I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

276K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)

Mateo's Pov (Finale)

919 24 10
By Eccedentisiann

-Sorry for the bad words.

---

As time went by, I became more happy because I was with her. Every time I stared into her eyes, I always told myself that I was the luckiest man in this world because a woman like her loved me. In a brief moment, I saw the rest of my life as she moved closer to me.

But I never thought that the day would come when all the pity I felt would be replaced by fear because of Klea.

Noong araw kung saan dinala ko si Klea sa clinic ay kita ko sa mata niya ang pag aalala. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa dahil ayaw niyang may makaalam na iba sa relasyon naming dalawa. Naiintindihan kung bakit ayaw niyang may makaalam at pati rin ako ay natatakot  na baka may ibang mangyari sa kan'ya, tulad ng nangyari noon kay Klea na maraming nagtangka sa kan'ya.

"Mat, aminin mo nga sa akin may relasyon ba kayo ni Samantha? Noong sa Camping trip natin hindi ka gano'n mag alala sa mga babae pero ba't gano'n pagdating kay Samantha ay tila may kakaiba," Klea said.

Andito kami ngayon sa parke dahil sa kagustuhang niyang makausap ako.

"Hindi ka na rin sumasagot sa mga text at tawag ko. Kayo ba?" hirap niyang sabi.

Tinitigan ko siya. "She's my girlfriend."

I finally said to her. Kita ko sa mata niya ang sakit dahil sa sinabi ko. I also don’t want to hurt her, but I can’t do anything because the fact that Samantha and I have a relationship will also come out.

"Ba...bakit? Paano nangyari? Saglit lang kayo magkakilala pero kayo na agad," agad niyang pinunasan ang luha sa kan'yang pisngi at tinitigan ako sa mata. "Matagal na akong may gusto sayo Mat, pero naduduwag ako na sabihin sa'yo ang nararamdaman ko."

"I know."

Nanlaki ang mga mata niya pero agad nakabawi. "Akala ko ay parehas tayo ng nararamdaman, akala ko ay m---"

"Sorry, Klea, but I love Samantha. I'm in love with her."

Natahimik siya sa sinabi ko. Pero wala akong magagawa dahil mahal ko si Samantha at hanggang kaibigan lamang ang kaya kung suklian sa kan'ya. Ayaw ko ulit masira ang pagkakaibigan namin tulad ng nangyari noon.

"Klea--" agad niya akong pinatagil sa pagsasalita.

"I'm sorry too, Mat," mahinang sabi niya at pilit na ngumiti bago ako iniwan.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya pero ng lumipas ang ilang araw ay hindi ko inaasahan ang gagawin niya.

Habang naglalakad papunta sa aming klase ay nakita ko ang ibang estudyante na nagsisitakbuhan. Napakunot noo ako at sinundan sila at nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan ni Sam.

At nakita ko siyang pilit na sinasangga ang mga kung ano anong pinagbabato sa kan'ya. Napatakbo ako papalapit sa kan'ya at umusbong ang galit ko.

"Fuck everyone!" kulog kung sabi.

Halos manghina ako ng makita siyang umiiyak. Agad akong lumuhod at yinakap siya.

"I'm sorry, baby. I'm sorry."

Mas lalo siyang napayuko at pilit na tinatago ang kan'yang mukha. Nanginginig ang kamao ko sa galit ng makita ang mga pictures sa dingding at agad hinanap ng mata ko si Klea na hindi kalayuan sa amin at kita ko rin ang sakit sa mga mata niya habang nakakatitig sa amin.

Inalalayan ko siyang tumayo at inilibot ang tingin sa kanilang lahat at mas lalong nandilim ang mata ko sa babaeng may hawak pa rin na harina at itlog na pinagbabato nila kay Sam.

"Listen up! Samantha is my girlfriend! Don't you fucking dare to insult her or touch her again!"

Tila gusto ko silang balian ng buto dahil sa ginawa nila kay Sam. Sinisisi niya tuloy ang kan'yang sarili dahil galit na galit si Angel sa kan'ya dahil sa pagtatago niya ng relasyon naming dalawa.

Matapos ko siyang ihatid sa kanilang bahay matapos naming bisitahin ang warehouse ay dumiretso ako sa bahay nila Klea. Dahil siya lamang ang nakakaalam ng relasyon naming dalawa.

Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa akin ay nasaktan si Sam.

Agad ko siyang tinawagan. "I am in front of your house," at mabilis din pinatay ang tawag.

Wala pang isang minuto ay narinig ko na ang pagbukas ng gate kaya mabilis akong lumapit sa kan'ya at hinawakan ang pulsuhan niya nang maalala ang sinapit ni Sam kanina.

Nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ko. "Ma...mat."

"Ikaw ba ang may gawa nun?" pagtitimpi ko ng galit

"A..anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.

"Klea! Tell me! Ikaw ba ang may gawa nun!"

Hindi ko na mapigilan magalit at kita kung muli ang sakit sa mga mata niya kaya agad kung kinalas ang pagkakahawak sa pulsuhan niya.

"Ano ngayon kung ako ang may gawa!" sigaw niya.

Napaatras ako. Why did she do that? They are best friends.

"Hindi ko matanggap na sa daming babaeng magugustuhan mo ay sa bestfriend ko pa. Hindi ko matanggap kasi naiinggit ako, naiinggit ako sa kan'ya!"

Patuloy ang pag iyak niya at muntik ng mapaluhod kaya agad ko siyang sinalo at yinakap.

I feel bad for her. This is all my fault.

Matapos kung ilagay ang mga plastic sa ibabaw ng mesa na pinamali ni Tita ay lumabas na ako para makapagsimula na kaming magreview pero nakita ko siyang hawak niya ang cellphone ko. Nang mapatingin ako sa kan'yang mukha ay biglang nawala ang sigla dito.

Agad akong lumapit sa kan'ya at hinuhuli ang kan'yang tingin.

"Sam," tawag pansin ko.

Pero hindi niya ako nilingon hanggang sa may tumawag sa cellphone ko at sabay kaming napatingin doon. Nanlaki ang mata ko ng makitang remuhistro ang pangalan ni Faye. Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ko pa rin napalitan ang pangalan niya doon.

"May dapat ba akong malaman?" she said.

Mas lalo akong nanlamig ng makitang mas sumeryoso ang titig niya.

"Sam," hahawakan ko sana ang kamay niya pero agad ko iyon iniwas.

"Akala mo ba hindi ko malalaman na nagkikita pala kayo, na naguusap pa rin kayong dalawa. Tapos dinalaw ka pa sa training mo na hanggang ngayon ay naghihintay akong sabihin mo sa akin. Ano bumalik feelings mo sa kan'ya?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Tumayo ako at lumapit sa kan'ya.

"Baby, not now please, ayaw kung mag away tayo."

Gusto kung sabihin sa kan'ya na mali ang iniisip niya, noong sa training ay wala akong ideya na dadalaw siya at akala din ng iba kung kasamahan na may relasyon kaming dalawa.

"Mateo, gulong gulo na ako. Gusto kung malaman lahat kahit natatakot ako pero may tiwala ako sayo, tulad nga ng sinabi mo na hinding hindi mo ako lolokohin kaya naniniwala ako doon pero sa nangyayari ngayon, hindi ko na alam. 'Yung tungkol kay Klea, kay Faye. Hindi ko na alam Mateo. Kung hindi ko pa sasabihin ngayon, mukhang wala kang balak na sabihin sa akin."

Fuck it. Ayaw kung pagselosan niya si Klea, ayaw kung masira ang relasyon naming dalawa. Matagal ko ng gustong sabihin sa kan'ya pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya pag nalaman niyang si Klea ang babaeng pinag uusapan ng lahat at lalo na dahil ang akala ng lahat ay may namamagitan na relasyon sa aming dalawa noon.

I'm also afraid when she finds out that Klea still likes me. For almost two months of our relationship, I got to know her better. She didn't want to hurt Angel and Klea.

"Mat, kung ayaw mong sabihin sa kan'ya, ako mismo ang magsasabi. Kaibigan ko siya Mat! At kailangan niyang malaman ang lahat!"

I bite my lips.

"Ilan ulit ko pa bang sasabihin sa'yo na ako ang magsasabi sa kan'ya. Please, Klea wag kang mangialam sa relasyon naming dalawa!" halos pasigaw ko ng sabi dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko.

Andito kami ngayon sa coffee shop dahil sa pag aakalang andito si Sam dahil sa text ni Klea na sasabihin niya kay Samantha ang tungkol sa kan'ya ngayon. And I didn't know that Jacob is also here.

Ginulo ko ang buhok ko dahil galit na galit sa akin si Sam dahil sa sinabi ko sa kan'ya na pagkatapos ng finals namin ay sasabihin ko sa kan'ya lahat dahil ayaw kung guluhin ang isip niya pag ngayon ko sinabi sa kan'ya lahat. Halos wala na rin akong tulog dahil sa panay na tawag ko sa kan'ya para makausap siya pero nakapatay ang cellphone niya.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtitig sa akin ni Jacob at kahit hindi niya sabihin ay alam ko ang tumatakbo sa utak niya.

I know that until now he had feelings for Sam.

"Samantha."

Agad napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi ni Jacob at tinignan ang direksyon ng tinitigan niya.

Nanlaki ang mata ko ng makita siya. "Sam."

Agad akong lumapit sa kan'ya at kita ko ang paglambot ng kan'yang mata ng mapatitig sa akin.

Nabalik lamang ako sa realidad ng maalalang magkakasama kaming lahat ngayon. I hold her hand dahil natatakot sa ano mang sasabihin ni Klea.

"Can we talk? But not here please," I said.

Inilibot niya ang kan'yang tingin at natigil ito kay Klea. Nanginginig ang buong katawan ko dahil natatakot ako sa susunod na mangyayari.

"Great! Dahil andito naman tayong lahat bakit hindi natin sabihin kay Samantha ang totoo."

Shit.

"Klea stop!" hinawakan ni Jacob ang pulsuhan niya para patigilin siya.

Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at tinitigan sa mata.

"We need to go okay?"

"Mateo, anong totoo?" naguguluhan niyang tanong. "Anong meron bakit magkasama kayong tatlo?"

Hinawakan ko na lamang ang kamay niya para makaalis na dito ng manlaki ang mata ko dahil sa sunod na sinabi ni Klea.

"Faye is now standing infront of you Samantha."

"Hindi ito magandang biro Klea."

"Klea please..." halos nag mamakaawang boses ko.

Pero hindi siya nakinig sa akin at may kung anong kinuha sa bag niya at nakitang picture namin 'yon na tatlo.

"My real name is Faye, not Klea."

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "Totoo ba?"

Napatingin ako sa kamay ko ng tinanggal niya ang kan'yang kamay doon. Ayaw kung saktan siya, ayaw kung sirain ang tiwala niya pero huli na ang lahat.

"Sam, let me explain," garagal kung sabi.

"Totoo ba?" ulit niya at ramdam ko ang sakit doon.

I'm sorry, baby.

Natahimik ako at unti unting tumango. Kita ko ang paglandas ng luha sa kan'yang pisngi at gusto ko siyang lapitan para yakapin pero tinulak niya lamang ako.

"Paano? Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Hah! Mateo! Bakit?!"

"Sam, let me explain. I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo dahil natatakot ako na baka iwan mo ako."

Ramdam ko na rin ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi.

"Baby, please---" pagmamakaawa ko.

Tumakbo siya palabas kaya agad ko siyang sinundan. Alam kung hindi sapat ang sorry ko dahil sa pagtatago ko sa kan'ya ng totoo.

Hindi ko alintana ang lakas ng buhos ng ulan at paulit ulit na tinatawag ang pangalan niya.

Kita kung napatigil siya sa pagtakbo at napaluhod kaya mas lalo kung binilisan ang takbo ko pero halos tumigil ang mundo ko ng makita ang truck na papalapit sa kan'ya.

Pabilis ng pabilis ng tibok ng puso ko at malakas siyang tinulak at ramdam ko na lang sarili ko na nagpagulong gulong sa kalsada at nawalan ng malay.

I just woke up na walang maalala, ni pangalan ko ay halos hindi ko maalala but the first time na tumama ang mata ko sa kan'ya ay ramdam ko ang muli ang pagkabog ng dibdib ko pero hindi ko talaga siya matandaan at tanging sina Jacob at Klea lamang ang naalala ko.

Sa pag alis namin ng Pilipinas para tuluyan ng bumalik sa tahanan ko sa Canada ay hindi ako makapakali habang nasa eroplano dahil sa huling sinabi niya.

"Sorry Mateo, sorry sa lahat lahat, sorry dahil hindi ko matutupad ang pangako ko sa'yo. Thank you for coming into my life. I will cherish all of the memories we've spent together." .

Paulit ulit na sumasagi sa isip ko, tila kilalang kilala siya ng puso ko pero sa isip ko ay walang maalala sa kan'ya.

For almost five months na muling nanirahan sa Canada ay unti unti na akong gumaling at gano'n din si Mom mula sa stroke.

Until one day, ay bumalik ang ala ala ko. Dahil sa singsing na nakita ko na nakalagay sa bulsa ng jacket ko na sa pagkakatanda ko ay ang suot ko ng umalis ako ng Pilipinas.

Nang bumalik ang alaala ko ay agad kung pinuntahan si Klea at ipinakita ang singsing sa kan'ya. Kita ko sa mata niya ang gulat ng mabanggit ko ang pangalan ni Samantha.

"Why did you lie to me?! Huh!" umusbong ang galit ko dahil nagsinungaling siya sa akin.

"Ma..mat--" hindi ko siya pinatapos at hindi mapigilan na suntukin ang pader at kita ko ang pagtalon niya sa gulat.

"Samantha is my girlfriend, but you didn't tell me!"

Galit siyang tumingin sa akin. Fuck it, tinago niya ang tungkol kay Samantha at nagsinungaling sa akin na girlfriend siya ni Jacob.

Just fuck it!

"Girlfriend? Noon 'yun Mateo! Dahil kay Samantha kaya nangyari ang lahat ng ito! Kung bakit ka naaksidente! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito!"

Kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

"Don't you ever say that again or else I will forget that you are my friend. "

At hindi na hinintay ang sasabihin niya. Mabilis kung pinaandar ang sasakyan at agad itinigil sa tabi ng kalsada ng hindi ko makita ang daan dahil sa nagsisiunahang paglandas ng luha ko sa aking pisngi.

Napasigaw ako dahil bakit ngayon lang bumalik ang alaala ko. Iniisip kung anong naramdaman niya ng umalis ako, nung panahong hindi ko siya nakikilala.

"Ahhhhh!" I screamed dahil hindi ko matanggap lahat ng nangyari.

Kinuha ko ang cellphone ko sa dashboard para tawagan si Jacob. I want to know if she's okay. I want to know where she is. I need to say sorry to her.

Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, for almost five months ay ngayon ko lang ulit siya tatawagan. Muli akong napasigaw at mabilis na pinaandar ang sasakyan para mag impake dahil kailangan kung pumunta ng Pilipinas.

Bago pa man ako makapag pabook ng flight ay tumawag sa akin si Manang at sinabing muli isinugod si Mommy sa hospital. Ilang buwan pa ang lumipas ay mas lalong lumala ang situwasyon ni Mommy. Ang balak kung pumunta ng Pilipinas ay hindi nangyari.

Sinubukan kung kontakin ang ilang malalapit na kaibigan ni Sam noon pero hindi nila alam kung saan siya ngayon dahil mula noong graduation ay lumipat na rin sila ng bahay.

Hindi ako sumuko na ipahanap siya at paulit ulit pa ring tinawagan si Jacob hanggang sa nalaman ko na lang na kaya pala hindi niya sinasagot ang tawag ko dahil nagpalit na siya ng numero. Noong isang araw ay naiwan ni Klea ang cellphone niya sa hospital at nakita kung mayroon pala siya ng numero ni Jacob ng hindi man lang niya sinasabi sa akin.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon at agad siyang tinawagan. Habang nakatingin sa bintana ng kuwarto ni Mommy dito sa Hospital ay isang tawag ko lamang ay agad niyang sinagot ang tawag ko.

"Hello?"

Bigla akong natuod dahil muling narinig ang boses niya.

"Hello? Who's this?" ulit niya.

"It's me, Mateo," mahina kung sabi.

Ilang segundong natahimik sa linya niya bago ulit nagsalita.

"How did you know my number?" hindi ko alam pero ramdam ko ang galit sa boses niya.

"My memories came back," pag iiba ko ng usapan.

"W..what?"

"Did you know where Samantha is? I want to talk to her. I want to see her," pumikit ako ng mariin ng maalala ang nangyari sa Hospital na halos hindi ko siya pansinin.

I'm sorry, Sam.

"What do you want from her? She's already happy now, Mateo. "

"So, you know where she is? Please Jacob, I want to see her."

"For what? Saktan ulit siya? She's already moved on from the past, Mateo. Ayaw kung makita ulit siyang masaktan pag nakita ka niya. Hindi mo alam kung anong pinagdaanan niya Mateo, so please leave her alone!"

Kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

"Who the hell are you to say that?! We did not break up Jacob! We are still in relationship. Just tell me where she is!"

Rinig ko ang sarkastikong tawa niya.

"She broke up with you, nung umalis ka ng Pilipinas. I'm her boyfriend now, Mateo. So, Leave her alone."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Are you kidding me? I love her Jacob, you know that! Fuck you!"

Nagdidilim ang mata ko dahil sa galit.

"Huwag ka na ulit magpapakita sa kan'ya dahil ayoko ulit sisihin ang sarili niya dahil sa nangyari noon. Nang umalis ka ng Pilipinas ay ako ang nasa tabi niya at nangako ako sa kan'ya na hinding hindi ko siya iiwan hanggang huli. Just fuck off, Mateo. We're already happy now."

At pinatay niya na ang tawag. Sa galit ko ay tinapon ko ang cellphone ko at paulit ulit na sinuntok ang pader, hindi alintana ang dugo na dumadaloy sa aking kamay.

Napatingin ako kay Mom na tulog pa rin hanggang ngayon.

I'm sorry Mom, but I need to see her.

Umalis ako ng Canada para hanapin si Samantha, hindi rin alam ni Klea na umalis ako dahil alam kung pipigilan niya ako. Dalawang araw na ang nakalipas ng makauwi ako sa Pilipinas at agad dumiretso sa dating bahay nila at nagbabasakali na may nakakaalam kung saan siya pero bigo ako dahil ni isa ay walang nakakaalam kung saan sila lumipat.

Kung saan saan lugar na ako nakakapunta para hanapin siya, gagawin ko lahat para makita siya. Hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaasahan na makikita ko siya bar, that was the time na nagpakalasing ako dahil kahit anong gawin ko ay kusang umuulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Jacob na may namamagitan sa kanilang dalawa.

I saw her dancing on the dancefloor. Ramdam muli ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Muling bumalik ang masasayang alaala naming dalawa. I was to stunned habang nakatitig sa kan'ya. Ang daming nagbago sa kan'ya na halos hindi ko na siya makilala, bumaba ang tingin ko sa kan'yang katawan dahil sa kan'yang hapit na suot na halos lantad ang kan'yang dibdib.

Napatingin ako sa mga lalaking nakalibot sa kan'ya na pasimpleng lumalapit sa kan'ya pero hindi niya iyon nakikita dahil nakapikit siya habang sumasayaw at ramdam kung lasing na lasing na siya.

Fuck it, kailan ka pa natutong maglasing baby?

Napababa ako para lapitan siya  pero napatigil ng makita ko si Jacob na papalapit sa kan'ya at agad siyang hinila papaalis doon para ilagay ang jacket sa kan'yang balikat.

Nakatitig lamang ako sakanilang dalawa. Sumikip ang dibdib ko at hindi maigalaw ang paa.

Hindi ko kakayanin na totoo ang sinabi niya na sila may relasyon nga silang dalawa.

'Baby. Please tell me he's lying. That until now you still loved me.'

Nang makalabas sila ay agad akong sumunod. Hindi ko matanggap na tuluyan niya na akong kinalimutan.

Nang tumigil ang sasakyan niya ay agad kung itinigil din ang sasakyan ko at muling sinundan ng tingin si Jacob na pinagbuksanan ng pinto si Sam at inalalayan papasok ng hotel.

Lumabas ako at napatitig sa hotel kung saan ang tila Condo ni Sam. Naglakad ako papunta sa sasakyan ni Jacob at sumandal doon. Gusto ko siyang kausapin.

Kung sinabi ko sana noon ay hindi mangyayari lahat ng ito.

Ilang minuto ang lumipas ay napaangat lamang ako ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko.

"Mateo?"

Kinagat ko ang labi ko dahil nanginginig ang kamao ko para pigilan na suntukin siya dahil sa naramdamang selos ng hawak hawak niya ang baywang ni Sam kanina.

"What are doing here? Si Tita? Kailan ka pa nakabalik?" sunod sunod niyang tanong.

"Is this how you greet a friend?"

Ang mukha niyang may pagtataka ay napalitan ng pagkaseryoso dahil sa sinabi ko, mas lalo siyang lumapit sa akin at kita ko rin ang halos pagbabago sa kan'yang katawan.

"Huwag na huwag kang magpapakita sa kan'ya, dahil matagal ka na niyang kinalimutan," diretsahan niyang sabi.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntukin siya.

"Fuck you, Jacob. We have a bro code! What are you doing? You are stealing my girlfriend. I know it was my fault that this all happened. Nakalimutan ko man siya noon pero itong puso ko hindi! Dahil mahal ko pa rin siya hanggang ngayon."

Napahawak siya sa kan'yang panga at sarkastikong tumawa.

"I don't fucking care about our bro code. Tao rin ako Mateo para magmahal, she's already moved on. So, you better back off because she's mine now."

Muli ko siyang sinuntok at hinawakan ang damit niya.

"She's not yours, and she's not into you."

At malakas siyang tinulak at pumunta sa aking sasakyan at mabilis iyon na pinaandar. Pagdating ko sa Condo ko ay paulit ulit kung pinagsusuntok ang pader para ilabas ang galit ko. Napasigaw ako at muling tinapon ang mga bagay na malapit sa akin. Hanggang sa mapagod ay tuluyan akong napaluhod at napatingin sa dugo sa sahig.

'Baby, please come back to me. Maybe I forget about you, but my heart still beats for you.'

Kinaumagahan ay muli akong pumunta sa hotel para abangan ang paglabas niya dahil ngayong araw ay magpapakita na ako sa kan'ya. Napatingin ako sa kamay ko na may benda at agad ding napaiwas ng tingin at nakita siyang papalabas.

Agad akong lumabas sa aking sasakyan. Bago pa man ako makatawid ay napatigil ako ng makita ang pamilyar na sasakyan. Ang sasakyan ni Jacob, kita ko ang paglabas niya at pinagbuksan siya ng pinto at kita kung muli ang ngiti sa labi ni Sam.

Tuluyan mo na ba talaga akong kinalimutan Sam? Nanghina akong napabalik sa sasakyan ko.

Mula ng araw na iyon ay lagi ko siyang sinusundan, pinagmamasdan siya sa malayo na tila bumalik sa panahon kung saan hanggang tingin lamang ako sa kan'ya. Sa ilang araw na lumipas ay kita ko ngang masaya na siya. Ilang beses kung sinubukan na lapitan siya pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya, na baka masaktan ko ulit siya tulad ng sinabi ni Jacob.

Bumalik ako ng Canada matapos ang ilang linggong pananatili sa Pilipinas dahil nag aalala na sa akin si Mom. Pero ipinangko ko sa sarili ako na babalik akong muli at tuluyan ng magpakita sa kan'ya.

Bago pa man ako makapasok sa kuwarto ko ay agad na may pumigil sa akin at nakitang si Klea iyon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bumalik ka ng Pilipinas? Pinag alala mo kami! Hindi mo man lang sinasagot ang tawag ko! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Tinanggal ko ang kamay niya sa aking balikat at pagod na tumingin sa kan'ya. May kunting galit pa akong nararamdaman sa kan'ya dahil sa pagsisinungaling niya sa akin.

"I want to rest," maikling sabi ko at agad pumasok sa aking kuwarto.

Mapait akong napangiti ng mapatitig sa singsing. Siya lamang ang pinapangarap kung babaeng ihaharap ko sa altar, babaeng magiging nanay ng mga anak ko. Babaeng pinapangarap kung katabing matulog at ang babaeng mamahalin ko habang buhay.

Ang balak ko noon na bumalik ulit ng Pilipinas ay hindi nangyari dahil walang mag aalaga kay Mom. Hanggang dumating ang araw ng malamang kasal na sila.

"Wala ka ng babalikan sa Pilipinas Mat! Please move on! Hindi ka niya na mahal dahil kasal na sila ni Jacob!"

Paulit ulit na umeecho sa isip ko ang sinabi ni Klea. Tinapon ko ang bote ng alak at ginulo ang aking buhok. Nagpakalasing at gusto na lang mamatay.

Hindi ko matanggap na kasal na siya at lalo na sa kaibigan ko.

"Mateo!"

Napatingin ako sa pintuan nang dali daling pumasok si Klea at tinanggal ang bote sa kamay ko.

"Ano bang ginagawa mo?! Papatayin mo ba ang sarili mo? Hah? Mateo!" sigaw niya at muling lumapit sa akin at yinakap ako.

Ramdam ko ang basa sa aking damit dahil sa iyak niya at halos nawalan na ako ng lakas para itulak siya at tulala lamang.

"Mat, please, you need to move on. Ilang taon na ang lumipas, masaya na siya kay Jacob. Please kalimutan mo na siya," paulit ulit niyang sabi.

Tumayo ako dahil gusto kung mapag isa. Pero bago pa man ako makalabas ay yinakap niya ako patalikod, pagharap ko sa kan'ya ay tila nakita ko sa kan'ya Sam.

"Mateo," tila muling narinig ang boses niya. Ang boses na tila musika para sa akin.

Nanginginig ang kamay ko na hinaplos ang kan'yang mukha.

"Sam, I still--" hindi ako napatapos magsalita ng maramdaman ang labi niyang dumampi sa aking labi at hindi na napigilan ang sarili na halikan siya pabalik.

Isa sa pinagsisihan kung araw dahil hindi ko akalain na may nangyari sa aming dalawa at nabuntis ko siya.

Magiging tatay ako pero hindi si Sam ang ina.

Pinagkasundo kaming ikasal dahil sa nangyari kahit na tutol ako ay huli na ang lahat dahil hindi ko sinasadya ang nangyari sa amin at wala na rin ako sa katinuan sa lahat ng pinaggawa ko.

Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari magmula noon. Sa pang anim na buwan na pagbubuntis ni Klea ay kailangan naming pumunta ng Pilipinas dahil sa kagustuhan nila Tita at Tito na doon ikasal, sa simbahan kung saan pinangakuan ko si Sam na hihintayin ko siya hanggang sa edad na gusto niyang magpapakasal kaming dalawa.

Hanggang sa may balita akong nalaman na hindi kasal sina Jacob at Sam, galit na galit ako sarili ko dahil napaniwala ako ni Klea sa lahat ng kasinungalingan niya.

"Why did you do that?! Why did you lie to me?! All this time naniwala ako sa sinabi mong may relasyon sila ni Jacob, na kasal silang dalawa pero ang totoo ay wala palang namamagitan sa kanilang dalawa?! Why did you fucking lie to me?!"

Mas lalo kung diniinan ang pagkakahawak sa braso niya dahil sa naramdamang galit.

"Kasi mahal kita Mateo! Gagawin ko ang lahat para mapasa akin ka! Naiinis ako sa kan'ya kasi ako dapat ang nasa tabi mo noon at hindi siya, sobrang mahal kita Mateo kaya nagsinungaling ako sa'yo!"

Tuluyan ko ng binitawan ang kamay ko sa braso niya ng magsimulang nagsiunahan ang paglandas ng luha sa kan'yang pisngi.

Fuck it, kung sino pa 'yung pinagkatiwalaan ko ay siya rin ang magiging dahilan ng pagkawasak ko. Hinding hindi ko siya mapapatawad sa lahat ng kasinungalingan niya.

Pagkabalik namin ng Pilipinas ay agad kung pinuntahan ang Condo niya at handa ng magpakita sa kan'ya. Handa kung harapin ang lahat para makasama siya. Hindi ko kayang maikasal siya o may mahalin na iba. Gusto ko ako lang at wala ng iba.

Bago pa man ako makalapit sa kan'ya ay agad na humarang sa akin si Jacob.

"Let's talk," sa malamig na boses.

Muli kung tinignan si Sam na patuloy sa paglalakad papasok ng condo niya, bago sumunod kay Jacob.

Sinabi niya sa akin lahat nang nangyari kay Sam, na sinisisi niya ang kan'yang sarili dahil sa nangyari sa akin noon at ang mga nangyari sa kan'ya ng bumalik akong Canada.

I'm sorry, Sam kung dinanas mo ang lahat ng ito.

Sinabi niya rin sa akin na nagsinungaling siya na may relasyon sila ni Sam dahil sa kagustuhan niyang tuluyan ng makalimutan  ni Sam ang nakaraan at mabaon iyon sa limot at mamuhay ng normal.

Pero kailangan kung humingi ng tawad sa kan'ya at malaman ang rason niya kung bakit pinaraya niya ako kahit Mahal niya ako.

Hanggang sa dumating ang araw kung saan muli niya akong nakita. Sa muling pagbanggit niya sa pangalan ko ay tila sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis nito.

Sa pagyakap ko sa kan'ya ay halos hindi ko na kaya siyang pakawalan pa.

"Salamat sa lahat, hanggang dito na lang talaga Mateo, kalimutan mo na ako. Dahil hindi na kita mahal," mahina niyang sabi.

Sobrang sakit na siya mismo ang nagsabi nun. Sobrang sakit na ang babaeng mahal ko ay hindi na ako mahal. Pero kailangan kung respetuhin ang desisyon niya.

Napagtanto ko lahat ng pagkakamali ko sa buhay. Magkakaanak na ako, magkakaroon na ako ng isang buong pamilya kaya kailangan kung kalimutan din ang nakaraan tulad ng ginawa niya.

Dumating ang araw ng kasal ay sobra akong nasaktan ng makita siyang umiiyak. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Dahil huli na ang lahat. Tulad nga ng sinabi niya ay hindi kami puwede sa isa't isa.

Still, I am the luckiest man because she came into my life. For me, she is the most perfect woman. But, it hurts to think that we've met at the wrong time.

A few months later, I never thought I would see her again. Our eyes met. I looked away, pretending that we had never dreamed of a future together and continued to walk.

End of his Pov

Continue Reading

You'll Also Like

584K 9.5K 56
Wattys 2019 Winner under the Romance category . Be My Daddy's Sequel. Genre: Romance Status: Completed (Under Revision) "Marriage is sacred and so...
25K 684 45
Masungit at hindi palangiting babae si Almira Fate Ferreira and no one dares to give a care to her not until she meets Castriel Crisostomo, isang lal...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...