I Wish It Was Me (Book 1)

By Eccedentisiann

276K 4.3K 241

The story of a girl who sacrifices her love for the sake of not hurting others. Rank achieved #102 Teen ficti... More

I Wish It Was Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Mateo's Pov (1)
Mateo's Pov (Finale)

Chapter 30

463 11 2
By Eccedentisiann

Nanghina akong napaupo sa kinauupuan ko kanina. Hindi halos magproseso sa utak ko ang usapan namin ni Klea. Pumikit ako ng mariin dahil nakukuryuso akong malaman ang tungkol sa babaeng iyon.

Napamulat lamang ako ng may tumawag sa pangalan ko ng tignan ko iyon ay si Manong Nald pala, sumakay na ako at saktong tumunog ang cellphone ko.

Nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko hanggang sa mawala ang nakarehistrong pangalan ni Mateo, naiinis ako sa sarili ko dahil pinagdududahan ko na siya dahil sa narinig ko.

Sa pangalawang ring nito ay sinagot ko na ang tawag niya.

"Hello."

"Nakauwi ka na ba?" tila pagod na sabi niya, pakiramdam ko ay pagod na siya sa training nila.

"Hindi pa, kakasundo lang sa akin ni Manong."

Rinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya. "I miss you," aniya.

Napangiti ako dahil namimiss ko na rin siya.

"I miss you too, anong oras ka ba uuwi? Matagal pa ba matatapos ang training mo?"

"Maybe 11 pm, we just had a short break, so I called you."

"Puwede ba akong pumunta diyan? Gusto lang kita makita kahit saglit lang."

Rinig ko ang saglit na tahimik sa linya niya.

"Magpapaalam ako kay Mommy na bibisitahin kita kahit saglit lang," dagdag ko, alas singko pa naman kahit isang oras lang ay gusto ko siyang makasama.

"Okay, but you have to go home early. I don't want you to be alone here while waiting for me."

"Okay. Ibaba ko na 'to para masabi ko na kay Mommy."

"Hmm. I love you," kinagat ko ang aking labi at napatingin kay Manong na mukhang hindi nakikinig sa katawagan ko.

"I love you too," mahina kung sabi at binaba na ang tawag.

Agad kung idinial ang number ni Mommy buti nalang ay agad rin nilang sinagot.

"Hello anak," bungad ni Mommy.

"Mommy, okay lang po ba na dalawin ko po saglit si Mateo sa training niya? Hindi rin po ako magtatagal."

"Pumayag ba siya na pupuntahan mo siya doon? Baka mamaya ay maistorbo mo siya anak."

"Alam niya na po Mommy," rinig ko ang pagtikhim nila.

"Pero umuwi ka ng maaga anak, 'wag mo siyang istorbohin sa training niya," masungit na sabi ni Mommy at sa tingin ko ay may kasama pa itong irap.

"Opo," at mahinang natawa.

"Sige na at ibaba ko na ito, mag iingat ka," paalam nila kaya ibinaba ko na rin ang tawag.

Itinuro ko na rin kay Manong ang daan kung saan nagaganap ang training ni Mateo. Nang makarating doon ay rinig ko agad ang ugong ng sasakyan.

Inilibot ko ang tingin ko at halos walang katao tao, tatawagan ko sana siya ng makitang papalapit na pala siya sa akin na tila hinihintay ang pagdating ko.

Tumakbo ako papalapit sa kan'ya at agad siyang yinakap, amoy ko agad ang kinakaadikan kung pabango niya.

"Miss na miss mo talaga ako nuh?" sabay harap sa kan'ya, ginulo niya lamang ang buhok ko at inakbayan.

Napatingin ang  ibang kasamahan niya sa sa amin.

"Sino 'yan Mateo? Girlfriend mo?" tanong ng isa at pinagdasahan ako ng tingin.

"Back off Karl! Don't stare at my girlfriend," ani Mateo pero nginisihan lamang siya nung Karl at iniwas ang tingin sa amin.

Nahiya ako dahil nakatitig pa rin ang iba sa akin, mga sampu ata silang lalaki na nagtipon sa baba ng bleachers na mukhang kasamahan niya sa training.

Hinila na ako ni Mateo at naghanap ng upuan malayo sa kanila. Napatingin ako sa mga sasakyan na mukhang nagpapaligsahan, sobrang bilis ng pag andar nila na akalain mong mawawalan ng preno anumang oras.

"Anong ginawa niyo kanina?" tanong niya habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Quizzes and activities, alam mo na malapit ng matapos ang pasukan kaya busy na tayong lahat," sagot ko.

"Marami pa pala akong hahabulin," tumitig ako sa  kan'ya at kita ko sa mata niya ang pagod.

"Pagkatapos naman ng kompetisyon mo tuturuan kita sa mga namiss mong lessons."

"If I win this race, baka mas lalong maging abala dahil sa ibang kompetisyon na naghihintay," huminto siya at tumitig sa akin.

Natahimik ako, hindi ko akalain na ganito pala kahirap makasali sa tournament  na pinapangarap niya. Ngayon palang ay minsan lang kami magkausap pano pa kaya kung nanalo siya.

"Mateo, tayo na ang susunod," sabay kaming napatingin sa lalaking tumawag sa kan'ya.

"Sige na tinatawag ka na, dito lang ako," malungkot akong ngumiti.

Titig na titig siya sa akin at hindi ko mawari kung anong iniisip niya kaya tinapik ko ang balikat niya.

"Tinatawag ka na nila," ulit ko.

"I want to sit here beside you until we're done, but I can't. I really missed you, Sam. "

"Miss na miss na miss na rin kita. Sige na hinahanap ka na nila."

"I'll be back," tumango ako at tuluyan na siyang sumunod sa lalaking tumawag sa kan'ya.

Sumakay na siya kan'yang sasakyan at tatlo silang nasa start lane. Umalingaw-ngaw  na ang ugong ng kanilang sasakyan. Sa totoo lang ay ngayon lang ako makakapanood ng aktuwal na car racing.

May lalaking lumapit sa lane at pumunta sa gitna, itinaas nito ang kan'yang kamay at agad ibinaba na sa tingin ko ay hudyat na umpisa ng racing. Mabilis ang andar ng tatlong sasakyan na tila hangin lang na dumaan sa sobrang bilis, napatingin ako sa sasakyan ni Mateo na nangunguna sakanilang tatlo.

Sobrang galing niya nga talaga.

Inilabas ko ang cellphone ko para kuhanan siya ng video. Napatingin ako sa lalaking papaakyat din sa bleachers, noong una ay hindi ko siya pinansin pero nagulat ako ng umupo siya na hindi kalayuan sa akin.

Nakacap ito at tulad ng kay Mateo ay kumikinang din ang piercing niya sa kaliwang tenga. Sa tingin ko ay nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala kung saan.

Pinatay ko na ang video ng nangunang nakapunta si Mateo sa finish line, saglit akong pumalakpak at napangiti.

"Proud girlfriend huh?" napatigil ako at napatingin sa kan'ya at nakitang nakatitig pala siya sa akin.

Napakurap kurap ako dahil sa lamig na titig na iyon at kung titignan mo siya ay may pagka misteryoso niyang tignan.

"I thought it was Faye," mahinang sabi niya pero umabot pa sa pandinig ko.

Faye?

Biglang pumasok sa isip ko ang babaeng iyon. Faye ba ang pangalan niya?

"Ah yung bestfriend niya..."

Hindi iyon patanong dahil gusto kung malaman kung totoo nga ang hinala ko na Faye ang pangalan ng babaeng iyon.

Umiwas siya ng tingin kaya gano'n din ako. Kinagat ko ang aking labi at muling tumitig sa sasakyan ni Mateo.

Ang babaeng iyon ay may gusto kay Mateo, kung totoo ngang nagkita sila ano naman ang dahilan? Kilala ko si Mateo hindi niya ako lolokohin, kung may gusto man si Mateo sa kan'ya ay hindi niya ako magugustuhan.

"She came here yesterday, so I thought she was his girlfriend."

Tila namanhid ako sa sinabi niya, pumunta siya dito kahapon? Walang man lang sinabi sa akin si Mateo na may dumalaw sa kan'ya. Ibig sabihin ay nagkikita nga talaga silang dalawa. Ramdam ko agad ang kirot sa dibdib ko dahil sa nalaman ko.

"I need to go mukhang hindi na ako sisikatan ng araw bukas," aniya at tumayo papaalis.

Napatingin ako kay Mateo na tumigil sa gilid at nakatayo sa labas ng kan'yang sasakyan kahit malayo ay alam kung nakakatitig siya sa amin.

Inilabas ko ang cellphone ko para itext siya na aalis na ako at hindi kayang hintayin pa siya. Tumayo na ako at kumaway sa kan'ya.

Hindi ko kayang manatili pa dahil sa sinabi ng lalaking iyon.

Sumakay na ako at isinandal ang ulo sa bintana. Nakaramdam ako ng kunting galit kay Mateo, bakit hindi man lang niya mabanggit o masabi sa akin na nagkikita pala silang dalawa.

May tinatago ba siya? Ang daming katanungan ang pumapasok sa isip ko. Pero maghihintay pa rin ako na sabihin niya sa akin. Ayaw kung magsuspetsa, may tiwala ako sa kan'ya alam kung hindi niya ako lolokohin.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 422 33
Shaniah Kaye Javier, a girl who achieved her dream to be a doctor and at the same time continue her grandfather's legacy of being a military officer...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
17.2K 675 65
Magkakaiba sila ng mga buhay na nakasanayan. Silang hindi na natutuwa sa walang 'Trill' kuno nilang buhay sa nakasanayang paaralan kaya naman napalip...
85.6K 3.4K 75
"it's hard to live with them but i am happy because i meet them" reanna ay isang mayaman, pero bigla na lang siyang naging poor, mas mahirap pa sa da...