Part 18

1.1K 81 10
                                    

"MAGLAKAD ka sa buhangin at tumanaw ka sa dagat na parang may inaantay ka. Then try to imagine that flowers are falling from the sky," instruksiyon ni Hiro kay Ria.

Inilibot ng dalaga ang tingin sa hindi magkamayaw na mga staffs sa pag-aayos ng mga props, ilaw, at equipment. Noon lang siya na-expose sa isang mismong shooting. Namamangha siya kung gaano ka-busy at kabibilis kumilos ang mga empleyado ni Hiro. Dumating ang mga ito ganap na alas-diyes ng umaga at agad na inumpisahan ang set-up sa magiging setting ng shooting sa commercial. 

Nakahanda na ang kanyang costume pati ang mag-aayos sa kanya. Ria was treated like a princess by the staffs. Asikasung-asikaso ang mga pangangailangan niya mula sa pagbibigay ng tubig, pagpupunas ng pawis, pagre-retouch ng make-up, at pagpapayong sa mainit na daluyong ng araw. Pero pansin niya ang pagiging mailap ng mga ito sa interaksiyon. Di siya gaanong kinakausap kung hindi naman kailangan.

"Hoy, nakikinig ka ba sa'kin?" Ang pagpitik ng daliri ng binata sa ere ang waring putok ng lobong kumuha sa atensiyon niya. Kunot na kunot ang noo nito at halos mag-isang linya ang kilay sa pagkakatunghay sa kanya.

"H-ha? Oo, nakikinig ako." Inosenteng ngumiti siya dito. "Ano nga ulit 'yon?"

Pumikit ang binata at hinagod ang batok na tila nauubusan ng pasensiya. "Binasa mo ba ng mabuti ang script?"

"Di ko lang binasa, sina-ulo ko pa." Nag-peace sign pa siya pero agad niya ring binaba ang kamay sa matabang na reaksiyon ni Hiro.

Pumalatak ito at pagkatapos ay pinasadahan siya ng tingin magmula ulo hanggang paa. "This is not the first time you're doing this, right?"

"O-oo naman!" biglang sagot niya. "Anong akala mo sa'kin? Amateur?"

The guy just exhaled harshly from his mouth. Itinaas nito ang isang kamay at sinenyasang siyang pumuwesto. Gamit ang megaphone na hawak nito, inutusan ni Hiro ang crew na impusahan na ang taping.

Tuptop ang dibdib, inipon at pinakawalan niya ng dahan-dahan ang hangin sa bibig. Nang sumigaw ng action, inihanda niya na ang sarili.

Ibinaling ni Ria ang mukha sa dalampasigan. Mainit ang sikat ng araw kaya kusang dumako ang gilid ng palad niya sa kanyang noo. Naniningkit ang mga matang tumingala siya. She smiled as she saw the blue sky. Her white light kilt was dancing along the beat of the wind. Tumatawang nagtungo ang mga kamay niya sa nililipad na palda. Umikot siya ng umikot habang ninanamnam ang pagdapyo ng hangin sa kanyang balat. 

She was always a nature-lover country girl. Isa siya sa mga taong na-appreciate ang munting ganda ng kapaligiran at ang himala ng buhay sa kapatagan at karagatan. How the world revolves—it was a providence of life that couldn't be answer with mere science and logarithms. Nagpapatuloy ang lahat—iyon ang paniniwala niya sa kabila ng mga umuusbong na problema.

"Okay, cut! Good take!" Hiro shouted.

Nakahinga ng maluwag si Ria. Agad na may lumapit sa kanya at pinayungan siya mula sa init. She thanked the PA and she looked at her with disbelief. Asiwang ngumiti ito sa kanya at inakay siya sa upuan pagkatapos.

"Miss Rio, ire-retouch ko lang ang make-up mo," anang babaeng make-up artist paglapit nito. Muli siyang nagpasalamat. Pansin niya na naman ang pagiging stiff ng mga tao sa kanyang paligid.

"Hindi naman ako nangangagat, ba't ba tensiyon na tensiyon kayo sa presensiya ko? Chill out!" di na nakatiis na komento niya. Binuntutan niya pa iyon ng marahang pagtawa. Subalit nawala sa tono ang pagtawa niya nang nanatiling nakamaang lang ang mga ito sa kanya. "Geh, sabi ko nga mga estatwa kausap ko." Tumangu-tango siya. "Tch." Pahabas na dinampot niya ang tubig na inabot ng PA at diretsong tinungga. "Hah! I'm alive again," she muttered as she wiped the droplets of water from the side of her mouth.

Ilang sandali pa ay rinig niya ang mga mahihinang paghagikgik sa kanyang paligid.

"Uhm?" Lumingon-lingon siya sa ilang staffs na ngingisi-ngisi. "Anong nakakatawa?"

"Okay ka lang ba, Miss Rio?" tanong ng make-up artist. "Di mo gustong kinakausap ka namin kapag nasa studio one tayo."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

Ngumiti lang ito ng kimi. "A-ayaw niyong naiistorbo kapag nag-i-internalize kayo."

Clueless na umiling siya. "Hindi ako nag-i-internalize sa ngayon. Boring kapag walang kausap. Pare-pareho naman tayong tao. Unless hindi niyo ko itinuturing na tao." Itinuro niya pa ang sarili.

"Naku, hindi po! Di iyon ang ibig naming sabihin," todo sa pagtanggi ng PA. "Lagi po kasi kayong bad mood bago ang live set ng Update Me. P-pinapaalis niyo kami."

Ria paused for a moment. She thought of her twin sister as she watched her on the television. Talo pa nito ang modelo ng isang toothpaste sa ganda ng pagkakangiti nito. Di halata na sa backstage ay halos ma-imbiyerna ito. Ganoon ba ang trato ng kakambal niya sa mga taong ka-trabaho nito? But maybe these people were not co-workers for her. Rio achieved too much and she kept labeling people base on her own standards. Isa siya sa mga mabababang lebel na 'yon. Kung gaano kataas ang tingin nito sa sarili ay ganoon naman kababa ang tingin nito sa kanya.

"Go and vanish from my life, Ria. We can't live in the same world. We have the same face but we're not destined to both reach the pinnacle. Only one of us can—and it's obvious that it would be me." 

Iyon ang mga huling tinuran ni Rio sa kanya. Those words were softly spoken but very convincing. Parang salamin sa linaw ang galit nila sa isa't-isa. Ang kaibahan, kahit naipamumukha niya iyon dito, siya pa rin ang talo. Walang naniniwala sa kanya—sa mga salita at kakayahan niya. Walang gustong makinig sa kuwento sa isang nang-aapi sa bidang prinsesa.

"That must be it," Ria whisphered.

"O-okay lang kayo?" Tumango siya sa PA. Puno ng simpatyang nginitian niya ang ilang mga staffs na naroon.

"Peace tayo ngayon, ha? Hindi ako magsusungit. Masyadong maganda at maliwanag ang paligid kaya di muna ako tutubuan ng sungay." Idinikit niya pa ang pares na hintuturo sa kanyang sentido at iginalaw-galaw.

Pamaya-maya pa ay muling naghagikgikan ang mga kasama niyang naroon. Komportableng nakisali na rin siya sa paghalakhak. Nang mahagip ng tingin niya ang isang bulto sa di kalayuan ay masiglang nag-thumbs-up siya dito.

Huminto ito sa ginagawang pag-usisa sa video camera. Di ito nakasimangot pero hindi rin naman nakangiti. Salit sa malamyang ekspresyon ay nag-thumbs-up ito pabalik sa kanya. Nagulat siya sa response nito. Akmang ngingitian niya si Hiro pero unti-unting naglaho iyon nang ang thumbs-up ay nauwi sa thumbs-down. Ria snorted as the guy stared at her with evident horrible attitude. Sa sobrang inis ay mabilis na iniumang niya dito ang middle finger na agad niya ding ibinaba nang pandilatan siya ng lalaki.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon