Part 52

1.5K 109 13
                                    

NAKANGITING tinanaw ni Ria ang malawak na taniman ng ubas. Kanikanina lang ay binisita niya ang winery at ininspeksiyon ang daloy ng makabagong makinarya sa pagpoproseso at pag-iimbak ng red wine. Iyon ang routine niya sa hacienda tuwing umaga. Sa pagkakataong 'yon, sa halip na kabayo ang sakyan niya ay nakisabay siya sa isang thresher na nagmamaneho ng golf cart upang maglibut-libot sa malawak na lupain ng na pag-aari ng benefactor niya.

"Why are you crying, bebe linda? Did you lost something in your homeland?"

Isang buwan na ang nakararaan buhat nang bumalik siya sa Barcelona. Sa umaga ay inaabala niya ang sarili sa trabaho at sa gabi ay saka niya pinapawalan ang mga luha. Napansin 'yon ng pamilya Gonzales at saka pa lang siya naapaamin ng kanyang Daddy long legs. Umiiyak na nagsumbong siya dito. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari sa pananatili niya sa Pilipinas. Dito niya naramdaman ang pag-alo ng isang tunay na ama. Kahit na papaano'y gumaan ang dibdib niya sa paghihinga niya sama ng loob sa matanda. Pinayuhan siya nitong magpalamig muna sa poder nito at huwag basta-basta magdesisyon na putulin ang kaugnayan sa sariling pamilya. Marahil ay may dahilan daw ang lahat ng nangyayari sa kanya.

Nakapagdesisyon na siyang hindi pagsisihan ang mga naganap. Nagmahal siya at kahit sa maikling panahahon ay napatunayan niyang may silbi ang puso niya. Ria didn't love the wrong person. It's the fault of timing and situation.

"Señora Ria! May naghahanap sa inyo," kaway ng isa sa mga trabahador. Itinuro nito ang isang wrangler pick-up sa labas ng bakuran. Natanaw niya ang pagbaba ni Dylan sa sasakyan. Bumaba siya ng golf cart at naglakad palapit sa binata.

"Ang dalas mo dito ah. Wala ka bang trabahong ginagawa?" ingos niya nang magtagpo sila sa pagitan ng mababang fence. Magmula ng ihatid siya nito sa airport ay itinuring niya nang isang kaibigan ang lalaki. Hindi naman ito masama tulad ng akala ni Hiro. Dylan was the most well-mannered guy she'd ever met. That was why her twin sister Rio couldn't let go of him. Kung una niya siguro itong nakilala ay ikokonsidera niya ang pagdiga nito. Naalala niya dito si Jude—ang first boyfriend niya noong college.

"Out of sight. Out of mind. Baka kapag hindi mo na 'ko nakita, kalimutan mo na lang ako basta," kibit-balikat na pahayag ng lalaki. Tinitigan niya lang ang inabot nitong kumpol ng red roses. Napabuntong-hininga siya bago asiwang tinanggap 'yon at nagpasalamat. Bukal sa panliligaw sa kanya si Dylan. Wala siyang nararamdamang ano man dito pero nakakakunsensiyang itaboy ito.

"Baka sesantehin ka na ng ahensiya mo kapag di ka pa bumalik sa Pilipinas."

Ngumiti ito. "Kapag natanggal ako bilang modelo, tatanggapin mo ba 'ko dito?" Tumingin ito sa malawak na lupain. "I can be a thresher."

She smirked. "You're a certified city boy, Dylan. There's no way you can stay at a farm. At isa pa." Pinasadahan niya ito ng tingin at ngumiwi. "Parang hindi ka sanay sa magaspang at mabigat na trabaho. Hindi ka tatagal dito." Tumangu-tango pa siya upang sang-ayunan ang sariling komento.

"Sama ne'to," ungot nito. "Ibig mong sabihin na isa 'kong lampa?"

Tumawa siya. "Hindi lampa. Isang tipikal na señorito. Mas makalyo pa ang mga kamay 'ko kaysa sa'yo. Ikaw ang isa sa mga masusuwerteng taong tatayo lang sa entablado, papalakpakan ng mga manonood, at kikita ng limpak-limpak."

The guy let out a shallow laugh. "Ikaw rin naman, di ba?"

Matamlay na yumuko siya. Hinaplos ng kamay ang mga talulot ng pulang rosas. "Hindi ako 'yon. Si Rio 'yon."

"Oh, your crazy twin sister is ruining the career and reputation you built up for her," balewalang balita nito habang nakasandal sa bakod.

Nag-aalalang nag-angat siya ng mukha. "W-what?" Sinadya niyang hindi na makibalita pa sa pamilya niya sa isang buwang 'yon. Dahil kahit na ano pa man, ang kanyang mga alalahanin ay nasa panig ng mga ito.

Kumunot ang noo nito. "There you go again. Worrying for a person who doesn't worth it. Ang laki ng pagkakaiba niyo ni Rio. Sinasabi mong siya ang mabuting bata sa paningin ng parents mo pero bulag lang ang di makakakita ng pagkagahaman niya."

"Bakit mo sinasabi 'yan sa taong naging karelasyon mo?"

Tumingala ito at huminga ng malalim. "Iyon naman ang totoo, di ba? Naging kami lang naman dahil puwede akong maglabas-masok sa buhay niya. Dahil alam 'ko kung hanggang saan lang ako at hanggang saan lang siya sa pribado naming pagkatao. Dahil alam naming pareho na nakikinabang kami sa presensiya ng isa't-isa. It was just a habit that I ought to find her beside me. There was this instance that I did believe it was love but after it was gone, this heart remained the same. I never showed her the right path because deep inside I didn't care where our relation leads to. Pinakawalan ko siya dahil napagod ako at hindi dahil naglaho ang damdamin 'ko sa kanya. Sa una pa lang, pareho ang intensiyon namin ni Rio—ang huwag lang mapag-iwanan sa umiinog na mundo."

Matamang tiningnan niya ito. "Kaya ba wala 'kang galit kay Hiro?"

"It's my fault that I got caught red handed in the first place. But I swear to my life that I didn't touch the girl he had been with back on the island. Ni hindi 'ko alam ang pangalan niya. She tried to seduce me and Rio really did get mad. She wanted her out that's why she paid her."

"At ngayon mo lang inamin 'yan? Dapat sa simula pa lang sinabi mo na kay Hiro ang lahat."

Umiling ito. "With the kind of job I have, it was better to shut my mouth as long as the other party do the same. At isa pa, hindi 'ko nakuhang tanggihan si Rio na itago na lang ang lahat mula kay Hiro."

"You spoiled her too much," reklamo niya.

"I guess I did." Bumaling ito sa kanya. Seryoso ang mukha. "Sa tingin 'ko Ria, may sakit ang kapatid mo. Minsan na siyang inobserbahan ng kaibigan 'kong psychologist. Hindi normal ang aksiyon niya sa ilang mga bagay."

"Being a self-centered b*tch isn't really a disease. It's one of the nature of humans."

"It is, Ria. Kung darating sa puntong kaya mo nang manakit ng iba para makuha ang gusto mo, itaya ang reputasyon mo, at kunin ang lahat ng atensiyon ng taong nakapaligid sa'yo, maituturing na sakit 'yon."

Saglit siyang tumahimik at nag-isip. Sinapo niya ang noo. "I don't want to involve myself in Rio's life. Kaya ako lumayo dahil hindi ko na kayang tiisin na makisama sa pamilya 'kong ginawa akong sakripisyo."

Nagulat ang dalaga nang bigla nitong sinunggaban ang mga kamay niya. "Sagutin mo na ang panliligaw ko at ipinapangako 'kong pasasayahin kita."

Malungkot na ngumiti siya sa lalaki. Dahan-dahang bumitaw dito. "Alam mo kung sino ang makakapagpasaya sa'kin, Dylan. Hiro is my beginning and he's also my ending. Sa tingin 'ko hindi ko magagawang magmahal ng iba bukod sa kanya. At isa pa, unfair sa'yo dahil nakapagdesisyon akong mabuhay sa mga ala-ala niya." Sumalat ang isa niyang kamay sa impis na tiyan. "You understand it, right?" Nanlaki naman ang mga mata ni Dylan sa pagkakatingin sa kanya. Ilang sandali pa ay mapait itong ngumiti.

"He's just a damn lucky bastard," he whispered.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon