Part 57

1.6K 87 6
  • इन्हें समर्पित: VineOlido
                                    

Ria was taking a walk on the plantation. Hindi siya mapakali sa loob ng main house. Wala siyang makausap dahil nasa isang seminar ng mga Agriculturist sa Madrid si Don Pablo. Dapit-hapon na at alam niyang nakaalis na sina Hiro pabalik ng Pilipinas. Nahihirapan pa rin siyang huminga at kumikirot ang dibdib niya sa tuwing naiisip niya ang naging pagtatapos ng usapan nila.

"Anong paniniwalaan 'ko sa isang sitwasyong nababalot ng kasinungalingan at pagpapanggap? Anong kailangan 'kong pakinggan sa katotohanang walang laman?!"

"Mali ka, Hiro. Isa 'kong malaking kasinungalingan para sa'yo pero ikaw lang ang natatanging totoo na nangyari sa buhay 'ko. Pangalan 'ko lang ang naiba sa harap mo pero kailanman hindi ako tumingin ng diretso sa mga mata mo bilang si Rio. I fell in love with you as Ria—as no one else but myself," parang tangang kausap niya sa sarili. Tumalungko siya, dumukmo sa mga tuhod, at umiyak. "Mahal kita. Sobrang mahal na mahal kita, Hiro."

"Talaga?"

Bigla ang naging pag-angat ng kanyang mukha. Kumurap-kurap siya nang makita ang binatang nasa isip niya. Nakatayo ito sa dulo ng isang hanay ng grapevine dalawang metro mula sa kinalalagyan niya. Ang mga kamay nito ay nakapamulsa sa suot na jacket. Ilang segundo siyang di nakakilos. Nangangamba na baka produkto lamang ang binata ng kanyang imahinasyon. Umangat ang isang kilay nito at doon siya nakasiguro na hindi ito isang imahe lang na nilikha ng kanyang persepsiyon.

Lumunok siya at tumayo. Pigil ang pag-iyak na pinagmasdan ito. "A-akala ko nakaalis ka na."

Mataman siyang tiningnan nito. "Iyon ang unang plano 'ko."

Di niya maiwasang mapasibi na waring isang paslit. "K-kung gano'n b-bakit nagbago ang isip mo?"

Hiro casually waved his shoulders. "Hindi mabubuhay ang halaman ng walang araw, Ria. Sa kaso 'ko, ikaw 'yong araw."

"What the hell is that?" naiiyak na tanong niya.

Maamong ngiti ang sumibol sa mga labi ng lalaki. Halos matunaw ang puso niya dahil 'yon ang unang beses na ngumiti ito sa muli nilang pagkikita. "Ayokong magsisi na hindi kita pinakinggan. Kailangan 'kong makinig dahil sa simpleng rason na nabubuhay ako para sa'yo. Nakalimutan 'ko ang nararamdaman mo, Ria. Nasaktan ako pero higit na nasaktan ka. Tinanggap mo ang lahat sa'kin sa kabila ng masamang pagtrato 'ko sa papel na ginampanan mo. Umiyak ka para sa'kin. Tumawa ako at naging masaya dahil sa'yo. You stayed beside me and grasped my hand. You listened to my personal hell and you atone for the sins you didn't even do. I get to know you not as simply as Rio but a girl with beauty and guts to defeat me. A brave girl who slashed words with me. Nang makilala mo 'ko, hindi ako ganoong kabuting tao."

"Alam 'ko 'yan." She chuckled while crying. "You're not a prince charming or a saint. You're the evil king."

"Yet you loved the evil me—my harassment, my anger, and even my insult. You accepted all of it in behalf of your twin sister. Why?"

"Because I want all of you," diretsang pahayag niya. "All of me loves you, Hiro. Isang pagkakamali ang maramdaman 'ko 'to pero mahal 'ko ang lahat-lahat sa'yo. Kahit na anong moral at lohika ang pilit na isaksak 'ko sa kukote ko, hindi 'ko kayang tuluyang kalimutan ka." Nagtama ang mga mata nila. Sa isang iglap ay tumakbo ito at sinugod siya ng yakap.

