𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 40: The confrontation
[𝐌𝐚𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐕]
Buklat doon buklat dito. Kahit anong gawin ko wala parin akong mahanap na impormasyon tungkol sa mga bagong studyante na kinaiinisan ko ngayon. Kahit sa social media hindi ko makita kung saan sila galing. Anong trabaho ng mga magulang niya. Tila ba pinaghandaan na nila ito bago sila pumasok sa university.
"Miss Han, may nakita na po ba kayo.?" Biglang tanong ni Sofia habang nakatuon sa kaniyang loptop
Simula kanina, hindi na sila umalis sa office. Tinulungan nila akong maghanap, ayaw din kasi nila sa mga new students.
"Wala eh. Kahit sa social media wala akong mahanap kahit isang lead." Malumanay kong sagot
"Wag po kayong sumuko. Nakakatiyak akong makakahanap din tayo ng impormasyon sa mga 'yon." matapang nitong sabi
"OMG!!" Biglang sigaw ni Jasmine kaya naman napatingin kami sa kaniya
"What the hell! Bakit ka naman sumigaw Jasmine. Nagulat tuloy ako." Naghi-hysteria na sabi ni Andrea
"I'm sorry." Hingi nitong paumanhin
"Okay Andrea, ano bang ikinasigaw mo diyan? Halos masira muna ang mga eardrums namin." Tanong ko na ikinatingin naman nito sakin
Bigla siyang tumayo sa kinauupuan nito at agad lumapit sa akin. Sabay lapag ng kaniyanh loptop. Puno ng pagtataka ang makikita sa aking mga mukha.
"Tingnan niyo po ito Miss Han. I'm sure, ito na po ang hinahanap natin." Saad nito na ikinaliwanag ng mukha ko
Agad akong humarap sa loptop na nasa harapan ko. Gulat na gulat ako sa aking nabasa at nalaman na impormasyon.
"Sandali isa sila sa anak nang mga Mondejar. At hindi lamang iyon, sila ang tagapagmana nang mga yaman na meron sila ngayon." Manghang sabi ni Carla
Tsk, kung ganon sila ang mga anak ng pamilyang Mondejar, isa sa pamilya na pinaghihinalaan ko na kasangkot sa pagpatay sa aming magulang. Hindi ko akalain na sila pala ang papasok sa aking malaking hawla. Hindi na sila makakalabas pa dito.
"Paano yan miss Han. May mataas na katungkulan ang kanilang mga magulang. Kung kaya't mahihirapan tayong paalisin sila dito o di kaya naman bigyan sila ng punishment na nararapat na ibigay sa kanila." Nangangambang sabi Sofia saakin
Tiningnan ko sila ng nakangiti.
"Sinong nagsabi sainyo na pa aalisin ko sila sa university.?" Nakangisi kong sabi
Napansin ko ang pagbago ng kanilang mukha.
"Anong ibig niyong sabihin.?" Takang tanong ni Jasmine
Tumayo ako at naglakad patungong bintana. Nasilayan ko ang malaking ground ng aking paaralan. Maraming studyante ang pakalat-kalat sa labas.
"Mahilig talaga silang magcutting class. Kahit anong gawin ng mga SSG, hindi nila kayang kontrolin ang mga ito. Lalo pa na dumating ang mga magkapatid na Mondejar." Biglang sabi ni Andrea na may halong pangamba sa kaniyang kaloob-looban.
"Hindi ba sabi ninyo magkapatid na mga Mondejar lang ang nandito. Bakit may mga kasamahan silang lalaki na ngayon ko kang yata nakita.?" Dumako ang tingin nito sa labas na nagpasinghap sa kaniya ng makita niya ang tinutukoy ko
"H-hindi ito maaari—." Putol nitong sabi na animo'y gulat na gulat sa kaniyang nakita
Biglang lumapit ang mga kaibigan nito sa kaniya.
"Bakit Andrea? May problema ba.?" Nag-aalalang tanong nito sa kaibigan
"A-anong ginagawa nila dito?" tanong nito kaagad
Dumako ang tingin ko sa labas. Makikita mo kung gaano kasaya ang mga ito.
"Nila? Sino naman ang tinutukoy mo Andrea.?" Punong pagtatakang tanong ni Sofia sa kaniya
Agad na itinuro ni Andrea ang kinaroroonan ng mga bagong studyante. Sa oras ng yun biglang nabitawan ni Sofia ang kaniyang cellphone. Tiningnan ko ito, gulat na gulat ito. Parang nakakita ng multo.
"Ano bang nangyayari sainyo? Bakit ganiyan na lamang kayo kung magulat. May multo ba kayong nakita huh?" Mataray kong tanong, hindi sila sumagot bagkus nakatitig lamang sila sa labas. Pinapanood kung paano lumandi ang mga bagong studyante sa mga lalaking kasama nila.
"Miss Han, alam ko kung bakit ganiyan na lamang sila kung magulat." Biglang singit ni Jasmine
Hindi ko siya tiningnan. Gusto ko kasing panoorin ang mga magkapatid.
"Spill it."
"Ang mga lalaking kasama ng mga transferee ay ang mga dating kasintahan ni Andrea at Sofia. Apat na buwan ng iwan sila nito dahil sa hindi malamang dahilan. Bigla na lamang silang naglahong parang bula. Hindi sila nagpaalam sa mga kaibigan namin. Kahit sulat wala, kaya naman lubos ang pangungulila nila sa kanilang mga kasintahan kung kaya't ganiyan na lamang sila kung makapagreact." Pagkukwento nito
Ah kaya naman pala. Dating kasintahan nila ang mga lalaking yan.
"Hindi pa ba nila nakakalimutan ang mga walang kwentang mga lalaki na yan.?" Mahinahon kong sabi
"Sa tingin ko hindi pa. Mapapansin niyo naman sa reaction nila." Sagot ni Carla
"Gusto ko silang makaharap." Mapanghamon kong sabi
"M-miss Han! Wag niyong gagawin yan. Hindi niyo pa alam kung ano ang totoong pagkatao nila." Kinakabahang sabi ni Jasmine sakin
Nilingon ko siya. "Bakit? Ano bang pagkatao nila.?"
"Isa silang gangster. Nangunguna ang gang nila sa lahat ng mga gang. Delikado sila, kaya naman hinayaan na lang namin na iwan nila sila Andrea dahil hindi namin sila kaya." Sagot nito
Isang pala silang gangster. Parang gusto kong makipaglaro sa kanila ngayon.
"Kayong apat, sumama kayo sakin ngayon." Utos ko sa kanila na nagpabalik ng ulirat sa dalawa
"Huh? Saan naman po tayo pupunta.?"
"Tsk, sumunod na lamang kayo sakin. Nakakasigurado akong magugustuhan niyo ang gagawin ko." Mapanakot kong sabi
Kinuha ko ang dagger at shuriken na nasa loob ng bag ko. At agad naglakad palabas ng office, sumunod naman sila.
Naglakad na kami sa hallway, maraming studyante ang nasa labas ng kani-kanilang room. Wala ba silang balak na pumasok. Napatigil ako sa paglalakad at agad tiningnan ng matalim ang mga studyante.
"Papasok kayo sa room ninyo o itatapon ko kayo sa detention office.?" Malamig kong turan sa kanila na ikinatakot naman nila kaya naman mabilis silang tumakbo papasok ng kanilang classroom.
"Hayst! Ganiyan na sila simula ng dumating ang grupo ng mga yun." Malungkot na sabi ni Carla habang naglalakad
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakalabas na kami ng building. Tahimik kaming naglalakad walang nagsasalita.
"Hindi ba patungo ito sa garden.?" Panimula ni Andrea
"Oo nga, bakit dito tayo dumadaan?" Sabad ni Sofia
"Miss Han, hindi ba nasa hardin ang grupo nila.?" Saad ni Carla na ikinatingin naman nila sa kaniya
"ANO!?" Sabay-sabay nilang sabi
Hindi ko sila pinansin bagkus ipinagpatuloy ko parin ang aking paglalakad. Nais ko silang makaharap ngayon. Nasisiyahan kasi ako kapag gangster ang makakaharap ko. Magalinh sila makipaglaban, hindi boring.
"Miss Han, bakit tayo pupunta doon?" Kinakabahang tanong ni Sofia
Napahinto ako sa paglalakad.
"Wag kayong kabahan, nandito ako para protektahan kayo. Ipakita niyo lang na nakapagmove on na kayo at wala na kayong natitirang pagmamahal sa kanila." Saad ko
"P-pero—."
"No buts.. I just want to confront them and ask them why they left you. That's all, that's why don't be nervous." I said full of coldness in my voice even in my eyes
"Hindi niyo sila kilala. Paano kung saktan nila kayo. Gangster sila miss Han hindi mo sila kakayanin." Kinakabahan nitong sabi
Naglakad ako palapit sa kanila at sabay hawak sa magkabilang kamay nila. Ngumiti ako ng matamis.
"Wag niyo akong alalahanin, bagkus kaya ko silang labanan sa kahit anong paraan. Kung magaling sila sa suntukan, magaling din naman ako. Champion kaya ako sa martial arts. Kaya wag kayong mag-alala. Basta gawin niyo na lamang ang aking binilin. Ipakita niyo na hindi niyo na sila kailangan." Sabi ko habang nakangiti
"Natatakot kasi kami, paano kung bigla na lamang ako umiyak sa harapan nila." Sabi ni Andrea
"Alam kong kaya niyo yan. Basta kapag napapaiyak na kayo tumingin kayo sa ibang direksyon at magisip ng nakakatuwang pangyayari. Yun ang minsan kong ginagawa kapag napapaiyak na lamang ako."
Tumango na lamang sila bilang sagot.
Pinagpatuloy namin ang aming paglalakad hanggang sa makarating na kami sa hardin. Nandoon parin sila, wala paring ginagawa kundi ang maglandian. Hindi ba sila nahihiya, maraming studyante ang nakakakita sa kanilang pinaggagagawa. Palit kami sa kanila kaya naman napalingon ang ibang studyante samin. Kita ko kung paano sila nagulat. Binigyan ko sila ng matalim na tingin kaya naman agad silang nagsitayuan at tumakbo pabalik ng kanilang room.
"Mae! Alam mo bang maganda ang tanawin dito sa garden." Panimula ni Jasmine, parang alam ko na kung anong pinaplano ng loko, kung ganon go to the flow ako.
"Oo, kaya nga dito ko kayo dinala. Besides, wala naman ang guro natin kaya cutting class tayo." Saad ko
Tiningnan ako ni Jasmine, bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat. Hindi niya siguro inaaakala na sasabay ako sa flow niya.
"Mae, sigurado ka ba na hindi tayo papasok. Hindi ba ikaw na ang nagsabi na bawal magcutting." Sabi naman ni Carla
Galing nila umarte.
"Tsk, hindi lang naman kaya tayo ang hindi pumasok. Tingnan mo sila, naglalandian sa tapat natin. Kaya ano bang kinatatakot niyo." Sabi ko sabay turo sa magkapatid na Mondejar. Napansin yata nila na sila ang tinutukoy ko kung kaya't napalingon sila sa gawi namin.
Nakaupo kami malapit sa kanila, hindi lang yun nakaharap din kami sa kanila kaya naman kitang-kita namin ang pinagagawa ng mga ito.
"Eww! Dito pa talaga naghalikan." Pandidiring sabi ni Jasmine
Nilingon ko ang dalawang kasamahan namin. Alan kong nasasaktan sila sa ginagawa ng mga ito.
"Hindi ba kayo nahihiya? May nakakakita sa ginagawa ninyo." Mataray kong sabi
"Tsk, ano naman kung ginagawa namin ito. Kasalanan ba namin na nakikita niyo ito. Kung ayaw niyong makakakita ng ganitong view, umalis kayo." Mataray na sabi ng nakablonde na buhok siguro siya ang pinakamatanda sa kanila dahil nakikita ko sa mukha niya. Daming wrinkles.
"Tsk, bakit sainyo ba ang garden na ito huh?" Mahinahon kong sabi. Kailangan kong kontrolin ang galit ko baka mapatay ko ang mga ito.
"Hindi, bakit sainyo ba ito huh? Pareho-pareho lang naman tayong studyante dito kaya naman walang pakialaman sa ginagawa." Pabalik nitong sabi
Tumayo ako bigla.
"Mae!" Tawag nang nga kasamahan ko saakin
"Excuse me po, paaralan ito hindi dating area. Kung gusto niyong magdate at maglandian, pwes doon kayo sa park o di kaya naman sa motel. Doon walang kokontra." Makahulugan kong sabi
Napatayo ito bigla. Nagalit ko yata sila.
"Aba't wala kang ugali huh. Alam mo bang kami ang campus royalties dito. Kaya naman wala kang karapatan na pagsalitaan kami ng ganiyan." Naiiritang sabi nito
"Hahahaha! Kayo?... Campus royalties.. In your dreams." Biglang tawa ni Jasmine kaya naman mas lalong nairita sila
"Kayo talaga—." Magsasalita pa sana siya ng biglang pumasok sa eksena
"Tama na yan. Wag niyo ng patulan ang mga mahihinang yan. Mabuti pa umalis na tayo dito." Sabi ng isang boses na nasa likuran ko,
"Pero Jeth—."
"Umalis na tayo dito." Saad nitong muli
"Tsk, okay. Kayo may araw din kayo samin." Banta nito, nginitian ko lang siya ng matamis
Lumingon ako sa aming likuran doon ko nakita ang taong matagal ko ng hinahanap. Dito ko pala siya makikita. Naglakad na sila palayo samin subalit hindi pa sila nakakalayo ng biglang may tumawag sakin kaya naman napalingon sila gawi namin.
"Miss Han!!" Tawag nito saakin kaya naman tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay
"Nasa office niyo na po sila Diane at Liane." Sabi nito
"Okay, sige susunod na kami." Sagot ko
Naglakad na kami pabalik ng office. Hindi ko alam na tumigil pala sila sa paglalakad kaya naman naabutan pa namin sila. Kita ko kung gaano sila nagulat.
"Magkita na lamang tayo sa classroom." Mapanakot kong sabi sabay lakad palayo sa kanila.
This is the start. Bumanda kayo sa gagawin ko.
💕💕END OF CHAPTER 40💕💕
Next chapter will be posted soon.
Sorry for typographical and grammatical errors.