alam kung gising na silang lahat, hindi nga ako nagpaalam sa guard na lalabas ako ng bahay.

Nasa tapat na ako ng gate ng biglang tingnan ako ng bantay.

"Morning po!" bati ko sa kanya sabay ngiti.

Napangiti naman ito.

"Magandang umaga po ma'am. Maaga po kayo lumabas ng mansion?" saad nito

"Ah, opo" tipid kong sagot

"Alam po ba ni miss Han ito?" wika nito

"Hehe, hindi nga po eh. Tulog pa po kasi sila ng gumising ako, kaya naman hindi na ako nakapagpaalam," sabi ko

"Ganon po ba,"

"Sige po, pasok na po ako sa loob baka hinahanap na nila ako," ani ko sa kanya

"Sige po ma'am,"

Pumasok na ako ng gate at naglakad na papasok ng mansion. Nang nasa sala na ako, nakita ko silang lahat nakaupo habang hawak ang kanilang mga cellphone. I'm sure, naglalaro na naman ang mga yan.

Bigla akong umupo sa tabi ni Min, kaya lang nagulat ito ng makita ako.

"Oh! Shit! Nandiyan ka na pala Qin," gulat nitong sabi

"Kararating ko lang," sagot ko sabay inom ng tubig na nasa mesa

"H-huh? Kararating? Bakit. Saan ka ba pumunta?" puno ng pagtataka nitong sabi

"Nag jogging kasi ako. Hindi na ako nakapagpaalam sainyo kasi tulog pa kayo," sagot ko na ikinalingon ng iba

"A-akala namin tulog ka pa," wika nito

Tiningnan ko silang lahat.

"Sandali, kulang yata kayo. Nasaan si Scarlett?" bigla kong tanong sa kanila

"Nasa itaas ginigising ka. Akala kasi namin tulog ka pa. Kaya naman inutusan namin siya na akyatin kana dahil hindi ka pa kumakain ng breakfast," saad nito na ikinatayo ko bigla

Shit! Nasa loob siya ng room ko.

"Hindi pa ba siya lumalabas?" tanong ko ulit

"H-hindi pa eh, kanina pa nga ako nagtataka kasi ang tagal niya sa loob," sagot nito

"Hindi lang matagal, may narinig pa tayong ingay sa itaas," sabad ni Tian Qi

"Anong klaseng ingay?" tanong ko dito

"Hmm, base sa narinig ko. Parang itinulak na pinto, tapos nasira, yun ganon."

Agad akong tumakbo pa akyat ng kwarto ko.

"Qin!" sigaw nilang lahat sa pangalan ko pero hindi ko sila pinansin.

Nang malapit na ako sa aking silid, napansin ko na nakabukas ang pinto nito. What the heck! Paano niya nabuksan ang pinto ng kwarto ko? Sa pagkakatanda ko, nilock ko ito. Kaya naman paano niya nagawang buksan ang—.

Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko sa aking sarili ng nasa tapat na ako ng kwarto ko.

WHAT THE HELL! Sinira niya ang pinto ng kwarto ko. Kaya pala sabi ni Tian Qi parang may nasira, yun pala pinto ng kwarto ko. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya. Nang pumasok ako sa loob, hindi naman magulo ang kwarto, pinto lang talaga ang problema. Nasaan kaya ang babaeng 'yon. Wala naman siya dito sa loob.

"SCARLETT HAN! WHERE THE HELL ARE YOU!" sigaw kong malakas sa pangalan nito

No response. Saan kaya siya pumunta—. Sandali, hindi kaya nahanap na niya ang secret door ng kwarto ko. Shit! Hindi pwede, masisira plano namin. Agad akng nagtungo sa isang painting na kung saan kapag hinawakan mo ang gitna nito, agad bubukas ang pinto na nasa likuran nito. Papasok na sana ako ng may biglang humawak sa aking braso.

"Hindi ko akalain na may maganda ka palang painting dito sa kwarto mo," saad nito

Tiningnan ko naman ang secret door. Buti naman at sumara na ito. Muntikan na niyang makita.

"A-anong ginagawa mo dito Min," tanong ko habang may kaba sa aking dibdib

"Hmm, hinahanap ko kasi si ate Scarlett, wala naman siya sa sala. Sabi nila ate Mae nandito daw sa kwarto mo kaya naman pumunta ako dito," wika nito

"W-wala na siya dito sa loob. Nadatnan ko ngang sinira niya ang pinto ng kwarto ko." sagot ko

"Saan naman kaya siya pumunta," aniya

"Yun nga din ang tanong ko sa sarili ko. Kung saan siya pumunta," sabi ko

"Sige maiwan na kita. Hanapin ko muna siya, baka nasa labas ng mansion," ani nito

"Sige, sabihan mo ako kapag nakita muna. May itatanong kasi ako sa kanya," saad ko

"Okay, 'yung pinto mo ipaayos mo. Baka pasukin ka dito mamayang gabi," aniya

"Ah oo mamaya, tatawagan ko yung kakilala ko na magaling mag-ayos ng nasirang pinto,"

"Sige, bye ate Qin,"

Sinundan ko naman siya at doon nakita ko na bumaba na ito ng hagdan. Hayst! Kinabahan ako dun.

