Part 27

1K 73 2
                                    

HINDI makuhang mag-react ni Hiro sa narinig mula sa babaeng tila ano mang oras ay hahagulgol sa harap niya. There was a glitch inside his chest on that moment. The bug would surely eat his flesh, drain his blood, and stab every pain receptor in his nerves. Pero di niya magawanag ialis ang tingin sa sanhi ng di mabuting pakiramdam sa loob niya.

"Sinabi ko na naman sa'yo na gusto kita, di ba?" pagpapatuloy ni Rio. "Sa kabila ng masamang pagtrato mo sa'kin, nagpakatanga pa rin ang damdamin kong mahulog sa'yo. I was planning to suppress this feeling because I know how much you loathed me. Subalit kapag nandiyan ka at nakikita ko, pano kita mabubura sa isip ko?" Tumawa ito ng pagak. "Go on and laugh at me. I'm the most pathetic and stupid woman on earth."

"Yeah..." wala sa loob na sambit niya. Tumalikod siya bigla. Sapo ng isang kamay ang bibig. May kung anong init na gumagapang sa kanyang leeg at tila may humahalukay sa kanyang sikmura. Rio did confess her love to him a hundred times and he wasn't affected or flattered at all unlike now that he couldn't even look at her. What the hell! Hindi na siya isang teenager pa na nanliligaw sa first crush niya. Bakit ganoon ang nararamdaman niya?

"Kaya dapat lang na iwasan mo 'ko Hiro kung magiging isang malaking problema para sa'yo ang nararamdaman ko. Don't talk to me. Don't even see me unless may kinalaman sa paghahanda ng kasal natin."

Natigilan siya at agad na nilingap ang dalaga—salubong ang mga kilay. "Para sa isang babaeng ikakasal, paurong ang linya mo Rio. Tanda mo bang hindi ikaw ang magdedesisyon sa kasunduang 'to? Nasa akin ang lahat ng baraha, kaya ako lang ang may karapatang magbalasa. It's up to me whether I would see you or not. Whether I would talk to you or not."

"Di mo ba makuha, Hiro? Para sa ikabubuti nating dalawa ang gagawin 'ko!"

"That's your own perception."

"Then okay lang sa'yo na gustuhin kita?"

He looked at her dead serious. Hiro already decided that he's not going to push her away. "It's okay." Wala na si Mariel. Wala nang masasaktan pa sa pagtingin mong 'yan. Pagkakataon ko namang ibalik sa'yo ang mga ginawa mo sa'kin, Rio. Ikiniling niya ang ulo nang makita ang pagkurap ng babae. Nakakalokong ngisi ang isinukli niya dito pagkatapos. "As long as I won't respond. As long as I won't like you back. Okay lang na mabaliw ka sa'kin. Hangga't hindi ko tinutugunan ang kabaliwang 'yon, okay lang ang sitwasyon nating ganito."

Natulala si Rio. Gumuhit ang kirot sa maamong mukha. "It'll be like killing me softly... slowly. Ganito ba ang paraan ng pagganti mo? Kailangan ko bang saluhin ang galit mo ng ganito?"

"You don't have a choice. Pinili mong magpakasal sa isang tulad ko. I'll have you, Rio—heart, body, and soul. But you won't have my heart. You won't have my love. You'll only have the trash part my life. Prepare yourself for the worst." Tinawid niya ang natitirang distansiya sa pagitan nilang dalawa. Umangat ang kamay niya at itinaas ang baba ng dalaga upang suriin sa malapitan ang kariktang nakahain sa kanyang mga mata. The woman was no doubt an existence of beauty. He would have her like a trophy wife. She would warm his cold nights. She would fill the void inside his heart. Pero isinusumpa niyang di niya isusuko ang puso niya sa ikalawang pagkakataon. Hindi sa babaeng sumira ng buhay niya.

"Hiro..." Rio murmured his name. Nasasalamin niya sa mga mata nito ang atraksiyong nadarama para sa kanya. Apektado ito sa simpleng pagkakalapit nilang 'yon. It was oozing his confidence. It made him feel invincible—like he can do anything—be anyone.

Hiro suddenly embraced her tightly. He enveloped his arms on Rio's body. Ramdam niya ang pagsalsal ng tibok ng puso ng dalaga. At isa 'yong ritmo na nagpapakalma sa kanyang sistema. "Hindi mo kailangang magselos dahil di lang yakap ang kaya 'kong ibigay sa'yo. Kapag kasal na tayo, ikaw lang ang papayagan 'kong tugunan ang pangangailangan ko bilang isang lalaki. Hangga't hindi tayo naghihiwalay, pupunan mo ang tungkulin mo bilang asawa 'ko. Sa loob ng dalawang taon, magsasama tayo Rio." Two years were enough to drop her like a rag. He already decided to get an annulment after they both benefited on the wedding. Palalayain niya ito sa lahat ng namamayaning emosyon na nasa dibdib niya. Rio would be like a sponge consuming all his hatred. That would be the best punishment to a selfish girl like her.

"Ginagawa mo ba 'to para parusahan ako?" Rio whispered while her face was buried in his chest. Pumikit siya at sinamyo ang buhok nito. The scent of chamomile, honey, lilac and sweet mist shampoo filled his lungs. Mas gusto niya ang amoy na 'yon kaysa sa dati nitong pabango na agad humahalo sa hangin sa tuwing dumarating ito.

"This would be a sweet punishment for you, Rio." Habang sinasabi 'yon ay humahaplos ang kamay niya sa ulo nito. "Just accept it and do your part."

"Kung ganoon, ikaw na ang bahala." Nagulat si Hiro nang tumaas ang mga braso nito at suklian ang yakap niya. "Kung 'yan lang ang paraan para maibsan ang galit mo, hindi ako tatakbo. I will love you Hiro as much as you hate me. Sa loob ng dalawang taon, pag-aari mo ang lahat ng sa'kin."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

SA launch party ng bagong produkto ng Samsung, isinama si Ria ni Hiro bilang escort. Hindi na nakatanggi pa ang dalaga nang personal na puntahan siya ng binata at ihatid sa mismong salon na mag-aayos sa kanya ng hapong 'yon. Bitbit na rin nito ang damit at sapatos na dinaanan daw nito sa paborito niyang boutique. Sinundo siya nito ganap na alas siyete ng gabi saktong nakapustura na siya.

She was wearing a white satin dress with gold outlines and detailed stitches designs. May manggas iyon pero litaw ang kalahati ng kanyang balikat. V-cut ang neckline na hapit at inipon ang tela pagdating sa dibdib at baywang. Tila palda naman ng isang ballerina at veil ng isang damit pangkasal ang estilo sa ibaba na umabot lang ang haba sa kalahati ng kanyang mga hita. Puting doll shoes na may mababang takong ang kapares ng formal gown. Nakataas ang naka-braid niyang buhok na may isang malaking silver rose ornament. Ang tanging alahas na suot niya ay ang diagonal sapphire earrings at white gold anklet sa paa.

Di nagbigay ng komento si Hiro nang mabistahan siya sa unang beses. Pero base sa pagpasada ng tingin nito sa kanya, waring pasado naman sa standards nito ang itsura niya. Hindi na rin siguro masama dahil kaaya-aya naman sa mga mata niya ang sariling repleksiyon sa salamin. Muntik niya na ngang hindi makilala ang sarili. She was seeing the elegance of her twin sister in herself for the first time. Sa ilang linggong pananatili niya sa mansiyon, unti-unting naging mapusyaw na rin ang kulay ng balat niya tulad ng sa kakambal. Ilang photo shoot na rin ang dinaluhan niya na may kinalaman sa trabaho ni Rio sa GBS. No one still doubted that she's not the same person. Pero wala siyang balak na panindigan ang pagpapanggap na 'yon. Magising man o hindi si Rio, di niya planong humarap sa altar bilang proxy nito. She couldn't possibly marry the guy she love using the name of her sister. She couldn't bear that thing.

"Don't you dare leave my side tonight," bulong sa kanya ni Hiro pagpasok nila sa entrada ng function hall. Nakaangkla ang braso niya dito habang binabati sila ng ilang nakakasabay at nakakasalubong nila. It looked like Hiro was very known to the guests. Lalung-lalo na sa mga naggagandahang babae.

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now