"Hatred and Sorrow of the Mafia Empresses"
Written by: @LadyTorment
Chapter 58: Escaped
[Mae Shin POV]
"It was Ze-" magsasalita pa sana si Feng Yan ng may biglang bumaril sa kanya kaya naman agad kaming lahat ay napadapa.
Hindi ko alam kung sino ang bumaril.
"Feng Yan, are you okay?" may pag-alalang tanong ni Xian sa kanya
Lumingon naman si Feng sa kanya at nginitian ito.
"I'm okay, daplis lang naman ito," sagot nito
"Sino ba kasi ang bumaril?" tanong ni Li Zi Feng
Agad naman akong tumingin sa ibang direksyon. I'm sure, nagtatago lang ang taong may gawa nun. Tumingala din ako sa itaas, imbes ang makita ko ay kalaban, si Qin Sang ang aking nakita. Anong ginagawa ng babaeng ito dito? Paano nya kami nasundan.
Lumingon din sya sa baba kaya naman nagtama ang aming mga mata. Sa hindi ko inaasahan ngumiti ito na tila may binabalak na masama. Hindi ko pa nga nakikita si Elle, wala pa kaming weapon.
"Mae, anong gagawin natin?," biglang tanong ni Tian Qi sa'kin. Nagisip naman ako ng plano.
"Xian, protektahan ninyo si Feng Yan. I'm sure, siya ang gustong patayin ng taong bumaril kanina," sabi ko sa kanya
Tumango naman siya.
Binalik ko ang aking tingin sa itaas ng kisame, binigyan ko ng nakakatakot na tingin si Qin Sang. Ngumisi naman ito pabalik.
"Makinig kayong lahat. Tatayo ako bigla kapag may bumaril dumapa ulit kayo. Kapag wala, tumakbo kayo palabas, isama ninyo si Yijun," saad ko sa kanila na ikinatango naman nilang lahat
"Bibilang lang ako ng tatlo, humanda kayong lahat. Kailangan nating makalabas dito ng buhay," bilin ko sa kanila
"May tiwala kami sayo Mae," saad ni Xain sakin
"Isa...dalawa..tatlo..GO!"
(Gun Shot..)
Walang bumaril sa amin dahil sa tulong ng nasa itaas. Tumakbo silang lahat sa labas habang ako naman naiwan dito sa loob. Nakadapa parin ako, naghihintay sa susunod na gawin ng kalaban.
"Ano pa ba ang ginagawa mo diyan? Dadapa ka na lang ba dyan habang ang mga kaaway ay parating na," biglang sabi ng pamilyar na boses, agad naman akong tumayo at nilingon sya.
"Hinihintay lang kita bumaba," walang emosyon kong sagot
"Parating na sila, kaya doon tayo sa second floor dadaan," sabi nito na ikinasangayon ko naman
Tumakbo na kami paitaas. Naririnig na kasi namin ang mga yapak ng mga kaaway.
"Saan tayo dadaan dito?" Bigla kong tanong ng makarating na kami sa itaas.
Nakita ko syang naglakad papalapit sa bintana. Agad niya naman itong binuksan.
"Dito tayo dadaan. Walang mga kaaway na makakakita sa atin kapag dito tayo dumaan," wika nito
"Tatalon ba tayo?" pataray kong tanong
"Kung gusto mong tumalon sige, basta ako gagamit ng tali," pilosopo nitong sagot
"Tsk, mauna ka ng bumaba," wika ko sa kanya
"Ikaw na muna Mae, susunod ako," saad nito
Wala naman akong magagawa, baka magaway pa kami dito.
"Sige, magiingat ka dito," sabi ko
Ngumiti naman ito bilang sagot.
Agad akong bumaba gamit ang lubid. Dahan-dahan ako sa pagbaba, baka bigla akong malaglag at marinig pa ng mga kalaban ang daing ko.
Nakababa ako ng walang ingay, nagtago ako sa itaas ng puno habang hinihintay na bumaba si Qin Sang. Nakita ko siya mula rito, pababa na sya. Nakaapak na sya sa lupa ng may biglang bumaril sa kanya.
"Shit! Anong gagawin ko? Wala pa naman akong hawak na armas," sabi ko sa sarili ko
Nakahiga siya sa lupa habang hawak ang braso nito na natamaan ng bala ng baril. Sandali, bigla akong hinawakan ni Qin sa may bewang kanina bago ako bumaba.
Kinapa ko naman ang bewang ko at doon ko nahawakan ang isang baril. Wala akong napansin na may hawak pa syang isang baril. Isa lang naman ang nakit ko na hawak nito. Wag ko munang isipin yun, kailangan kong iligtas si Qin Sang habang maaga pa. Kinuha ko ang baril na nasa bewang ko, inayos ko ang pagkaupo ko dito sa itaas ng puno at saka ko tinutok sa kalaban ang baril at agad kinalabit ang gatilyo.
"HEADSHOT!!" nakangisi kong sabi
Nang makita kong nakahiga na ang kalaban sa lupa, agad akong bumaba sa puno at tumakbo palapit kay Qin Sang. Nang makalapit na ako sa kanya, napansin kong puno ng dugo ang kanyang damit.
"Ate, are you okay?," kinakabahan kong tanong sa kanya
Tiningnan niya ako habang nakangiti.
"Good job..You kill that guy," saad nito sa akin
"Tsk, mamaya mo na ako purihin. Kailangan nating makaalis dito habang hindi pa sila nakakarating sa labas," sabi ko sa kanya
Agad ko syang inakay patayo. Ang bigat nya sobra, parang mababali ang buto ko sa kabigatan niya.
Binilisan namin ang paglalakad, dahil pakiramdam ko may sumusunod samin.
"Sorry ate Qin, pero kailangan natin tumakbo. Kaya mo ba?" tanong ko sa kanya
Tumango naman ito bilang sagot.
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makalapit kami sa kotse nya. Isinakay ko na siya, ako ang magda-drive.
Hindi na ako nagdalawang isip, pinatakbo ko na ng mabilis ang kotse. Wala akong pakialam kung mabilis na ang patakbo ko. Ang nasa isip ko ngayon, ay makalabas kami sa lugar na ito. Habang nagmamaneho, bigla kong na alala si Elle, hindi ko siya nailigtas. Sana okay lang siya. Sana hindi siya saktan ng mga tauhan ni Yijun. Babalik ako para iligtas siya, sana hintayin niya kami.
"Aish, nakakainis!" biglang sabi ni Qin Sang
Napalingon ako sa kanya maging sa sugat nito.
"I think, we should go in the hospital," saad ko sa kanya na ikinalingon naman nito sakin
"bu shí, (No)" sagot nito gamit in Chinese language
"Wèishéme? (Why?)," tanong ko sa kanya in Chinese language
"I don't like doctors," giit nitong sabi
"Why?" taka kong tanong sa kanya
"Basta! Wag ka ng magtanong pa diyan, umuwi na tayo," sabi nito
"Ano pa nga ba ang magagawa ko, ikaw na mismo nagsabi na ayaw mong pumunta ng hospital. Okay fine, pero wag ko lang malaman-laman na umiiyak ka mamaya dahil sa sakit," pananakot ko sa kanya na ikinasama ng tingin nito sakin
Alam ko kasi kung paano sya mapapayag.
"Fine! Deritso mo ng hospital," saad nito
Oh 'di ba, napapayag ko siya.
Agad ko naman pinatakbo ng mabilis ang sasakyan papuntang hospital. Doon ko siya dadalhin sa hospital namin, ligtas doon.
"Akala ko may malapit na hospital dito, bakit parang ang tagal natin makarating?" puno ng pagtatakang sabi ni Qin sa'kin
"I don't trust that hospital. Baka sabihin nila na nandoon tayo. We need to be more be careful," saad ko sa kanya na ikinatango naman nito
Hindi nagtagal nakarating din kami sa hospital. Agad naman siyang inasikaso ng nurse, habang ako naman pumunta sa office ni Doctor Nam. Habang naglalakad ako sa hallway, napansin ko ang ibang nurse ay panay tingin sakin. Hindi yata nila ako kilala, baguhan yata sila dito. Sa bagay, ilan lang naman sa kanila ang nakakakilala sakin dito.
"Ma'am, saan po kayo pupunta?" biglang tanong ng isang nurse, napahinto naman ako sa paglalakad at agad siyang tiningnan ng nakakatakot
"Bibistahin ko sana si doctor Nam," sagot ko sa kanya
"M-may appointment po ba kayo sa kanya?" tanong nito
"Nurse, hindi kailangan ng appointment para makausap ko siya," sagot ko
"Pero 'yon po kasi ang ibinilin niya samin kanina," sagot nito
"Kilala mo ba ako? Ako lang naman si Mae Shin Han, ang may-ari ng hospital na ito. Kaya sabihin mo, kailangan ko pa ba kumuha ng appointment para makausap siya?" pataray kong sabi sa kanya na ikinayuko naman nito
"S-sorry po m-miss Han, hindi ko po k-kasi alam na kayo po pala yan," utal-utal nitong sabi
"Baguhan ka siguro dito," sabi ko
"O-po," utal nitong sagot
"Kung ganon, ipapaliban ko muna ang kasalanan mo," sabi ko dito
"S-salamat po miss Han. Pangako po hindi na mauulit,"
"Pwede na ba akong makadaan?"
Agad naman siyang umalis sa daanan.
"Thank you," wika ko
"Sandali lang po miss Han." tawag nito ulit
Hindi ko siya nilingon.
"May sasabihin ka pa ba?"
"May dalaw po ngayon si doctor Nam, baka po maistorbo niyo sila," saad nito
Humarap ako sa kanya sabay ngiti ng peke.
"Salamat sa impormasyon, hindi naman ka agad papasok hangga't hindi pa lumalabas ang kausap niya," sabi ko
"Okay po,"
Naglakad na ako papuntang office ni kuya Nam. Sino naman kaya ang nagdalaw sa kanya? Hindi naman pwede sila auntie at uncle, nasa Beijing sila ngayon.
Nasa tapat na ako ng office nito ng biglang may nahagip ang mga mata ko. Actually, kita ang loob ng officer ni doctor Nam, kaya lang ngayon tinakpan ng kurtina para hindi kita ang loob. Dahil sa linaw ng mga mata ko, nakita ko ang taong kausap niya ngayon.
"Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? Bakit kinakausap niya si kuya Nam?" tanong ko sa aking sarili
Lumapit ako sa may pinto, pinakinggan ang pinaguusapan nila. Hindi naman soundproof ang office niya kaya maririnig ko talaga ang pinaguusapan nilang dalawa.
"Nam, kapag pumunta dito si Mae na may kasamang kaibigan na nagngangalang Qin Sang, pwede mo bang sabihib sa'kin?" rinig kong sabi nito kay kuya Nam
Baliw na talaga ang matandang 'to, una si Elle tapos ngayon si Qin Sang naman. Ano ba talaga ang binabalak niya huh?.
"Bakit mo ba kailangang malaman?" takang tanong sa kanya ni kuya Nam
"Kaaway kasi namin ni Mae ang babaeng 'yon. Actually, she's a traitor in her team. That's why, you need to inform me about her," wika nito
"You know what uncle Zeke, why don't you try to call Mae about that? I'm sure, she will listened to you," doctor Nam said
"You know what Nam. Mae is change because of that girl. Kung ano-ano na ang pinagsasabi nito sa kababata mo, kaya ayon naniniwala naman ka agad siya dito," wika nito
BIG LIAR!
"Okay, sasabihan kita kung pumunta dito si Mae. But now, may pasyente akong kailangan pumuntahan," biglang sabi nito
"Hindi naman na ako magtatagal, may meeting din akong kailangang pumuntahan. Kaya maiwan na kita,"
Agad akong tumakbo papasok ng kabilang kwarto. Sumilip ako maliit na butas, doon nakita ko siyang lumabas.
Lumabas na din ako sa kinatataguan ko.
"Narinig mo ba ang sinabi niya?" biglang sabi ng pamilyar na boses sa likuran ko kaya naman agad akong humarap sa kanya
"K-kuya N-nam," utal kong sabi
"Don't worry, I'm on your side. Hindi niya ako maloloko," saad nito
"Thank you kuya," nakangiti kong sabi
"Sige na, puntahan muna si Qin Sang. Baka makita pa siya ni Zeke, malaking problema yan," wika nito
"Salamat ulit kuya, dadalawin kita sa susunod na araw," wika ko sa kanya habang tumatakbo pabalik sa kwarto kung saan na aasign si Qin Sang
Kumuha kasi ako ng kwarto para sa kanya para hindi siya agad makita. Hindi naman talaga malala ang sugat nya kaya lang ayokong makita siyang umiiyak habang nililinisan nito mag-isa ang sugat niya.
Nasa tapat na ako ng kwarto niya, agad naman akong pumasok. Nilock ko agad ang pinto para 'di agad makapasok ang kalaban kung malaman nga nilang nandito kami.
"Oh, bakit nagmamadali kang pumasok? May nangyari ba?" bungad nitong tanong sakin ng makalapit ako sa kanya
"Kailangan na nating umalis dito," saad ko sa kanya na ikinataas naman ng kabilang kilay nito
"Aba't bakit naman? Kararating lang natin dito, hindi ba ikaw mismo nagsabi sakin na kailangan kong magpagamot. At ligtas tayo dito," sunod-sunod nitong sabi
"Oo nga sinabi ko nga na dito tayo magpapagamot, pero-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng may biglang kumatok sa pinto, kaya naman agad kong hinugot ang dagger na nasa sapatos ko.
"Dito ka lang Qin, wag kang aalis," bilin ko sa kanya, tumango naman ito.
Naglakad ako papuntang pinto. Hindi parin tumitigil sa pagkatok ang taong 'to.
"Sino 'yan?" tanong ko
"Ma'am, inutusan po ako ni doctor Nam na tignan ang pasyente na nasa loob," sagot nito
Agad ko namang binuksan ang pinto. Siya yung kaninang nurse na humarang sa dinadaanan ko.
"Nasaan po siya?" tanong nito
"Nasa loob nakahiga," sagot ko
Naglakad naman ito palapit kay Qin, Agad kong nilock ang pinto at sumunod naman ako sa kanya, wala kasi akong tiwala sa babaeng 'to. May masamang pakiramdam ako sa kanya simula kanina pa.
"Ma'am, lilinisin lang po natin ang sugat niyo," saad nito kay Qin
Tiningnan naman siya ni Qin ng pagtatakang tanong.
"Kalilinis lang ng sugat ko kanina, kaya bakit mo ulit lilinisan?" takang tanong ni Qin dito
"Kasi po 'yon ang utos sakin ni-" hindu ko siya pinatapos sa kanyang sasabihin ng mapansin kong mag hawak syang dagger sa kanang kamay
Agad ko naman tinutok sa kanyang ulo ang hawak kong dagger.
"Wrong move, my dear,"
💕💕END OF CHAPTER 58💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.