Binalik ko ang atensyon ko sa painting. Hinawakan ko muli ang gitna nito at agad bumukas ang pinto. Hindi na ako nagdalawang isip, pumasok na ako at agad isinara ito. Sinundan ko ang mga ilaw na nakasindi sa aking dinaraanan. Hanggang sa may nasilayan akong liwanag , isa itong pinto kaya naman ko itong binuksan.

Akala ko hindi na ako makakabalik dito. Nagkamali pala ako, dahil kay Scarlett kaya nagawa kong bumalik dito. Sana naman na dito lang siya.

"SCARLETT HAN! WHERE THE HELL ARE YOU! I'VE BEEN SEARCHING THE WHOLE MANSION, BUT I CAN'T FIND YOU. SO PLEASE SHOW YOUR SELF, I'M ALREADY TIRED," malakas kong sigaw pero walang sumagot

Nandito ba talaga siya? Kasi kung oo sasagot 'yon kung gugustuhin niya. May echo pa naman ang bahay na ito.

Tinungo ko ang bawat kwarto na meron dito. Baka nandun siya nagtatago, alam niyo na. Baka gusto niya maglaro ng tagu-taguan. Pwes, pagbibigyan ko siya.

Merong anim na kwarto ang bahay na ito. Lima na ang tiningnan ko, isa na lang ang hindi pa. Ang kwarto na 'yon ay silid niya. Hindi kaya nandoon siya? Hindi pwede! Hindi niya pa pwedeng makita ang taong 'yon. Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa nasa labas na ako ng kwarto. Agad kong pinihit ang doorknob at iniluwa ako sa magandang kwarto at doon ko nakita si Scarlett na nakahiga, habang katabi niya ang isang babae.

"Huli na ako, nagkita na silang dalawa," bigla kong sabi sa sarili ko

Lumapit ako sa kanila at agad ginising si Scarlett. Iminulat naman nito ang kanyang mga mata. Akala ko magugulat siya dahil nandito ako.

"Oh! You're here. Kanina ka pa namin hinihintay," bungad nitong sabi sabay upo sa kama

"Bakit mo sinira ang pinto ng kwarto ko?" bigla kong tanong sa kanya habang nakataas ang kanang kilay ko

"Eh sa nakalock kaya wala akong choice kundi sirain na lang," kalmado nitong sagot

Nagpalinga-linga muna ako sa buong paligid.

"Alam mo ba na muntikan na akong mahuli ni Min kanina huh!" giit kong sabi sa kanya

"Eh ano naman. Mabuti nga 'yon para alam na rin niya na buhay pa ang aming ina," pilosopo nitong sagot

"Aba't—" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang nagising si tita Allison. Tiningnan naman ako ni Scarlett ng pambatang tingin.

"Oh, Qin Sang! Mabuti naman at nandito kana," bungad nitong sabi

"Mrs Han, pasensya na po at hindi ko nagawa ang bilin ninyo sa akin. Nalaman po niya na buhay kayo," sabi ko sabay yuko

"It's okay. Mabuti na rin 'yon na malaman ng isa sa mga anak ko na buhay ako, para may katuwang tayong dalawa," wika nito

Bigla kong iniangat ang aking ulo.

"Grabe Qin, hindi ko akalain na alam mong buhay pa ang mommy namin," saad ni Scarlett

"I'm sorry. I'm sorry if i hide the truth. It's part of our plan,"

"Tsk, i know. Don't be serious, you look so weak,"

Agad ko naman siyang tiningnan. Para siyang bata.

"Tsk, childish," i murmured

"So? How about you? You look an old girl,"

"You're joking right?" I said in my serious tone

"No I'm not. I'm serious," she said in childish way

"Y-you—"

"That's enough! We have a mission that we need to do, that's why stop joking each other," pagpapatigil samin ni Mrs Han

"I'm sorry," sabi ko

Umupo na lang ako sa sofa habang hinihintay na magsalita si Mrs. Han. Magsasalita na sana siya ng biglang napatayo si Scarlett dahil sa gulat. Bakit naman kay siya nagulat? Sinundan ko kung saan ito nakatingin. Napatayo rin ako sa nakita ko.

"Hindi ko alam na may tinatago kayong bahay sa mansion," walang emosyon nitong sabi

"P-paano ka nakapasok d-dito?" utal kong tanong sa kanya

"Tsk, sa tingin mo ba maloloko mo ako ng ganun Qin. I'm not a stupid like the others. Simula palang may hinala na ako na alam mo kung nasaan si ate Scarlett, kaya naman nagpanggap ako na naniwala sayo,"

Shit! Nakalimutan ko pala na magaling siyang manloko ng tao.

"Lalabas naman na kami kaya sige na umalis ka na," saad ni Scarlett sa kanya

"Tsk, ayoko nga. Kilala ko na kayong dalawa, kaya wag niyo ng subukan na lituhin ako,"

Tiningnan ko si Scarlett sa mga mata. Bigla naman siyang ngumisi ng nakakaloko.

"Alam mo sis, matagal na sana naming gustong sabihin sainyo ito, kaya lang may inaayos pa kami dito. Kaya kung pwede sana atin-atin muna ito," wika nito sa kapatid niya

"Tch, hindi naman ako palasalita kaya wag kayong mag-alala. Pero matanong ko lang, sino naman yang kasama niyong babae?"

Nagkatinginan kami ni Scarlett dahil sa tanong niya. "Sasabihin ba natin sa kanya?" sabi ko sa kanya habang nangungusap ang aming mga mata. Umiling siya bilang sagot.

"Ah siya ba? She's my cousin," pagsisinungaling ko sa kanya

"Cousin? Hindi ko nabalitaan na may pinsan kang dumating ngayon," ani nito

"Kasi Min, kagabi siya dumating hindi ko na kayo nasabihan dahil ang himbing na ng tulog ninyo," sagot ko

"Ah, okay."

"Min, pwede ba na lumabas kana. Baka kasi makahalata sila," saad ni Scarlett sa kanya

"Hmm, okay. Basta susunod na kayo, kanina pa kasi nila kayo hinahanap," ani nito

"Oo, susunod na kami. May tatapusin lang kami dito," sagot ko

"Okay,"

Naglakad na ito palabas ng kwarto. Napaupo kami bigla dahil sa kaba.

"Muntik na yun huh. Mabuti hindi niya nakilala si auntie," sabi ko

"Yah, your right. Kung nakilala niya si mommy, tapos na ang maliligayang araw natin. Hindi niya kayang itago ito," turan ni Scarlett

"Mabuti pa girls, bumalik na muna kayo sa mansion. Baka mahalata na ang iba lalo na si Mae, kilala mo naman ang kambal mo. Kapag may nakutuban yun tiyak na mas delikado," saad ni auntie samin

"Okay po mommy. Mamaya po babalik kami," wika ni Scarlett

"Sige na umalis na kayo,"

Agad naman kaming tumayo at naglakad na palabas ng kwarto. Nagtungo na kami sa dati naming dinaanan. May kutob akong may makakaalam pa ng sekreto namin. Sana hindi si Mae, dahil mas delikado kapag siya ang makaalam ng lahat.

"Matanong ko lang huh, bakit si mommy lang ang nandito? Nasaan si Dad?" biglang tanong sakin ni Scarlett na ikinahinto ko saglit

"Qin, may problema ba?" ani nito na ikinalingon ko sa ibang deriksyon

"W-wala naman, may na..na alala lang kasi ako," pagsisinungaling ko

Okay. Pero sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit hindi kasama ni mom si dad?" muli nitong tanong na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Anong isasagot ko sa kanya? Ayoko na ako ang magsabi sa kanya ng totoo.

"Ah! Alam ko na, siguro nasa ibang place. Para mag investigate, di ba?" aniya

"Parang ganon na nga," sagot ko

"Sana makausap ko siya. I miss him so much," saad nito na ikinalungkot ko

I'm sorry Scarlett pero sa tingin ko hindi niya kayo miss. Kung alam niyo lang ang tunay na pagkatao ng daddy niyo, I'm sure magagalit kayo. But, i don't have a right to tell you the truth. Just wait the time when your mother is the one who will tell the whole truth.

Kapag dumating ang araw na malaman na ninyo ang buong katotohanan. Sana, mapaghandaan ninyo kung gaano ka sakit ang lahat. Kahit nga ako na hindi nila anak, nasaktan na. Kayo pa kayang anak nila.

"Uyy, Qin Sang! Tulala ka na naman diyan. Halika na baka makahalata na sila," yaya nito sakin

"Sige,"

💕💕END OF CHAPTER 69💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 49K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
1.7M 54.9K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
6.4M 327K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...