"Bakit hindi mo sinabi sa'king nagdadalang-tao ka?" tanong nito habang nakapaloob siya sa mga bisig nito.

The coiled inside Ria's chest suddenly loosened. Paano nito nalaman ang bagay na 'yon? "You said that you don't want to involve yourself with me."

"Because I'm stupid and selfish, Ria. Kapag galit ako, sarili 'ko lang ang nakikita 'ko at di 'ko kayang intindihin ang iba. Ako ang nasaktan. Ako ang iniwanan. Ako ang tama. Ni hindi ako marunong gumamit ng salitang sorry. Pero sa pagkakataong 'to, dapat kitang intindihin—dahil nagmamahal ako. Dahil mahal kita. Dahil hindi ko kayang mabuhay ng normal ng wala ka, Ria."

"Hiro!" Napahagulgol siya sa balikat ng binata.

"I love you so much baby!" He cupped her face then kissed her. Damang-dama niya ang init sa pamilyar na salat ng mga labing iyon. Sobrang nangulila siya dito—sa mga yakap at halik nito. Habol niya ang paghinga nang ilayo nito ang sarili. Pinakatitigan nito ang mukha niya. "Hindi magiging madali ang lahat pero gusto 'kong sumama ka sa'kin pabalik ng Pilipinas."

"A-anong mangyayari kay Rio?" nag-aalalang tanong niya.

"She would get what she deserve," walang bakas ng galit ang tono ni Hiro—purong determinasyon at resolbasyon ang naroroon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PAGKALIPAS ng dalawang araw ay sumama si Ria kay Hiro pabalik ng sariling bansa. Ang pamilya niya ang una nilang pinuntahan. Inupakan agad ng binata ang kanyang Kuya Vinz pagkakita nito dito.

"You ain't playing with my life no more." Kinuwelyuhan nito ang kapatid niya at isinadsad sa dingding. "If you f*cking want my family's connection, earn it on your own Vinzent! Huwag mong gamitin si Ria. Huwang niyo siyang gamitin," pagdidiin nito sa mga kataga. Bumaling ito sa ama niyang tila napako sa kinatatayuan. "Anak mo silang pareho. Wala akong alam sa sitwasyon ni Ria sa pamamahay na 'to pero itinulak mo siya sa bangin para sagipin si Rio. Hindi 'ko alam kung ano ang nakita niyo sa babaeng 'yon kung bakit kinukunsinti niyo siya ng gano'n. You aren't helping her. You are just spoiling a venomous snake."

Umiiyak na pinigilan niya ito. "Hiro, tama na..." Binitiwan nito ang Kuya Vinz niya at kinabig siya ng yakap.

"Paano mo nagawa sa amin 'to, Ria?" nang-aakusa ang tingin ng Papa niya. "Nakiusap ako sa'yo, di ba?"

Hilam sa luhang tiningnan niya ito. "Buong buhay 'ko Papa wala akong ginusto kundi ma-rekognisa ng pamilyang 'to—ang magkaroon ng silbi sa'yo. Nakiusap ka. Sinunod 'ko. Pero hindi 'ko na kayang balewalain pa ang sarili 'ko. I don't want to be the shield of my perfect twin sister anymore. I have my own life ahead of me. I have my own heart to decide what's good for me. Lahat ng oportunidad para maging masaya na kay Rio. Ako—ito lang. Wala akong inagaw. Nagparaya ako ng ilang beses pero ngayon... hindi ko kayang bitawan ang natagpuan 'kong kaligayahan." Itinaas niya ang magkahugpong na kamay nila ni Hiro. "Mahal namin ang isa't-isa, Papa."

"Hindi kayo puwedeng magsama!" mariing tutol nito. "Sisirain mo ang kapatid mo sa gagawin mo, Ria!"

****

- Amethyst -

All of Me [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें