Part 58

1.6K 109 11
                                    

"Excuse me, Sir," sabat ni Hiro. "It's not her fault that Rio messed up. Your precious daughter already ruined herself. Isa kayo sa mga naging instrumento sa pagsira niya sa buhay niya. Hinayaan niyong maging gano'n ang ugali niya." He turned his head to her brother. "Lalung-lalo ka na. Matagal nang nagkamalay si Rio mula sa coma pero nagsabwatan kayong dalawa para ipagpatuloy ni Ria ang pagpanggap. Bakit? Para pasakitan siya?" Umismid ito. "Wala akong masabi sa dedikasyon mo kay Rio. Pero uulitin 'ko. Hindi 'yan nakakatulong sa sitwasyon."

Maang na bumaling ang ama niya sa kanyang Kuya Vinzent. "Totoo ba 'yon, Vinz? Totoo bang matagal nang nagkamalay si Rio?"

Ilang sandali itong hindi kumibo bago ang ginawang marahang pagtango. "A week after Ria arrived. She already gained consciousness," pagsisiwalat nito.

"Pero bakit itinago niyo?" naguguluhang tanong ng kanyang ama.

"Because Ria was doing a good job," sagot ni Hiro para dito. "She was straightening Rio's image to the public and to me. Hindi gano'n kaganda ang reputasyon ng anak niyo tulad ng iniisip niyo, Don Nestor. Di siya perpekto at lalong hindi siya isang anghel."

"Oh, God..." Hinawakan ng Papa niya ang sariling batok habang nakapikit ng mariin.

"Hindi ako makakapayag na saktan niyo si Ria alang-alang sa kapakanan ni Rio. Sasabihin 'ko kay lolo ang totoo at pasensiyahan na lang kung ano man ang kalabasan."

"Hindi mo puwedeng gawin 'yan!" alma ng kanyang Kuya Vinz. "Pinakasalan mo na si Rio. Asawa mo na siya sa ayaw at sa gusto mo, Hiro. Di mo siya basta puwedeng balewalain na lang."

"Bakit kayo? Binalewala niyo ang nararamdaman ni Ria para lang masunod ang gusto niyo. At isa pa Vinz, hindi si Rio an gang kokontrol sa buhay ko tulad ng ginagawa niya sa inyo." Hinila siya ni Hiro palabas ng kanilang mansiyon bago pa man ito mapilan ng kapatid niya. Sa loob ng sasakyan ay mahigpit siyang niyakap ng lalaki. Umiyak siya sa balikat nito.

"Ssh... hush...hush..." alo sa kanya ni Hiro. "Makakasama sa magiging anak natin ang sobrang pag-iyak, Ria. Anu't-ano man ang mangyayari, hindi 'ko hahayaang saktan ka ng sino man. Ipinapangako 'ko 'yan."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SUMUNOD na nagtapat sila sa lolo ni Hiro sa mismong mansiyon ng mga Gustavo. Galit na galit ang matanda sa nalaman.

"Anong plano mo? Sirain ang pangalan mo sa board of directors ng GBS?!" Namumula ang mukha ni Don Benigno sa sumabog na emosyon. "Walang pang naghihiwalay na mag-asawa sa kasayasayan ng pamilya natin Akihiro!" Kung makakatayo lang ito sa kinauupuang wheelchair ay malamang nagawa na nito.

Di makaimik sa kinauupuan si Ria sa nararamdamang takot at ngilag sa abuelo ng binata. Kabaligtaran sa bukas na ekspresyon nito noong nag-dinner sila sa hotel.

"Lolo, hindi 'ko mahal si Rio!"

"Pero siya ang pinakasalan mo at siya ang gusto 'ko para sa'yo!"

"Lolo, sinunod 'ko 'yon dahil nag-aalala ko sa kalagayan niyo kahit 'yon ang pinakahuling bagay na gusto 'kong gawin. Akala niyo ba 'yong posisyon niyo sa GBS ang rason kung bakit akong pumayag na magpakasal sa babaeng sobrang kinamumuhian 'ko? Ayokong bigyan kayo ng sama ng loob lalo pa't tinaningan na kayo ng doktor niyo. Pero lolo, sa kabila ng lahat, gusto 'kong maging masaya sa piling ng babaeng mahal 'ko. Hindi ko 'yon natagpuan kay Rio."

Bumaling sa kanya ang matanda. "Bakit wala akong kaalam-alam na may kakambal ang anak ni Nestor? Talaga bang nagawa ng pamilya niyong lokohin kami—ako?!"

"Don Benigno patawad po." Tumingin siya dito ng diretso. "Malaki po ang kasalanang nagawa namin sa inyo. Wala po akong excuse na maidadahilan kung sisihin niyo 'ko o ang buong pamilya 'ko. At wala po akong balak na maghugas-kamay sa mga naging pangyayari. Pero inosente po ang apo niyo. Huwag po kayong magalit kay Hiro."

Mataman siyang tiningnan ng matanda. Waring binabasa ang kanyang kaluluwa. "Are you the one I saw the last time at the hotel?"

"O-opo," atubili niyang pag-amin.

"Ginawa ba 'to ng ama mo dahil natatakot siyang iurong ko ang kasunduan sa kasal at hindi 'ko siya tulungan?"

Marahan siyang tumango. Umiling-iling naman ang matanda. Hinilot ang sentido. Pinangingiliran ng luha.

"Kahit pa na tutulan ng buong angkan 'ko ang pagsagip 'ko sa kompanya niya, gagawin 'ko pa rin 'yon, hija. Malaki ang kasalanan 'ko sa ina niya. Unang kasintahan 'ko si Amparo—ang namayapang lola mo. Pinagtaksilan 'ko siya dahil sa pagiging ambisyoso 'ko. Nagpakasal ako sa lola ni Hiro hindi dahil sa mahal 'ko siya kundi dahil makakatulong siya sa pag-angat sa estado ng buhay 'ko. May panahong nagsisi ako sa desisyon 'kong 'yon pero kahit paano naman ay natutunan 'kong mahalin si Nenita. Ipinagkasundo kita Hiro sa pamilya ng dela Cerzo hindi dahil sa atat akong mag-kaapo—isa lang 'yon sa mga dahilan. Ang pinakarason ay upang magkaroon ako ng dahilan para tulungan si Nestor—ang anak ni Amparo. Mataas ang pride ng ama mo, hija. Hindi siya lalapit sa'kin ng kusa kung wala ang kasunduang 'yon."

Pareho silang nabaghan ni Hiro sa nalaman. Umabot ang kamay ni Don Benigno sa pisngi niya at hinaplos 'yon. "Kaya pala di 'ko nakita sa kakambal mo na kasalakuyang nakatira dito ang nagniningning at sinseridad na mga mata ni Amparo na una 'kong nasilayan sa'yo. Nasa'yo ang mga katangiang 'yon. Kung gano'n ay ikaw pala ang nakapagpa-amo sa mailap na apo 'ko. Anong pangalan mo?"

Umiiyak na ginagap niya ang kamay ng matanda. "Ria. Ria dela Cerzo po."

"Ria..." Tumangu-tango ito. The old man looked at his grandson with resignation in his eyes. "Mawawala sa'yo ang posisyon mo sa GBS. Nakahanda ka bang bitawan 'yon?"

Hiro looked at her full of fondness before he seriously turned to his grandfather. "As long as I can be with her. There's nothing more important than that."

Umismid si Don Benigno. "Talo 'ko sa'yo apo. Ipinagmamalaki kita dahil may lakas ng loob na ipaglaban ang pag-ibig mo. Iyon ang hindi 'ko nagawa. Pero mahihirapan kang ipawalang-bisa ang kasal mo kay Rio."

"Lolo walang mahirap kung may isang bagay kang gustong protektahan. Isa pa, buntis si Ria." Sumalat ang kamay ng binata sa sinapupunan niya. "Dalawang tao na ang kailangan ng presensiya 'ko."

Rumehistro ang tuwa sa kulubot na mukha ng abuelo ng binata. "Wala nang mas mahalaga pa sa pamilya, Hiro. Gawin mo ang nararapat."

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now