I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

276K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 40

509 11 2
By Eccedentisiann

Sabay naming pinagmamasdan ni Jacob si Mateo na mahimbing ng natutulog ngayon. Andito kami sa labas ng kan'yang kuwarto, nakasilip sa maliit na salamin ng pinto.

Naawa ako sa kan'ya dahil siya ang dumadanas nito imbes na ako. Nag aalala din ako kay Tita kung maayos na ba siya, hindi ko kaya kung may nangyari pa ulit sa kanila dahil sa akin.

Nabaling ang tingin ko kay Klea na natutulog sa tabi niya habang hawak hawak ang kan'yang kamay. Sariwa pa rin ang sinabi ni Jacob sa akin na may gusto rin sa kan'ya si Mateo noon.

Iniisip ko rin kung gaano ko nasaktan si Klea nang malaman niyang may relasyon kami ni Mateo. Ano ang nangyari sa kanila noon? Bakit halos hindi sila magpansinan ngayon? Tama nga din ang usap usapan na nasira ang pagkakaibigan nila dahil hindi matanggap ni Jacob na may relasyon sila noon.

Ang daming katanungan sa isip ko, kung paano niya ako nagustuhan, mahal niya nga ba talaga ako? Ginamit niya lang ba ako dahil magkaibigan kami ni Klea? O hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya sa kan'ya kaya nagkikita silang dalawa ng hindi ko alam?

Habang nakatingin sa kanilang dalawa ay hindi ko maiwasang magselos. Sa kabila ng lahat at mahal ko pa rin siya. Napaiwas na lamang ako ng tingin at pinaglaruan ang daliri ko para pigilan pumasok baka magkagulo ulit pag ginawa ko iyon.

Sana ay maalala niya na ako.

"You need to rest now Samantha," sabi ni Jacob.

Dahan dahan akong tumango. Nang makarating kami sa tapat ng aking kuwarto ay sensyasan ko siya na hanggang dito nalang ako.

"Salamat," malamig kung sabi.

Nakatitig lamang siya sa akin, kaya gamit ang aking kamay ay inilagay ko ito sa gulong ng wheelchair para itulak na papasok.

"Samantha," tawag niya pero tuloy tuloy lamang ako sa pagpasok.

Imbes na humiga na ako ay pumunta ako malapit sa bintana upang doon nalang pagmasdan ang mga bituin sa langit.

Dahan dahan kung itinaas ang kanang kamay at pinaradaman ang kamay doon ni Mateo habang nag star gazing noon. Muling bumalik ang mga masasayang araw kasama siya.

Kailan kaya ulit mauulit?

Nang makaraan ang ilang minuto ay bigla kung binaba ang aking kamay ng marinig ang boses ni Mama sa labas.

"Anak."

Lumapit sila sa akin at pinagmasdan ako.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" 

Tumango ako. "Kayo po nakapagpahinga na po ba kayo?"

"Hindi ako makatulog dahil iniisip kita."

Malungkot silang ngumiti at inikot ang wheelchair ko upang iharap muli sa bintana. Nasa likod ko sila at ramdam ko ang paghawak nila sa aking buhok.

"Namiss na kitang ipitan, tanda ko pa noong bata ka na hindi ka aalis ng bahay hangga't hindi ko naiipit ang buhok mo," mahinang natawa si Mommy kaya napangiti rin ako at inalala ang panahong iyon.

Ramdam ko na ang marahan nilang pag ipit sa buhok ko, sa sobrang rahan nun ay halos gusto ko ng matulog.

"May lalaki sa labas ng kuwarto mo anak, kaibigan mo raw siya," napamulat ako, hindi pa rin ba talaga siya umaalis.

"Humihingi siya ng tawad kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin siya kung ano ba ang nangyari," halong galit ang naramdaman ko sa boses nila.

Pinikit ko ng mariin ang mata ko para pigilan muli ang pagbagsak nang aking luha.

"Wag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari, aksidente ang lahat at wala kang kasalanan. Wag ka rin mag alala kay Belle dahil tumawag ako sa mga pinsan niya kanina at sa awa ng Diyos ay maayos na raw siya."

Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga nila at paghinto sa pag ipit ng aking buhok.

"Anak, alam kung patong patong na ang sakit na nararamdaman mo ngayon dahil sa nangyari. Hindi ko man alam ang buong istorya Anak, pero nanay mo ako, gusto kung malaman ang lahat para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman mo ngayon."

Tuluyan na akong napaluha, lumuhod si Mommy at tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa aking mukha.

"Iiyak mo lang lahat Anak, andito lang ako."

Ramdam ko ang pagyakap nila at paghagod sa aking likod.

"Hindi ako maalala ni Mateo, Mommy. Sabi ng Doctor na nagkaroon siya ng amnesia," pumiyok ako habang sinasabi iyon, hindi ko talaga matanggap.

Nanigas si Mommy dahil sa sinabi ko.

Umiiyak lamang ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako, nahihiya ako kay Mommy dahil ngayon lang ako naging ganito sa kanila. Halos mahapdi na rin ang mga mata ko dahil sa pag iyak.

"Mas lalo akong nasasaktan Anak pag nakikita kitang umiiyak, wag kang mag alala makakaalala rin siya," titig na titig sa akin si Mommy kaya napayuko lamang ako.

"Meron ka pang hindi sinasabi sa akin, anong nangyari sa inyo ni Klea?"

Kinagat ko ang labi ko, ano kaya ang magiging reaksyon ni Mommy pag nalaman niya ang totoo.

"Hindi ko alam na si Mateo ang tinutukoy niyang lalaking gusto niya Mommy. Matagal na pala silang magkakilala pero hindi ko po alam. Ayaw kung masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko Mommy. Galit na galit siya sa akin dahil sa situwasyon ngayon ni Mateo."

"Wala siyang karapatan para magalit sayo," galit na sabi ni Mommy. " Matagal na silang magkaibigan pero hindi mo alam?"

Dahan dahan akong napatango.

"Kailan pa nag umpisa ang pagkagusto ni Klea sa kan'ya?" sunod na tanong ni Mommy.

"Mula pa po nung bata pa sila. They are childhood friends, Mommy."

Tumahimik si Mommy sandali bago ulit nagsalita. "Ikaw ang may karapatan na magalit at hindi siya! Kung una pala ay sinabi niya na si Mateo ang tinutukoy niya ay hindi ito mangyayari. Pero anong ginawa nila? Inilihim nila sayo ang totoo? Anong rason para gawin nila sayo ito?!"

Agad kung hinawakan ang kamay ni Mommy dahil nanginginig sila sa galit. Tila nagsisi na sana ay inilihim ko na muna sa kanila.

"Nangako sa akin si Mateo na hinding hindi siya magtatago ng sikreto sayo. Sa nangyari ngayon ay tila nasira ang tiwala ko sa kan'ya. Mula ngayon ay iiwasan mo na siya."

Nanlaki ang mga mata ko at umiling iling.

"Mommy," muling bumuhos ang luha ko.

"Pasensya Anak pero galit ako sa kanilang dalawa! Alam kung iniligtas ka ni Mateo na kahit papaano ay nagpapasalamat ako sa kan'ya dahil hindi ko kakayanin pag ikaw ang nawala sa akin. Pero Nanay mo ako anak mas doble ang sakit na nararamdaman ko nang nalaman ko ang lahat kaya bakit nangyari ang lahat ng ito."

"Mommy, ako po ang may kasalanan kung bakit nangyari ito. Kung hindi po sana ako tumakbo hindi mangyayari ito."

"Anak wag mong sisihin ang sarili mo!" galit na sabi ni Mommy at muli akong yinakap.

"Hindi ko po kakayanin na wala po ako sa tabi niya."

"Magpahinga ka na anak dahil anong oras na," pagbabago nila ng usapan.

Wala akong nagawa nang inalalayan na nila ako papunta sa kama.

"Mommy," ulit ko at hinawakan ang kamay nila.

Alam kung galit na galit si Mommy kay Mateo, ng marinig ang sinabi nila ay tila triple ang sakit na naramdaman ko. Gusto ko na ako ang nasa tabi niya, gusto kung tulungan siya para makaalala siya.

"Matulog ka na," tumayo na si Mommy at pinatay ang ilaw.

Impit lamang akong napaiyak, sana paggising ko ay maging maayos na ang lahat. Sana mapatawad ni Mommy si Mateo.

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa boses na aking narinig. Bumungad sa akin si Mommy na kausap ang Doctor.

"Salamat Doc," rinig kung sabi ni Mommy.

