Part 28

1K 81 8
                                    

"Napakadominante," paingos na bulong niya.

"Anong sabi mo?" baling nito sa kanya.

"E-elegante. Okay ang suit mo. Bagay sa'yo." Ubod ng tamis na nginitian niya ang binata. Pasimpleng naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan nito. Perfectly fit ang kulay gray na suit na suot nito. He was like a vogue model that could conquer the world. Bukod sa magandang mukha, taglay nito ang karismang mayroon ang lahat ng namumuno sa mundo. The confidence and intimidating presence of a leader marking his own territory. Para bang ang lahat ay kaya nitong kunin at kamkamin. No wonder, this jerk seized her indifferent heart.

Ilan pang personalidad ang nakipagkamay at kumausap dito sa loob ng function hall. Ang iba ay namumukhaan niyang nagtatrabaho sa istasyong pagmamay-ari ng mga Gustavo. There were also Americans and Koreans who seemed own the mother company of Samsung. Naroon ang kanyang Kuya Vinz at ang pinsan ni Hiro na si Greg. They were talking about the business. May kinalaman sa bagong commercial advertisement ang paksa ng mga ito.

"Since I'm doing the filming, can I suggest a female model on the list?" biglang saad ni Hiro sa gitna ng diskusyon. "Alam kong wala pang opisyal na kontrata sa panig ng mga endorsers. At dadaan sa mabusising pag-aaral ang pagpili sa mga magiging mukha ng bagong produkto. But instead of having idols or actors, why don't we try fresh new faces? Reasonable ang talent fee ng mga ilang celebrities na di gaanong babad sa telebisyon. The rest of the budget can go to the visual effects since techie ang magiging dating ng concept na naiisip ko."

Tumangu-tango si Greg. "Agree. We are promoting the product and not the artist. Mas mabuting ibuhos natin ang cf fund sa creativity at quality ng patalastas na mas magbibigay assurance sa mga consumers na hindi nila pagsisisihan ang pagtangkilik sa produkto."

"At mas hahatak sa atensiyon ng nakararami ang commercial na pang-sine ang kuwalidad kaysa sa mga nonsense na pag-eendorso," sabat ng Kuya Vinz niya.

"We are leaving the whole decision to the director's hand," nakangiting tugon ng isa sa mga foreigner. "We trust the reputation of Mr. Buencamino here and abroad. I'm a fan of his indie films by the way." Nagsisang-ayon din ang ilan pang naroon sa umpok nila.

"Thank you gentlemen." Itinaas ni Hiro ang kopitang hawak nito at pagkatapos ay bumaling sa kanya. Inabot nito ang kamay niya. "Then I would like to recommend this lovely flower in my hand." Nagulat si Ria nang imuwestra siya ng binata sa gitna. "She's a host in a talk show—Ms. Rio dela Cerzo. Graduated in mass com and started as a news announcer. Although lumalabas siya sa telebisyon, mas pormal ang reputasyon niya kaysa sa ibang sikat na artista."

"Right!" Pumitik sa ere si Greg. "Rio would be perfect as one of the models. Yung fabcon cf na ginawa niyo, panalo! She really caught my attention with her cheerful and longing expression. Her eyes were actually sparkling with feelings. Di ko alam na kaya niyang umakto ng ganoon bukod sa pagpapahayag ng mga straight na linya sa Update M—" kusa itong tumigil nang lingunin niya ito. "I mean you're good. Period." Nag-peace sign ito sa kanya.

"She's very beautiful, Mr. Buencamino. I can't say no to a lovely lady like her. I kinda noticed her presence a while ago." Isa sa mga Amerikano ang kumuha at humalik sa kaliwang kamay niya. "If she's going to endorse the product, I would certainly buy it. It would be very promising and fascinating."

Di alam ni Ria kung papaano magre-react dahil sa malagkit na sulyap na ibinibigay nito. Ilang na ilang siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Pero bago pa man siya makapagsalita ay humarang na si Hiro at binawi ang kamay niya. "Sorry to say this but I already plucked this flower. I won't allow any other man to sniff her. You can stare but you certainly can't touch her."

"Whoa! Is she your girl Mr. Buencamino?"

Inakbayan siya ng binata. "She's going to be my wife a few weeks later." Umulan ng pagbati at panunukso mula sa mga ito. Nangingiti at iiling-iling lang ang pinsan ni Hiro. Samantalang tahimik na nagmamasid lang ang Kuya Vinz niya. Naiwan silang tatlo nina Hiro at Greg nang magpa-alam ang mga bisita upang kausapin naman ang ilang personalidad na naroon sa pagtitipon. Ria spotted her father talking to Don Benigno few meters away. Lumapit sa mga ito ang kapatid niya.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tinanggal ni Ria ang braso ni Hiro na nakapatong sa balikat niya.

"Alin? Ang ipakilala ka bilang fiance ko? Naipamahagi na ang imbitasyon, ano pang inirereklamo mo?" Inilisya nito ang mukha at patay-malisyang sumimsim ng champagne.

"Hindi 'yon. Ang tinutukoy ko ay ang rekomendasyon mula sa'yo. Di pa ako umo-oo. Wala kang binabanggit sa'kin tungkol sa commercial na 'yan. Ano ba 'ko? Diary mo na basta tatanggap na lang ng mga salitang galing sa'yo?"

The guy shook his head. "Wala akong diary. Planner ang gamitin mo sa sentence mo. Nakakainsulto."

"Paki ko! Pansinin mo ang punto ko at hindi ang metaphor sa sentence ko!"

"Oh shut up." He grimaced then looked at her. Unti-unting nawala ang gusot sa mukha nito habang tinititigan siya.

"B-bakit?" Tinuptop niya ang dibdib at bahagyang umatras.

"You don't have to be that distant." Nagulat ang dalaga nang kabigin nito ang baywang niya at gawaran ng halik ang gilid ng leeg niya. "Remember, you're supposed to obey me. Not to yell at me," bulong nito malapit sa tainga niya. Ria had goosebumps travelling her spine. She just couldn't resist this guy. He was always acting intimate towards her. "Tell me, is that your way of loving me? You will love me as much as I hate you, right? Ginagawa ko ang mga bagay na ikagagalit mo para mahalin mo ako ng todo." Hiro chuckled wryly. "Where is the love?"

Pakiramdam ni Ria ay isa siyang takure na nakasalang sa apoy. Pumipito iyon dahil sa pagkulo. At malapit na siyang sumabog dahil sa mga katagang sinasambit ng halimaw at sadistang nakadikit sa kanya. "My way of loving is definitely not for you getting under my skirt, you pervert!" She pushed his face away.

Greg burst out a laughter. Kanina pa pala ito nakikinig mula sa kabilang panig ni Hiro. "Pang-ilang rejection na 'yan, insan? Ngayon ko lang nasaksihan na tinanggihan ka ng isang babae. So women like Rio really exist." Ngingisi-ngising sumaludo ito sa kanya.

"Shut up!" they both said in unison. Muling nagkatinginan sila ni Hiro. Si Ria ang di nakatagal dahil masyadong malapit ang mukha ng lalaki. Her heartbeat was pumping like crazy. Ibinaba niya ang tingin. Ngunit bago pa man niya maihiwalay ang sarili dito, isang puwersa ang nagpatalsik sa kanya mula kay Hiro. Suwerteng nasalo siya ni Greg nang mawalan siya ng balanse. He was like a sturdy wall behind her—his hands were on her waist.

Ang may kagagawan ng panunulak ay isang maliit na dalagang namumukhaan ni Ria. Ito ang babaeng pumunta sa cabin—ang kayakap ni Hiro. She was like Audrey Hepburn in her black dress. May gloves na itim din ito sa mga kamay.

"Karylle, what are you doing here?" tanong ng lalaki sa likuran niya habang nakaalalay sa kanya.

Karylle? Siya ang tinutukoy ni Hiro na kinakapatid niya at mortal na kaaway ng kakambal ko?

"I'm taking what's mine." Possessive na yumakap ito kay Hiro. Then she glared at her enough to kill. "Pakakasalan ka lang niya sa pangalan pero di ibig sabihin no'n ay pag-aari mo na siya." Mukhang sa kanya nakadirekta ang mga salitang iyon. At base sa pananalita nito, walang dudang kakilala ito ni Rio.

"Hey, when did I become yours, brat?" Dinuro at itinulak palayo ng hintuturo ni Hiro ang noo ng babae. Pero di ito nagpapakita ng disgusto, bagkus ay maaliwalas ang ngiting sumibol sa mga labi ng binata. "I'm too good to be your belonging. Wake up!"                                                   

****

-Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon