[Mae Shin POV]
"Wrong move my dear," malamig kong sabi sa kanya habang nakatutok ang aking baril sa kanyang ulo
"M-mae," utal na sabi ni Qin sa'kin
"Sige, gumalaw ka. Baka gusto mo sumabog ang bungo mo ngayon," sabi ko dito. "Sabihin mo sa akin, si Zeke ba ang nagutos sayo na patayin ang kasama ko?" muli kong sabi habang hawak parin ang aking baril. Isang maling galaw niya, bala ng baril ang papasok sa utak nito.
Hindi siya sumagot, bagkus humarap siya sakin ng nakangisi.
"Anong klaseng ngisi yan? Sa tingin mo ba matatakot mo ako diyan," mapanghamon kong sabi na mas lalong ikinangisi nito
Gusto niya yatang inisin ako. Sa tingin niya ba madali akong mainis?.
"Mae, mag-ingat ka sa kanya," biglang singit ni Qin
Hindi ko siya pinansin, bagkus itinuon ko lang ang aking mga mata sa nurse na kaharap ko ngayon. Siya 'yong humarang sakin kanina nang papunta ako sa office ni kuya Nam. Kaya pala iba ang pakiramdam ko ng makausap ko siya kanina. Tsk, tauhan pala siya ni Zeke. Sayang siya, maganda pa naman kaya lang kalaban. Anong ginagawa sa mga kalaban? Edi pinapatay.
Inayos ko ang paghawak sa baril. Ngumisi itong muli. Ano ba siya aso? Tsk, hindi siya cute, maganda lang.
Umatras ako ng konti habang nakatutok parin sa kanya ang aking baril. Gumalaw din siya sabay bitaw ng kanyang hawak. Doon ko nakita ang isang dagger ng kanyang kanang kamay. Tiningnan niya ako ng nakakaloko dahil doon napangisi ako ng parang demonyo. Dahil doon nanlaki ang mga nata nito.
Walang kumikibo saming dalawa. Ang tahimik ng buong silid.
"Alam mo, kung ako sayo magsasalita na ako. Wag kang mag-alala hindi kita papatayin. Basta aminin mo lang sakin kung sino ang nagutos sayo at doon pwede ka ng umalis dito," mahinahon kong sabi sa kanya, hindi siya kumibo. "Kilala ko si Zeke, kapag may kailangan siya sa isang tao mabait ito. Pero kapag wala na siyang kailangan dito, alam mo ba kung anong ginagawa niya sa taong 'yon? PINAPATAY. Para hindi na siya magsalita," wika ko sa kanya ba ikinatingin nito sakin ng matalim
"Hindi ganyan si Zeke," matapang na sagot nito sakin
"Aiyo, talaga ba? Paano ka nakakasigurado?," walang emosyon kong tanong sa kanya
Bigla itong napayuko.
"Mabait si Zeke, siya ang tumulong sakin no'ng nangangailangan ako ng pera. Kung hindi dahil sa kanya patay na siguro ang nanay ko ngayon," emosyonal nitong sagot. Bigla akong natahimik sa sinabi nito. "Kaya paano mo nasasabi na masama siya huh? May masama bang tao na tumutulong sa kapwa?" malakas na sigaw nito sakin, bakit hindi ako makasalita.
Sa totoo, alam kong mabait si Zeke. Palagi siyang tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Kaya naman hindi ko masisisi ang babaeng ito.
"Mae! Wag kang makinig sa kanya. Binibigyan ka lang niya ng dahilan para hindi mo siya magawang saktan, pero kapag sa oras na manghina ka diyan papatayin ka niya," rinig kong sigaw sakin ni Qin Sang. Tama siya, ginagawa niyang dahilan ang mga ito. Siguro alam niya na isa ito sa kahinaan ko.
Agad akong napalingon sa kanya. Nakayuko pa rin ito.
"Alam mo ba na hindi sa lahat masasabi na mabait ang isa tao. Porket tinulungan ka nya, mabait na siya. May mga taong ginagamit ang paraan na 'yan upang mapadali ang pagkuha ng loob nila. Kagaya mo, napaniwala ka niya," sabi ko na ikinatingin niya sakin. Nanlilisik ang mga mata nito, parang gusto niyang pumatay.
"Ano bang alam mo?" tanong nito
"Marami..bata palang ako kilalang-kilala ko na si Zeke. We treat him as our father when our parent's died, ten years ago," panimula ko
Napatingin sakin si Qin, alam kong hindi pa niya ito alam.
"Tapos?" saad nito
Naglakad ako patungong bintana at doon tumungin sa labas.
"We accept him as our father. We love him so much. He always protecting me and my sister from danger. But, all of that is gone when we found out the truth," mahinahon kong pahayag
Gustong tumulo ng aking mga luha habang binabanggit ang mga katagang iyon. Pero kailangan kong pigilan dahil hindi ito ang tamang oras upang umiyak.
"What truth,?" mataray na tanong niya
Nakatingin parin ako sa labas ng bintana. Tinatanaw ko ang magandang tanawin mula dito.
"We found out that Zeke is the mastermind of the group who killed to our parents." she gasped in shocked. "Una, hindi ako naniwala dahil nakasama namin siya ng maraming taon, pero nang si Min na ang nagsalita— she's my sister. Doon na ako naniwala. Masakit ang ginawa niya alam mo ba. We treat him as part of our family, but we didn't know that he's the one who killed to our parents. Para akong bulkan na sasabog noong oras na 'yon. Gusto ko siyang patayin pero naunahan ako ng kapatid ko. Min killed him, yun ang alam namin. Pero nagkamali pala kami, buhay pa pala siya, na sa ngayon binabalak na kaming papatayin sa mga tauhan niya, isa ka na roon," emosyonal kong sabi sa kanya
[Ting...]
Bigla akong napalingon sa kanya. Nakita ko na binitawan nito ang dagger na hawak niya kanina pa.
"P-pero b-bakit ang bait niya sakin?" utal nitong tanong
"Dahil may kailangan siya sayo," sagot ko, napatingin siya sakin. "Iyon ay ang patayin kaming dalawa ni Qin Sang," dugtong kong sabi na ikinalaki ng kanyang mga mata
"K-kung ganon..k-kailangan niya lang ako dahil doon?" hindi makapaniwala nitong tanong
Tumango ako bilang sagot.
"A-anong gagawin ko? T-tiyak na papatayin niya ako kapag hindi ko kayo pinatay," kinakabahan nitong sabi
"Kahit hindi mo kami mapatay, papatayin ka rin niya. Sa oras na wala ng halaga ang isang tao sa kanya. Wala na rin halaga ang buhay nito," makahulugan kong sabi
"A-anong g-gagawin ko," nanginginig nitong sabi
Agad akong lumapit sa kanya sabay tapik sa balikat nito, na ikinalingon naman niya sakin.
"Ngayon na alam mo na ang totoo, tutulungan ka namin. Basta tulungan mo kaming makaalis dito," saad ko sa kanya na ikinangiti nito
"Walang problema," masigla nitong sagot
Naglakad ako palapit kay Qin Sang.
"Mae!" tawag nito sakin
"Oum," sagot ko naman
"Meron akong naisip na plano," wika nito na ikinalingon namin sa kanya
"A-ano namang plano yan?" utal kong tanong. Iba kasing mag-isip ng plano ang babaeng 'to.
"Hindi ba ang ipinunta niya satin ay turukan ako ng lason?" panimula nito
"Oo, Wait! don't tell me plano mong magpaturok," gulat kong sabi
"Tch, hindi nuh! Sa tingin mo tanga ako," mataray na sabi nito
"Eh, ano ang plano mo?" taka kong tanong
"Madali lang naman. Imbes na lason ang iturok sa'kin, palitan natin ng pampatulog. Yung kapag tiningnan ka hindi ka humihinga," saad nito na nagpagulat sakin
"Meron ba no'n?"
"Meron po," biglang sabad ng nurse. Nakalimutan ko nandito pa pala siya.
"Sandali lang huh, ano nga pala pangalan mo?" bigla kong tanong dito
"A-ako nga po pala si Ashley," pakilala nito
"Okay Ashley, pwede mo bang dalhin samin ang pampatulog na gusto nitong kaibigan ko," utos ko sa kanya
"Opo, kukunin ko lang po sa office ni doctor Nam," sagot nito
"Sige, bilisan mo lang huh," sabi ko
Tumango ito bilang sagot. Agad itong lumabas ng silid.
"Sigurado ka ba sa plano mong ito? Baka magsisi ka," turan ko sa kanya
"Wag kang mag-alala Mae, plano ko naman ito. Kaya kung may masamang mangyari, hindi kita sisisihin," nakangisi nitong sagot
"Aba't parang tinatakot mo ako sa salita mong 'yan?" talim kong tingin sa kanya
Bigla itong natawa. "Oh! Bakit ka natatawa diyan?" takang tanong ko sa kanya
"Eh, kasi naman, imbes na matakot ako sa tingin mong yan, hindi. You look like a dog," pambibiro nitong sabi
Dahil sa sinabi nito imbes na mainis lang ako nagalit ako.
"I'm not a dog," pagalit kong sabi
"Hahaha, chill. Hindi ka naman mabiro. Your not a dog but a cat," pagbawi nito
"Tsk, cat is okay for me than a dog. I hate dogs okay," mataray kong sabi
"You know wha—" hindi nito natapos ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang nurse na parang hinabol ng aso.
"Oh, bakit ganyan itsura mo?" pagtataka naming tanong ni Qin
"M-muntik na k-kasi akong m-mahuli," habol hinga nitong sagot
"Aish, buti hindi ka nahabol," saad ko
"Kaya nga po eh,"
"Nakuha mo ba ang pinapakuha namin?" biglang tanong ni Qin sa kanya
"Heto po, dalawa na po ang kinuha ko para may extra tayo," sabi nito sabay abot ng dalawang maliit na bote
"Good," sabi ko
"Okay Ashley, iturok muna sakin ang isa," biglang sabi ni Qin sa kanya. Tiningnan ko naman si Ashley, kita ang takot sa kanyang mga mata.
"May tiwala kami sayo, sana hindu mo putulin," singit kong sabi
Agad niya namang kinuha ang isang bote sabay turok ng karayom at agad itong itinaas sabay pitik ng konti sa may talim nito.
"Parang kagat lang naman ng langgam ang mararamdaman mo," saad nito ng nakahawak na ito sa kamay ni Qin
Kinakabahan ako sa gagawin namin. Ito kasing si Qin, magiisip na nga lang ng plano delikado pa. What if, hindi na siya magising sa pagkakatulog nito dahil sa gamot na itinurok sa kanya ni Ashley.
"Maya-maya lang tatalab na ang gamot, kaya humanda na kayo," saad nito
Bigla akong tumayo. "Sa labas muna ako, kailangan kong umarte na walang alam. Ikaw na bahala dito Ashley," sabi ko
"Mag-iingat ka sa labas, maraming tauhan si Zeke," bilin nito sakin nginitian ko lang siya
Lumabas na ako ng kwarto, kunwari pupunta akong restroom. Sa totoo, pupunta talaga ako. Kanina pa kasi ako napapaihi, pinipigilan ko lang. Nang nasa loob na ako ng CR, agad akong pumasok sa isang available na cubicle. Habang umiihi ako, biglang tumunog ang phone ko. Someone texting me, that's why i read it.
[She's now sleeping..]
Okay, nakatulog na siya. Mabuti pa lumabas na ako dito. Nang bubuksan ko na ang pinto ng may biglang pumasok na mga babae, kaya naman nagtago muna ako.
"Alam niyo ba, may pinatay si Ashley sa room?" rinig kong sabi ng isang babae
"Oo nga eh, sakto namang lumabas ang kasama ng pasyente sa loob," wika naman ng isa
"Kawawa naman no'ng pasyente," wika ng naman ng isa
"Mas kawawa yung pamilya na naiwan ng pasyente," saad naman ng isa
Tsk, kung alam niyo lang ang totoo. Hindi naman talaga patay ang pasyente na sinasabi ninyo. Agad akong lumabas kaya napalingon sakin ang mga babae. Hindi ko sila pinansin bagkus agad akong lumabas ng CR at naglakad na pabalik ng kwarto.
Hindi kalayuan bigla kong natanaw ang maraming tao sa labas ng silid ni Qin. Kaya naman agad akong tumakbo papunta doon.
"Excuse me, paraan po ako," sabi ko sa mga taong nakaharang sa daanan
Pinadaan naman nila ako. Doon ko nakita si kuya Nam.
"What happened?" bungad kong tanong sa kaniya
Bigla siyang natahimik. "Doctor Nam, tell me. What happened?" mahinahon kong tanong
"Mae, I'm sorry but Qin Sang..." pagbibitin nitong sabi
"Sabihin mo ng diretso," giit kong sabi
"Qin Sang is dead," mahinahon nitong sagot na ikinabigla ko
"Sabihin mo sakin na nagbibiro ka lang," naghihina kong sabi
"No, I'm not. According to our examine ang naiturok ng nurse sa kanya ay...lason" bigla akong nagulat sa sinabi nito
"Nasaan ang nurse na tinutukoy mo?"
Biglang nagpakita si Ashley sa harapan ko.
"P-pasensya na M-mae, hindi ko alam na may pumalit sa mga gamot," mangiyak-ngiyak nitong sabi
"What do you mean?" naguguluhan kong tanong
"Nang makita ko ang lalagyan, same lang siya sa iniutos niyo kanina. Hindi ko naman inalam kung tama ba ang laman nito, kasi nga pareho ang lalagyan ng sinasabi ninyong gamot. Agad ko itong kinuha ng mabilis d-dahil...nakita nila ako," paliwanag nito na ikinanlisik ng mga mata ko
"Ibig mong sabihin, lason ang lamang ng boteng 'yun?" malakas at nanginginig kong tanong
"O-oo," tipid nitong sagot
Bigla akong napaupo sa sahig.
"M-mae," tawag sakin ni kuya Nam pero hindi ko siya pinansin bagkus umiyak na lamang
Ano bang plano ang nagawa namin. Paano ko ipapaliwanag kila kuya Xian ang nangyari? Tiyak akong masasaktan siya sa oras na malaman niya ito.
Imbes na lakasan ko ang aking sarili, bigla na lang akong naghina. Sinabi ko na, masama ang kutob ko. Qin Sang, bakit kasi yun pa ang naisip mong plano. Bakit pa kasi ako pumayag.
Tumayo ako bigla at agad nagtungo sa loob ng kanyang silid. Doon ko napansin ang katawan niya na kulay violet. Dahil doon mas lalo akong umiyak. Wala akong pakialam kung may nanunuod. Kunan pa nila ako ng litrato, ipost pa nila sa social media.
Hinawakan ko ang kamay niya na ngayon ay ang lamig na. Napalingon ako kay Ashley.
"Ikaw ang pumatay sa kanya, nagtiwala kami sayo pero pinutol mo 'yon. Sana kanina pa kita pinatay, sana hindi na kita binigyan ng pagkakataon na mabuhay. Kasalanan mo ang nangyari sa kaibigab ko. Ikaw ang pumatay sa kanya, ikaw!" malakas na sigaw ko sa kanya
"M-mae," wika nito sa pangalan ko
"H-hindi kita m-mapapatawad, pagbabayarin mo ang ginawa mo sa kanya,"
💕💕END OF CHAPTER 59💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.