Bumangon na ako at halos hirap kung idilat ang aking mata dahil sa pamumugto nito kakaiyak.

"Good morning Anak, sabi ng Doctor ay baka pwede ka ng makalabas mamaya. Hindi na raw natin kailangan hintayin ang dalawang araw para makalabas ka," masayang sabi ni Mommy at umupo sa tabi ko.

Makakalabas na ako mamaya pero si Mateo ay alam kung hindi pa siya pwedeng makauwi dahil kailangan pa siyang x-ray.

"Anong gusto mong kainin Anak?"

"Kahit ano nalang po Mommy."

"Sige, labas lang ako saglit bibili lang ako."

Maliit akong ngumiti at tumango, inaayos ko ang pagkakasandal ko kama at napalingon sa pinto.

Tumayo ako dahil gusto kung puntahan si Mateo upang makita kung gising na ba siya. Saglit kung sinilip mula sa pinto kung nakalayo na ba si Mommy, nang makitang wala na sila ay agad akong lumabas.

Hindi na ako nag abalang kunin pa ang wheelchair dahil kaya ko naman ng maglakad.

Habang papunta sa kuwarto niya ay napagilid ako dahil may mga Nurse at Doctor na nagsisitakbuhan. Napatitig ako sa sakay ng stretcher nang dumaan ito sa harap ko ay mas lalo akong napaatras ng makita ang lalaking halos puno ng dugo ang kan'yang mukha.

Muling pumasok sa aking isipan ang itsura ni Mateo bago ako mawalan ng malay. Napahawak ako sa dingding at huminga ng malalim.

Napalunok ako at muling sa pagpatuloy sa paglalakad. Nang malapit na ako sa kan'yang kuwarto ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

Mula sa pinto ay sinilip ko siya at nakitang wala siya ng kasama. Umuwi na ba si Klea?

Dahan dahan akong pumasok upang hindi siya magising, nanginginig ang paa ko habang papalapit sa kan'ya.

Napatitig ako sa kan'yang paa na naka cast. Kinagat ko ang aking labi at unti unting inabot ang kan'yang kamay.

Nang mahawakan ko ang kamay niya ay sobrang lamig nun.

"Baby, I'm sorry," tumitig ako sa kan'ya habang mahimbing siyang natutulog.

Inilagay ko ang kamay niya sa aking mukha at pumikit ng mariin kasabay ng paglandas ng aking luha.

"Ako to si Samantha, girlfriend mo. Sana ay hindi mo ako iniligtas, ako dapat ang nabangga at hindi ikaw. Sorry dahil sa akin ay nawalan ka ng alaala, pero gagawa ako ng paraan para bumalik ang alaala mo. Galit man ako dahil sa pagsisikreto niyo sa akin pero mahal pa rin kita."

Impit akong umiyak.

" 'Di ba nagpromise ako na manonood ako sa susunod na racing mo kaya magpagaling ka agad. Dito lang ako hindi kita iiwan."

Dahan dahan akong yumuko para halikan ang kanyang  noo. "I love you," mahina kung sambit.

"Samantha," tila namanhid ako ng marinig ang boses ni Klea.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago humarap sa kan'ya. Galit pa rin ang titig niya sa akin.

"Umalis ka na," lumapit siya at hinawakan ang braso ko.

"Klea nasasaktan ako," sabi ko at dahil doon ay agad niyang binitawan ang braso ko.

"Hindi ka na ba nadadala sa ginagawa mo?" galit niyang sabi.

Habang nakatitig sa kan'yang mga mata ay tila hindi ko na kilala ang Klea ngayon. Nagbago ang lahat sa kan'ya.

"Oo inaamin ko, ako ang may kasalanan ng lahat kaya nagsisisi ako kung bakit ako tumakbo. Kasalanan ko kung bakit andito tayong lahat sa hospital, sana ay hindi dinadanas ni Mateo ang lahat ng ito. Sana ay hindi siya nagkaroon ng amnesia."

Nakatitig lamang siya sa akin at saglit na sinulyapan si Mateo bago ako hinila palabas hanggang sa makarating kami hagdan na kung saan walang taong dumaraan.

"Buti naman at alam mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat," huminto siya at kita ko ang pagkuyom ng kan'yang kamao. "Ang tanga tanga mo Samantha hindi mo man lang naisip si Mateo bago ka tumakbo," halos nanggagalaiti niyang sabi.

"Bakit ako lang ba ang may kasalanan dito Klea?" halos hindi ko na rin matago ang galit ko sa kan'ya dahil sa paglilihim nila sa akin.

"Klea nasaktan din ako, gulong gulo ako ng malaman ko ang lahat. Hindi ko akalain na yung babaeng pinagseselosan ko ay nasa tabi ko lang pala."

Napaatras siya at kita ko ang pagkaseryoso ng kan'yang mga mata.

"Akala ko ba walang magtatago ng sikreto pero ikaw Klea may matagal na palang tinatago. Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na magkilala kayo ni Mateo. Bakit?! Kaibigan mo ba talaga ako?" agad kung pinunasan ang luha ko bago ulit nagsalita. "Sana ay sinabi mo Klea, sana sinabi mo una palang para hindi ako tuluyan mahulog sa kan'ya pero huli na ang lahat dahil mahal ko na siya."

Napahikbi ako at halos hindi ko siya makitang mabuti dahil sa nagsisiunahang mga luha ko.

"Anong rason kung bakit hindi mo sinabi sa akin?.Anong rason kung bakit hindi mo sinabing Faye ang totoo m---" hindi ako napatapos dahil sa sinabi niya.

"I'm an adopted child, Samantha."

Nanlaki ang mga mata ko.

"A..ano?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Hindi ko tunay na magulang sila Mommy at Daddy, lumaki ako sa bahay ampunan. Si Mateo ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon, binigyan niya ako ng pag asa para mabuhay ang Faye noon. Dahil sa kan'ya ay naramdaman ko kung ano ba ang pakiramdam nang magkaroon nang buong pamilya, kung anong pakiramdam nang mahalin nang ibang tao. Siya ang dahilan kung bakit nakilala ko sila Mommy at Daddy," hirap niyang sabi dahil sa pag iyak.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Sila Mateo at Jacob lamang ang nakakaalam kung ano ba ang buhay ko noon. Naiinggit ako sa mga taong kilala ang mga magulang nila, naiinggit ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang totoo kung magulang. Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng maging ulila, Samantha!"

Tuluyan siyang napaluhod kaya agad akong lumapit sa kan'ya para yakapin siya pero agad niya akong tinulak ng dahilan din ng pagkaupo ko.

"Klea."

"Mahal na mahal ko si Mateo, Samantha. Ayaw kung mawala siya, naiinis ako sa tuwing magkasama kayong dalawa. Ako dapat..ako dapat ang nasa tabi niya at hindi ikaw," sigaw niya.

"Hindi mangyayari ang lahat ng ito Klea kung sinabi mo sa akin noon pa man. Kaibigan mo ako Klea, halos kapatid na ang turing ko sa'yo. Sana sinabi mo ang nangyari sa'yo noon...sana sinabi mo na si Mateo ang lalaking iyon," balik kung sabi.

Nasasaktan ako dahil sa nangyayari sa aming dalawa ngayon. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong punto dahil kay Mateo.

"Gusto kung makalimutan ang nangyari noon. Gusto kung magsimula bilang Klea at hindi Faye na puro pasakit ang pasan sa mundo. Hindi ko sinabi sayo dahil natatakot ako na iwan mo ako o husgahan kung nalaman mo ang tungkol sa buhay ko noon," pang iiba niya.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kan'ya.

"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin?Huhusgahan kita dahil sa ampon ka? Klea hindi ako ganyang tao. Kilala mo ako!" napahawak ako sa aking dibdib dahil halos hindi na ako makahinga dahil sa pag iyak.

Natahimik siya, ilang segundo ang lumipas ng walang nagsalita sa aming dalawa. Tanging hikbi lamang naming dalawa ang naririnig ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Mateo ang lalaking 'yun?" ulit ko.

"Ako ang nauna at hindi ikaw," iyon lamang ang sinabi niya bago ako iniwan mag isa.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 178 45
Prim Montefalco is the uptight, Goody Two-Shoes daughter of Atty. Cyrus Montefalco, the only city prosecutor who managed to receive a Mayor's Award...
4.6K 422 33
Shaniah Kaye Javier, a girl who achieved her dream to be a doctor and at the same time continue her grandfather's legacy of being a military officer...
17.2K 675 65
Magkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalip...
2.1K 132 36
La Isla Prinsesa Series #2 Started Date: May 27, 2022 Ended Date: -